AMBRY's POV
Papunta na kami ngayon ni Rix sa library para tingnan kung nandoon pa ang daanan papunta sa laboratory.
"Jyx? Anong gagawin mo kapag nahanap natin yung laboratory?" tanong sa akin ni Rix.
"Ahmm... Isusuplong sa pulis si Tita Fei then aalamin ko kung sino ang inutusan niya para i-rape ako." sagot ko naman.
"Sana pagkatapos nun, maging ayos na ang lahat." sagot ko pa at pumasok sa library.
"Sana nga." pagsang-ayon naman ni Rix.
"Saan kayo pupunta?" biglang tanong ng isang babae mula sa aming likuran.
"Lola, ikaw pala yan. Pinakaba mo naman ako." nagmano naman ako sa kanya. Lola ko siya at siya ang librarian dito. Pero hindi alam ni Aery na lola namin siya. Sinadya yun ni Dad dahil baka magtanong siya ng magtanong kay lola kapag nalaman niya ang bagay na ito.
"Titingnan ko po kung andito pa rin yung daan papuntang laboratory." alam niya lahat ng nangyari sa akin.
"Naku, apo. Wala na diyan ang daang yun. Inilipat na nila iyon sa likuran nitong library. Heto, may susi ako." inabot niya sa akin ang isang keychain na may susi.
"Lola, paano ka po nagkaroon ng susi ng laboratory?" nagtataka kong tanong.
"Nahulog lang yan nak mula sa isang lalaki ng mapansin kong galing siya sa likuran ng library." kwento ni lola. At lalaki? Siya kaya yung nangrape sa akin?
"Lola, nakita niyo ba ang mukha niya?" tanong ko.
"Naku, apo. Pasensiya na pero hindi eh. Nakasuot kasi siya ng itim na cap at mask." sagot naman ni lola.
"Ah ganun po ba? Salamat po. Mauna na po kami ha?" paalam ko kay lola.
"Wala yun, apo. Sana sa pagkakataong ito, matapos niyo na ito." pagpapaalala naman ni Lola.
"Opo, tatapusin na namin ito." matapang na sagot ko at umalis na.
"Dapat lang apo dahil may kailangan ka pang kilalanin." nakangiting imik ni Lola.
"Sino naman po?" tanong ko
"Nakita mo na siya pero di mo pa alam kung sino siya." matalinhagang sagot ni Lola. Ganyan ba epekto ng laging nasa library? Mga malalalim ang gamit na salita? Minsan, ang creepy pa niya.
Pumunta na kami sa bandang likuran at hinanap ang pintong sinasabi ni Lola. Pero nagtaka kami ng puro dingding na may dahon ang naabutan namin.
"Sigurado ka ba na alam ni lola ang daan? Puro pader na may dahon lang ang nandito." nagtatakang tanong ni Rix.
"Oo, imposibleng magsinungaling si lola. At hindi ka ba nagtataka? Bukod tanging ito ang madahon kaysa sa ibang lugar ng academy natin." sagot ko na sinang-ayunan naman niya.
Napansin ko ang isang parte na maayos ang pagkakapatas ng mga dahon kaya nilapitan ko ito.
"Rix, baka ito na ang pinto." masaya kong tawag kay Rix na agad naman lumapit.
"Let me see." hinawi niya ang mga nakaharang na dahon at doon tumambad ang nakasaradong pinto.
"Ito na nga, Jyx." binuksan namin iyon gamit ang susing ibinigay ni lola.
"Halika na at baka may makakita pa sa atin." aya ko kay Rix at hinila papasok.
"Ito na pala ang laboratory. Walang pinagbago. Tulad pa rin ito ng makita ko." imik ko habang iniikot ang kwartong ito na puno ng mga aparato.
"Ito na siguro yung sinasabi nilang first blood formula." imik ni Rix na nakatitig sa isang pulang likido na nakalagay sa isang test tube.
"Dapat nating kuhanin iyan bilang ebidensiya. Kuhanan mo na din ng litrato." utos ko kay Rix na ginawa naman niya.
Kukuhanin na sana niya ang formula ng may narinig kaming paparating.
"Rix, tara, kailangan nating magtago." agad kong hinila si Rix sa isang table at nagtago sa ilalim nun.
"Ano? Nakausap mo na ba si Stacey?" tanong ng isang babae na mukhang si Tita Fei. At si Stacey? Anong pinag-usapan nila? Anong kinalaman ni Stacey?
"Yes, madam." imik naman ng isang lalaki. Sumilip ako sa isang maliit na butas para tingnan kung sino yun. Una kong nakita ang sapatos niya at tattoo sa bandang ankle niya na ikinagulat ko.
"Siya ang nang-rape sa akin." imik ko.
"Sino?" tanong ni Rix pero hindi ko pinansin.
"Bakit hindi ko siya nakilala agad on the day we meet again." imik ko sa hangin.
JENRIX's POV
Natulala na si Jyx at hindi ko na nakausap. Sinilip ko ang nasa labas para malaman kung sino ang nakita niya.
"Bakit ba kailangan mo pang ipakausap sa akin si Stacey? Parang nagbigay na rin tayo ng impormasyon sa kanya dahil sa ginawa natin." reklamo ng isang lalaking nakatalikod sa pwesto namin. Siya ba? Siya ba ang nang-rape kay Jyx?
"Dahil gusto kong makipaglaro sa kanila." nakangising imik ni Miss Fei at medyo tumingin sa direksyon ng pinagtataguan namin ni Jyx.
Susugudin ko sana yung lalaki pero pinigilan ako ni Jyx. Umiling siya bilang sensyas ng pagpigil.
"Sige, sounds fun, Miss." pagsang-ayon naman nung kausap niyang lalaki.
"Of course. I'll make sure of it." sagot ni Miss Fei.
"Okay, Miss. Then I'll go ahead." paalam nung lalaki pero pinigilan siya nito.
"Wait, sasabay na ako sayo." sagot ni Miss Fei at kinuha yung formula sample.
"Dadalhin mo yan, Miss Fei?" nagtatakang tanong ng tauhan niya. Hanggang ngayon, di ko pa din makita ang mukha niya.
"Yes, boy. Mahirap na, baka may magnakaw kung pababayaan ko lang ito dito." sagot ni Miss Fei at tumingin ulit sa pwesto namin. Alam niya bang andito kami?
"Ah, okay, Miss. Let's go." aya nung lalaki at tuluyan na silang lumabas.
"R-rix..." utal-utal na tawag sa akin ni Jyx. Buti naman, nagawa na niyang magsalita.
"Ano yun, Jyx?" tanong ko pagkaharap sa kanya.
"M-may C-CCTV sa tapat natin." utal pa din niyang sagot. Nakita ko ang CCTV.
"Jyx, kailangan na nating umalis dito." aya ko at hinila na siya palabas. Kaya pala natingin si Miss Fei sa pwesto namin. Tama ang hinala kong alam niyang narito kami.
"Pero bakit di niya tayo hinuli?" nagtatakang tanong ko pagkalabas namin ni Jyx na mukhang medyo naka-get over na.
"Dahil gusto niyang makipaglaro." sagot ni Jyx na diretso lang ang tingin.
"Laro?" tanong ko kay Jyx.
"Oo. Then laro din ang ibibigay ko sa kanya. Makikipaglaro ako pero sa larong ito, ako ang mananalo at patakaran ko ang masusunod." matapang na sagot ni Jyx.
- Bb. Makata
BINABASA MO ANG
First Blood
Teen FictionPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...