Chapter 3

292 18 1
                                    


Papunta na sa mga kotse nila ang HOT Boys at ang lahat ay nakatingin sa kanila. Kinikilig na naman ang mga kababaihan na kung ituring sila ay para silang mga celebrities. Pero dedma lang sa kanilang tatlo, dire-diretso lang sila sa paglalakad. Badtrip pa din kase si Migo na hindi malimutan ang ginawa sa kanya ni Fate. Maging si Clay ay hindi rin makapag move on dahil may babaeng tumanggi sa kanya at idagdag pa ang varsity jacket na suot ng babaeng hinatulan nila ng kill! Si Stan lang 'yung may okay na aura,siya lang 'yung nakangiti.

Bago pa man makalapit sa mga kotse nila ang tatlo ay biglang may babae ng lumapit kay Clay. 

"HOY! NG DAHIL SA'YO! NAWASAK ANG BAG KO! BAYARAN MO 'YON!" galit na sigaw ni Myzel at wala siyang pake kung magalit ulit ang mga estudyante. Pero mukha lang siyang tanga dahil wala man lang ka-emo-emosyon si Clay. "OH ANO?! BAYARAN MO 'YUN!!!" 

"Teka, bakit mo sinisigawan si Clay?!" galit na tanong ni Migo kay Myzel sabay duro. "Wala kang karapatang bastusin kahit na isa man lang sa'men. FYI Miss, you're just nobody!" diin pa nito at na-shock lang si Myzel. 

"Ibalato mo na siya sa'ken Migo!" inis na sabi ni Clay sabay tingin ng masama kay Myzel. "I can handle this," 

"OH ANO? PALITAN MO 'YUNG BAG KO HA! HINDI NAMUMULOT NG PERA ANG NANAY KO SA CANADA! PINAGHIHIRAPAN NIYA 'YON! SA BAWAT PISONG PINAPADALA NIYA SA'KEN AY KATUMBAS 'YON NG BAWAT PAGLILINIS NIYA NG ISANG MATANDANG MAY TAE SA PWET! KAYA WALA KANG KARAPATAN O ANG KAHIT NA SINO SA INYO NA SIRAIN ANG GAMIT NA BINILI NG NANAY KO!" galit niyang sabi na parang puputok na ang mga ugat niya sa leeg. "ALAM KO MAYAYAMAN KAYO KAYA KAYO NANDITO! HINDI NIYO ALAM KUNG GAANO KAHIRAP KUMITA NG PERA! AKO, NANDITO AKO DAHIL GUSTO NG NANAY KO NA MAKAPAG-ARAL AKO SA MAGANDANG ESKWELAHAN. KAHIT MAHAL ANG TUITION FEE, KAHIT MAHIRAP, DITO NIYA 'KO GUSTONG PAG-ARALIN. NAGSASAKRIPISYO SIYA MAKAPAGPADALA LANG NG MALAKI PARA SA PAG-AARAL KO! KUNG NANDITO KAYO PARA MAGTRIP LANG, PWES 'WAG NIYO KONG IDAMAY! DAHIL HINDI NAMIN PAG-AAKSAYAHAN NG PERA ANG UNIVERSITY NA'TO KUNG MAKIKIPAG-TRIP TRIP LANG AKO DITO!"

Ewan niya kung okay ba ang naging takbo ng speech at himutok niya, ang mahalaga ay nasabi niya! Sa harapan ni Clay, ng HOT Boys at ng mga estudyante ng HOT U. 

Nagulat si Myzel sa reaksyon ni Clay, ngumisi lang kase ito. 
"Tapos ka na?" sarkastikong tanong nito. "So.. What do you want me to do? Gusto mo bang mag sorry ako sa'yo? Well, if that's what you want, sorry... pero hindi ako mag-sorry sa'yo old fashioned girl! Yung mga nangyare sa'yo kanina, you deserved it!" Napanganga lang si Myzel sa nakakabwiset na sagot ni Clay. Sasagot pa sana siya pero bigla nalang siya nitong tinalikuran. Hindi siya nakasagot kay Clay dahil sa talo na siya, kundi dahil hindi siya makapaniwalang may katulad pala nito na walang puso at walang kunsensya.

Naiwang nakatayo si Stan na nakatingin pa kay Myzel.
"Sorry Miss," 

Agad namang lumapit si Ana na ngayon lang nakasiksik dahil sa dami ng taong nakapaligid.
"Myzel! Okay ka lang ba? Sabi ko sa'yo 'wag ka ng lumapit sa kanila eh." nag aalalang sabi ni Ana at agad siyang napatingin kay Stan. "STAN?" 

"Ana?" nakangiting tanong din ni Stan.

"HOT boys ka pala?" namanghang tanong ni Ana na hindi makapaniwala dahil ang bait ni Stan. 

"Yeah! Pero ako lang 'yung harmless." nakangiting sabi nito sabay senyas na sasakay na siya sa kotse. "Sige Ana, i have to go." 

"Sige..bye.." nashock pa ring sabi niya at napahawak tuloy siya sa suot niyang varsity jacket. 

Hinatulan siyang maging KILL ng HOT Boys pero isang HOT Boy din ang nag-save sa kanya.

+**+

HOT HOUSE

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon