ERIS' POV
Hi sa nag-aabang ng POV ko. Good mood ako kaya nag-POV na ako. haha... Ngayong umaga lang ako umuwi galing ML. OH, teka! Wala akong ibang ginalaw. Loyal kaya ako sa Hangin ko.
"Oh? ganda ng ngiti natin ah. Mukhang maganda ang nagyari sayo sa ML." bungad ni Kuya Jenrix.
"Well, kinda." cool kong sagot. But honestly, nakakabakla man pakinggan pero kinikilig ako. haha...
"The last time na makita kitang ngumiti ng ganyan is two years ago at dahil rin sa babae. At hindi mo man lang sinabi sa akin kung sino yun hanggang ngayon." sagot niya. I'm sorry, kuya. Ayaw kitang masaktan dahil ang babaeng yun ay ang babaeng mahal mo, si Ambry.
"But this time, Kuya, ito na talaga." sagot at ngumiti. Hindi ko mapigilan eh. Nawala lang yun ng batuhin ako ng unan ni Kuya.
"Ano ba, Kuya?" tanong ko ng masambot ko ang unan.
"Wag mo sabi akong tinatawag na Kuya." sagot niya.
"Aba, kasalanan ko bang marunong akong gumalang sa mas nakakatanda sa akin?" sagot ko na may halong pang-aasar. Akmang mambabato na naman siya kaya tumakbo na ako paalis sa harapan niya.
AMBRY's POV
It's Saturday morning. It's weekend so it means, darating si Dad kasama si Brix. Maya-maya pa ay may nagdoorbell na. Sila na siguro yun kaya dali-dali akong bumaba.
"Ate Teresa, ako na po ang magbubukas." presenta ko kay Ate Teresa pagkababa.
"Ah, sige po." sang-ayon naman niya at bumalik sa kusina.
"Mommy!" sigaw ni Brix pagbukas ko ng pinto.
"Hi, Baby." niyakap ko siya at hinalikan. Tumingin naman ako kay Dad at ngumiti.
"Ambry, we need to talk." seryosong bungad ni Dad. Pinaasikaso ko muna kay Ate Teresa si Brix at dinala si Dad sa may dining area.
"What is it, Dad? It looks so serious." sagot ko kay Dad at umupo.
"You will go back to ML. I've heard that Aery got to ML." seryosong sagot ni Dad. No way! Ito na nga ba ang ikinakatakot ko.
"Paano nangyari? Sino ang may gawa?" tanong ko
"Samantha and Sabrina Marquez." sila na naman.
"That's why I need you to go back there. Ngayong napasok siya sa ML, malalaman na nilang she's just pretending to be you. And we'll send her abroad." sagot ni Dad.
"Sige, Dad. Siguro nga, kailangan ko na ding harapin ang nakaraan. Hindi ko sila matatakasan habang buhay. At kailangan na rin nilang magbayad sa ginawa nila sa akin." kung noon, pumapayag akong minamaliit, ako naman ang lalaban ngayon. Ako naman ang magpoprotekta kay Ambry.
"Sige, iiwanan ko muna sayo dito si Brix. Pupuntahan ko lang si Aery sa school." paalam ni Dad.
"Sige po. Mag-iingat po kayo." bigkas ko kay Dad bago siya lumabas.
AERY's POV
*yawn*
It's Saturday. Tanghali na ako nagising, buti na lang wala kaming pasok. Pero kailangan ko pa din linisin ang restroom. Last day ngayon, buti na lang. And speaking of restroom, si Yelo pala naglilinis nun. Thanks to him. At yung sugat ko, hindi pa din magaling. Dinoblehan kasi ni Sabrina. Tss... Magkapatid na yun. Lagot kayo sa akin. Wala si Stacey. May pasok yun eh.
*tok!tok*
Sino naman kaya ang bisita ko ng ganito kaaga. Tapos na ang punishment ko. Ay tanghali na pala ako nagising.
"What?" bored kong tanong sa kung sino man ang kumakatok.
"Ang baby ko talaga, ayaw ng iniistorbo ang tulog." sagot ni Dad. Dad? Nawala ang antok ko ng marealize na si Dad ang nasa harap ko.
"Daddy!" at dinamba ko siya ng yakap. I miss him pati na din si Ate.
"Pwede bang pumasok?" tanong niya at gumilid para bigyan siya ng daan. Buti na lang wala si Stacey. Makakapag-usap kami ng ayos ni Dad.
"Akala ko ba, Dad, bawal ang bisita dito?" takang tanong ko.
"Well, you know your Dad. I have my sources." nakangiti niyang sagot.
"So, Dad? What brings you here?" sagot ko in plain tone. Well, ganyan sadya ako makipag-usap sa kanya at sanay na siya. Ang bilis magbago ng mood.
"Why, Baby? You don't like me here?" tama bang sagutin ng tanong din ang tanong?
"It's not like that, Dad. I'm just asking." sagot ko at tumabi sa kanya.
"Well, I have two good news for you." nakangiti niyang sagot.
"What is it, Dad?" tanong ko na parang na-eexcite sa sasabihin niya.
"Your Ate Ambry was finally with me." nakangiti niyang sagot.
"Really, Dad? It's good to hear. I miss her so much. So, what's the second good news?" tanong ko.
"Makakaalis ka na rito at si Ate Ambry na ang papalit sa'yo." bigla akong natahimik sa sinabi ni Dad. Hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa akin dito na huwag umalis.
"Really, Dad?" yun lang ang naisagot ko kay Dad at binigyan siya ng pekeng ngiti na mukhang nahalata niya.
"Why? Baby? Di ba, ayaw mo naman sadya pumasok dito?" oo, aaminin ko, ayaw ko nung una pero ng makilala ko sina Jenrix, Zhed, Stacey at lalo na si Yelo, nagustuhan ko na dito.
"Yes, Dad. Ayaw ko nga pero noon yun Dad. Kahit half a month pa lang ako dito, nag-enjoy ako at nagustuhan ko na dito. Kaya Dad, pwede bang kahit ang year na ito lang, hayaan niyo akong maging si Ate Ambry dito?" pakiusap ko kay Dad.
"Pero delikado na ikaw dito. Not now, but soon, malalaman na nilang hindi ka si Ambry dahil na-first blood ka sa ML." nag-aalalang sagot ni Dad.
"No, Dad. Actually, I'm still a virgin. Hindi ako na-first blood sa ML." sagot ko kay Dad na nagpakunot sa noo niya.
"But how?" tanong ni Dad.
"Si Yelo, I mean si Eris ang nakasama ko sa loob." sagot ko.
"It's good to hear. But still, you need to switch with Ambry. Mas maganda na yung maaga pa, makakaiwas na tayo. Ayaw kong maulit ang nangyari, two years ago." sagot ni Dad. No, I don't like.
"Ano ba kasi ang nangyari two years ago? Nagmumukha na akong tanga dito oh!" Hindi ko na maiwasang malagyan ng inis ang tono ng pagsasalita ko.
"Your Ate Ambry was raped." Napatigil ako sa narinig ko kay Dad.
- Bb. Makata ^_^
BINABASA MO ANG
First Blood
Fiksi RemajaPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...