AERY's POV
Andito ako ngayon sa tapat ng pinto ng room namin. Sakto naman ang dating ng professor namin.
"Oh, Ambry. Papasok ka pa lang?" tanong niya.
"Yes, Maa'am." nag-aalangan kong ngiti.
"Ah, okay. Let me first tell the students. I'm Miss Arellano." pakilala niya.
"Sige po." then pumasok na siya sa classroom.
JENRIX's POV
Nakita ko sa bintana si Aery na kausap si Miss Arellano.
"Pre, anong ginagawa dito ni Ambry? Don't tell me magiging kaklase natin siya. Di ba ayaw niya ng Math tapos engineering ang course niya?" tanong ni Zhed na nasa aking harapan.
"Okay, class. Sa mga old students, alam kong kilala niyo na si Ambry dahil nag-aral na siya dito. Pero still, let her introduce herself para sa mga new students dito." nakatingin lang ako hanggang sa sinenyasan na ni Ma'am si Ambry na pumasok.
"Hi, I'm Jyxie Ambry Mendez. Para sa lahat ng..." hindi ko na napakinggan ang mga sinasabi niya dahil kay Zhed.
"Pre, si Ambry ba talaga yan? Postura pa lang, ibang-iba na siya. Never siyang nag-ipit ng buhok at hindi na siya naglalagay ng make up kahit light. Ngayon ko lang din siya nakitang nag-rubber shoes." si Zhed, ang daldal sadya.
"Makinig ka na lang, Pre para malaman mo." sagot ko at tumingin ulit kay Ambry.
"... kaya kung may mapapansin kayong pagbabago sa akin ay dahil may amnesia ako. Yun lang." Marami ang nagulat sa eksenang iyon. Kahit ako, di ko rin maitatangging ibang-iba na siya kaysa dati, postura pa lang.
"Maaari ka ng maupo. Pumili ka na lang sa mga bakante." sabi ni Miss Arellano. Dalawa lamang ang bakante. Yung sa tabi ko at tabi ni Eris na nasa likuran ko. Oo, andiyan siya, di lang umiimik.
Lumakad siya papunta sa direksiyon ko. Dito ba siya uupo? Na-miss kong makausap at makatabi siya. Sobra. Tumigil siya sa tapat ng upuang katabi ko. Tinanggal niya yung bag niya. Yes! dito siya uupo kaya awtomatikong napangiti ang aking mga labi. Pero nawala rin at tumigil ang mundo ko ng tumabi siya sa kapatid ko. Marami ang nagulat sa ginawa niya. Syempre, boyfriend niya ako tapos kay Eris siya tumabi. Ang sakit mga Parr!
AERY's POV
Ang daming nagulat sa pagtabi ko sa lalaking ito na pinaglihi ata sa yelo sa sobrang cold at tahimik. Pero ayos na rin yung tahimik kaysa dun sa lalaking parang ang daldal. Pero nakokonsensiya ako sa ginawa ko kanina, yung abot-langit ang ngiti niya kaso nawala nung umupo ako dito. Eh kasi naman, isasabit ko lang yung bag ko dito sa likod ng upuan para nasa harap ko kapag umupo ako dito. Siya naman kasi nag-assume agad.
"Kawawa naman si Papa Jenrix, snob ni Ambry." - girl 1. Maka-papa ito, anak lang?
"Oo nga, siguradong nasaktan siya ng sobra." - girl 2. Bakit naman masasaktan? Wala siyang karapatan, assuming kasi masyado. Hindi porket close sila ni Ate Ambry, sa kanya na ako sasama. Pero close lang ba talaga sila o higit pa? Dahil maging ako ay may nakitang lungkot sa mata niya. Jenrix, sino ka ba sa buhay ni ate.
*fast forward*
AERY's POV
*krriiinnggg!!!*
Whew! Sa wakas, tumunog na rin ang bell. Bored na ako, puro discussion.
"Ok, class dismissed." paalam ng professor namin.
Lumabas na agad ako. At habang naglalakad ako sa hallway ay may tumawag sa aking lalaki at boses pa lang ay kilala ko na kung sino yun.
"Ambryy!!" tawag niya kaya napalingon ako pati yung ibang estudyante. Ako lang ang Ambry dito di ba? Bakit pati sila kailangan lumingon?
"Pabalik ka na ba sa dorm mo?" tanong ni Jenrix na kasama yung katabi ko kanina at isa pang lalaki.
"Hindi, papasok pa lang. Katatapos lang ng klase di ba?" pambabara ko. Natawa naman yung isang lalaki.
"Pre, ngayon ka lang niya binara." tawa ng kasama niya. Si Yelo naman, tahimik lang.
"Tumahimik ka nga, Pre." saway niya.
"Kung wala kang sasabihing matino, aalis na ako." plain kong sagot at akmang tatalikod na.
"Teka lang, hatid na kita." presenta niya.
"Wag na. May sarili naman akong paa saka saulo ko na ang buong school kaya kahit may amnesia, hindi ako maliligaw." sagot ko.
"May amnesia ka ba talaga? Kung ganun, di mo talaga kami kilala?" tanong na naman ng isa niyang kasama. Ang daldal ha. Tumango lang ako.
"Kung ganun, magpapakilala ulit kami." siya at ngumiti.
"Ako si Zheddie Martinez. Zhed na lang." pakilala ni ingay.
"Jenrix Lovein." pakilala ni Jenrix
"Siya ang boy---" hindi na naituloy ni Ingay ang sasabihin niya ng takluban ni Jenrix ang bibig niya.
"Kilala ko na siya." di ko na pinansin yung balak sabihin ni Ingay at tiningnan si Yelo.
"Eris." maikling sagot ni Yelo at umiwas ng tingin. haha... ang cute pala niya. Asarin ko kaya. hihi...
Lumapit ako sa kanya at nakipagtitigan pero umiwas lang ulit siya then namula yung pisngi. haha... Ang cute talaga. Hindi ko napigilang tumawa at akbayan siya.
"Alam mo Yelo, Type kita." sabi ko kaya napatingin silang lahat at sina Jenrix at Zhed na kanina pa pala nakatitig.
"What? type ko siya bilang barkada." angal ko.
"What did you say? Yelo?" reklamo ni Yelo na ikinagulat ko.
"My gosh! nakakapagsalita ka pa pala? Ang tahimik mo kasi eh." Okay, di ko na gusto ang tingin ng mga estudyante dito. Like duh! wala naman akong ginagawang mali.
"Tss." sagot lang ni Yelo. Humiwalay na ako at nagpaalam.
"Sige na, guys. Una na ako. Bye, Yelo! Nagba-blush ka, di bagay sayo." haha... kaya napatingin sina Jenrix at Ingay (Zhed) then tumakbo na ako. haha...
JENRIX's POV
Tiningnan ko lang si Ambry habang tumatakbo. Ang sakit ng maghapong ito. Kanina, tumabi siya kay Eris. Ngayon, yung pagtanggi niya sa paghatid ko. Idagdag mo pa yung paglapit at pag-akbay niya kay Eris.
Nagka-amnesia ka Ambry pero nakalimutan mo na ba talaga ako? Na kahit ang puso mo, hindi na ako makilala, ang boyfriend mo at ang taong mahal mo pero di ko alam kung pati hanggang ngayon, ako pa rin at walang nagbabago.
-Bb. Makata ^_^

BINABASA MO ANG
First Blood
Roman pour AdolescentsPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...