CHAPTER 52

49 1 0
                                    

FEIVY's POV

"Ano? Nakausap mo na ba si Stacey?" tanong ko kay Mr. Reyes.

"Yes, Miss at pumayag siya sa deal namin na hahayaan natin siyang umalis ng paaralang ito kung gagawin niya ang gusto natin." sagot ni Mr. Reyes.

"Ang uto-uto rin naman ng babaeng yun. Akala niya ba talaga ay hahayaan natin siyang makatakas sa impyernong ito? Masyado na siyang maraming nalalaman tungkol sa mga nangyayari sa paaralang ito. At anumang oras ay maaari niya tayong ilaglag." imik ko habang iniinom ang wine na hawak ko.

"Tama ka, Miss. So, what's your plan now?" tanong niya na nagpangisi sa akin.

"Hahayaan na muna natin silang mag-enjoy at maghanda para sa Grand Ball nila." sagot ko at ipinatong ang wineglass na hawak ko sa isang lamesa.

AERY's POV

Andito na ako sa dorm namin at nakahiga. Iniisip ko pa din yung mga nangyari. Masyado ng occupied ang utak ko. Grand Ball na din namin bukas at wala pa akong gown. Ano kaya ang magandang design? First time kong magsuot ng gown at heels. Kakayanin ko kaya? Kung hindi lang required, hindi na ako aattend e. Well, ayaw ko namang mapunta na naman sa ML. Isa yung opportunity para kina Tita Fei para ma-first blood ako at siguradong hindi sila papayag na si Eris ang makasama ko sa loob. Hays, naiisip ko na naman siya. Hindi naman talaga ako galit sa kanila e. Masyado lang akong naguguluhan sa mga nangyayari. Ayaw ko din muna silang makita. Gusto kong mapag-isa.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng dumating sina Ate Ambry at Stacey. Ayaw ko siyang makita kung maaari.

"Sino nga pala ang ka-partner mo, Tams?" rinig kong tanong ni Stacey kay Ambry.

"Syempre, si Rix ko." masayang sagot ni Ate Ambry. As expected.

"How about you? Sino ka-partner mo?" balik na tanong ni Ate Ambry kay Stacey.

"Labas lang ako." paalam ko. Malamang si Eris partner niya. Naghalikan nga sila e. Siguro uubusin ko na lang oras ko para maghanap ng gown. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at isinara na ang pintuan.

Hahanapin ko na lang si Kuya JA para may makasama ako sa paghahanap. Siya na lang din kaya gawin kong partner?

"Mukhang may naghahanap sa akin ah." imik ng isang lalaki. Nandito kasi ako papunta sa dorm nila. Actually, magkatabi lang ang dorm nila nina Eris.

"Kuya JA! Tama ka. I've been looking for you. I need you for today." masayang sambit ko ng makita siya. Sa panahong ito, siya lang ang malalapitan ko.

"Sige, Baby. Kahit ano pa iyan. Go lagi si Kuya JA mo." masaya naman siyang pumayag.

"Thank you, Kuya JA!" masayang sambit ko at niyakap siya. Sakto naming lumabas si Eris mula sa kanyang dorm.

"Tara na, Kuya JA. Baka kasi gabihin tayo." pag-aya ko sa kanya at hinila na paalis.

ERIS' POV

"Tara na, Kuya JA. Baka kasi gabihin tayo." pag-aya ko sa kanya at hinila na paalis. Hindi nakaiwas sa aking mga mata ang paghawak ni Aery sa kamay ni Jhion.

Aery? Alam kong marami akong nilihim sa iyo. Alam kong nasasaktan kita. Pero masaya ka na ba sa kanya? Bakit nagagawa mong tumawa ng ganun kadali sa harap niya?

AERY's POV

"How about this Kuya JA?" tanong ko ng isuot ang isang gown na may mahabang manggas.

"No. Hindi bagay sayo?" sagot niya na umiiling pa. Nagsusukat ako ng gown para sa Grand Ball bukas.

"Miss Mendez? How about this po?" suggestion ng saleslady at ipinakita sa akin ang isang tube gown na kulay black na balloon style ang ibaba. Tumingin ako kay Kuya JA bilang paalam. Wala lang, pake niyo ba? Tumango naman siya bilang pagsang-ayon kay kinuha ko yun at sinukat.

