AERY's POV
"Hindi niyo na kailangang gawin yun." imik ng isang babae sa pintuan.
"Attteee!!!" sigaw ko kay Ate Ambry sa may pintuan at dinamba siya ng yakap. Well, kahit mataray ako, si Ate pa din ang ultimate bestfriend ko.
"Ate ka diyan!" angal niya at mahina akong binatukan.
"But I miss you, Aery." imik niya at niyakap ako pabalik. Gusto lang nitong mambatok eh.
"I miss you too, Ambry." ayaw niya kasi ng tinatawag ko siyang Ate. Minutes lang daw naman ang agwat namin. Haha... Hindi matanggap na mas gurang siya. haha...
Dumiretso siya ng pasok. Iba ang awra ngayon ni Ambry. Yung tipong feel mong matapang siya.
"I've heard that your plan is pumasok tayong magkasama dito?" panimula ni Ate at umupo na din sa kama.
"Yes, Ambry." sagot ko.
"Then, kambal talaga tayo. Magka-konekta ang utak natin dahil same tayo ng naiisip." sabi pa niya at ngumiti sa akin.
"Kaya Dad, payagan mo na kami. Oras na din naman siguro para harapin ko na ang nakaraan." dagdag naman ni Ambry at tumingin kay Dad.
"Sige, pumapayag na ako. Basta magsabi lang kayo sa akin ng mga kailangan niyo." pagsang-ayon ni Dad pero bakas pa din ang pag-aalala niya sa amin ni Ambry.
"Don't worry, Dad. Mag-iingat kami ni Aery. Hindi kami mawawala sayo, okay?" pag-aalo ni Ambry kay Dad.
"Yes, baby. But make sure, you'll update me on what's happening to the both of you." sagot ni Dad.
"Yes, Dad. But how? Naka-blocked lahat ng communications dito sa loob?" sagot ni Ambry. Kaya pala walang pulis or anumang authority ang pumapasok dito dahil kahit magsumbong ka, naka-block ang communication.
"This phone, use it. It is protected and they can't trace it. Itago niyo lang mabuti." binigay sa amin ni Dad ang tig-isang phone.
"Ok, Dad." sabay naming sagot ni Ate Ambry.
"Sige, then, I'll go now." paalam ni Dad.
"Bye po. Take care." sagot ko kay dad at umalis na.
"So, ano na ang new, Aery?" tanong agad ni Ambry sa akin pagkaalis ni Dad.
"Well, ano ba gusto mong malaman?" tanong ko sa kanya in a plain tone. Mahirap kaya magkwento ng isang bagay tapos di naman pala interested dun yung kausap mo.
"Yung mga nangyari sa'yo simula nung dumating ka dito." nakangiti niyang sagot.
"So, gusto mong isa-isahin ko yung kada araw na naranasan ko dito?" tanong ko in a bored tone.
"Yup." mabilis niyang sagot at humarap sa akin.
"Kung ganun, eh di sana ininform mo akong gumawa ng diary tapos ipapabasa ko sayo pagbalik mo." I replied in a sarcastic way.
"Aery naman. Kahit kailan talaga, sungit-sungit mo. Saka malay ko bang makikidnap ako na palabas naman pala ni Dad." siya at nagpout pa.
"Hindi tatalab sa akin ang ganyang paraan mo, Ambry." sagot ko.
"Dali na, kwento ka na. Summarize mo, please..." aba't inutusan pa ako.
"Sige na nga." pagpayag ko at umupo kami parehas ng ayos.
"Well, nakaaway ko lang naman sina Samantha at Sabrina." kwento ko at ipinakita ang sugat sa wrist ko.
"Ano? Ginawa rin nila sayo yan?" gulat niyang tanong at alalay na tiningnan ang wrist ko.
"Oo, Ambry. That's why napunta ako sa ML ng wala sa oras. Ginugulo kasi ako ng magkapatid na yun eh. But still, I can use this wound against them." medyo naiinis kong sagot.
"How?" nagtatakang tanong ni Ate Ambry.
"I don't know. Maybe these days or someday. I just can feel it." sagot ko.
"Hayyss... Hayaan mo na. Baka naiinggit lang sa ganda natin." sagot ni Ambry at sabay kaming natawa.
"Oo nga, Ambry. At nga pala, pumunta ka dito at nabanggit mong same tayo ng iniisip then does it mean, tuloy na tuloy na ang pagpasok mo dito?" tanong ko.
"Yes, Aery. At bukas na bukas din, pupunta ako sa office ni Tita Fei para mag-enroll." sagot niya.
"Ayyiiee... Gusto na kitang makasama at sa wakas, matatapos na din akong magpanggap. You know what, Ambry, ang hirap magpanggap ha pero keri lang ng beauty." sagot ko.
"Pero gusto mo pang mag-stay. Haha... Ayyiee... Narinig ko yun sa labas. May nagugustuhan ka dito, ano? Sino yan ha?" pang-aasar niya.
"Wala ah." sagot ko at umiwas ng tingin.
"Weh? Ayiiee... Ang mataray kong kakambal, umiibig na. Ang galing naman nun, napaamo ka." pang-aasar pa niya at tumawa.
"Ambry naman eh. Oo na, meron na." sagot ko.
"Sino? Gwapo ba? Mabait ba? Ano? Mas gwapo sa Rix ko?" sunud-sunod niyang tanong. Para siyang si Jenrix.
"Sa Monday, makikilala mo siya." pambibitin ko.
"Pwede namang ngayon na eh. Ayaw pang sabihin." sagot naman niya.
"Basta makikilala mo din yun. Gwapo yun, sigurado." sagot ko.
"Gusto mo, gusto ka ba?" tanong niya.
"Oo naman, Ambry." proud kong sagot.
"Bakit di pa nanliligaw? Sinabi ba niya?" pambasag ni Ambry -_-
"Well, hindi pa pero base sa gesture niya, oo." sagot ko.
"Eh di wag ka munang mag-assume. Sige ka, baka masaktan ka. Not all sweet things leads to happy endings." paalala ni Ambry.
"Pambasag ka naman ng moment Ambry eh." reklamo ko.
"O! M! G!" Sabay kaming napatingin ni Ambry sa nagsalita sa may pintuan.
- Bb. Makata ^_^
BINABASA MO ANG
First Blood
Teen FictionPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...