"Kuya JA!" tawag ko sa kanya paglabas ko ng fitting room.

"Bagay sayo, Baby. Ang sexy mo pala? Lagi ka kasing si loose shirts and pants e." hindi ko alam kung compliment ba yun?

"Kuya JA, wait lang. May isa pa kasi akong isusukat." paalam ko ulit sa kanya at kinuha ang isang black fitted gown.

"What do you think, Kuya JA?" tanong ko sa kanya.

"Well, maganda siya. Lalong lumabas ang kaseksihan mo, Baby. Kaso masyadong revealing at daring. I'd prefer the other one. Yung nauna." compliment niya sa suot ko.

"Sige, Miss. I'll take that one. Kuya JA, wait mo na lang ako sa labas. Magbibihis lang ako." sambit ko kay Kuya JA. Buti na lang andito siya kapag kailangan ko ng makakausap at makakasama.

"Sige. Take your time." sagot naman niya.

"Makikilala niyo na rin siya, Tita. Malapit na. Konting tiis na lang." imik ni Kuya JA sa kausap niya over the phone? Sabagay, Sunday nga pala ngayon kaya pwedeng gumamit ng phone.

"Sino ipapakilala mo Kuya JA?" tanong ko paglapit sa kanya.

"Huh? Wala yun, Baby. Yan na ba yung gown? Kung wala ka ng nakalimutan, tara na? 6 pm na oh?" pag-aaya niya para maiba ang topic.

"Yup. Tara na. Hatid mo ko sa dorm ha?" Wala lang, trip ko lang. May ibibigay din kasi ako sa kanya. Hihi...

"Sige." at nagsimula na kaming maglakad palabras ng mall.

AMBRY's POV

"Nami-miss ko na si Aery." malungkot kong sambit kay Stacey na kanina pang tulala.

"Ako din. Kahit kasama natin siya sa kwarto, siya naman itong naiwas." malungkot ring pagsang-ayon ni Stacey.

"Tams?" tawag niya sa akin.

"Hmm?" tanging sagot ko lang at tumingin sa kanya.

"Alam mo namang matagal ko ng gusting makalabas sa paaralang ito, di ba? At kahit ano, gagawin ko mangyari lang yun." simula niya.

"Oo, Tams. Sino ba naman ang gugustuhin pang manatili sa lugar na ito?" pagsang-ayon ko naman.

"Ibig sabihin, maiintindihan mo ako?" tanong niya na mababakas na medyo nakahinga siya ng maluwag. Ano bang nangyayari?

"Oo naman, Tams. Basta ba ikakasaya mo at walang mapapahamak, support kita." Sagot ko naman sa kanya.

"Wait lang, Tams. May gagawin lang ako sa kusina." paalam ni Stacey.

AERY's POV

"Salamat, Kuya JA." Masayang bati ko kay Kuya JA.

"Wala yun, Baby. Ikaw pa? malakas ka yata sakin." Nakangiti niyang sagot.

"Wait lang, Kuya JA. May ibibigay ako sayo." agad kong kinuha yung gift na binili ko kanina sa shop.

"Ano ito?" tanong niya.

"Buksan mo para malaman mo." nakangiti kong sagot.

"Ang ganda naman nito, Baby. Nag-abala ka pa." sagot niya. Isa yung wrist watch na may initials na JA at isang necklace na may initials din na JA.

"Gusto ko suot mo yan bukas. Ikaw ang date ko ha?" sagot ko at ipinakita ko rin ang wrist watch at necklace ko na may initials din na JA.

"I appreciated it, Baby. Sige, susuotin ko ito bukas. Susunduin pa ba kita?" tanong pa niya.

"No need, Kuya JA. Dun na lang tayo magkita sa event hall." Sagot ko sa kanya. Baka hindi niya ako paalisin bukas kapag kasabay ko siya. Hihi...

"Sige, bye. See you tomorrow." paalam niya at hinalikan ako sa noo.

Pumasok na ako sa dorm at dumiretso na ng higa sa kama at natulog.

- Bb. Makata

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon