"It's so disgusting! Utusan ba naman ako ni Fate na ibili siya ng milk tea? Nakakainis diba? Kung makaasta siya, akala mo naman Queen talaga siya!" inis na kwento ni Migo kay Clay habang naglalaro sila ng basketball sa court.
"Is that what you call disgusting??" sabi ni Clay na pumunta sa gilid at uminom muna ng tubig. Sumunod din sa kanya si Migo na kumuha na rin ng bottled water mula sa backpack niya. "E pano naman 'yung nangyari sa'ken kanina? Yung girl na nabunot naten para sa kiss ay ayaw magpahalik, binato pa 'ko ng bag! Abnormal na babae! Ayun ang mas disgusting!" inis na sabi ni Clay at natawa lang si Migo.
"Abnormal agad? Hindi ba pwedeng hindi ka lang type? Alam mo kase Clay, hindi lahat ay pwede mong ma-please.. At hindi lahat ay naga-gwapuhan sa'yo! " natatawang sabi ni Migo.
Napailing nalang si Clay, hindi niya kase malimutan ang na-encounter niya sa babaeng manang, old fashion, masungit at violente!
"Teka Migo, asan na nga pala si Stan?" naalalang tanong ni Clay at napakibit balikat nalang si Migo.
+**+
"Naku, ma le-late na 'ko sa first class ko! Paano ba 'ko makakapunta sa room ko?" nag-aalalang tanong ni Ana na nakasandal parin sa pinto at habang si Stan ay prenteng prente ang pagkakaupo sa couch. "Baka paglabas ko bigla ay makita nila 'ko!" kinakabahang sabi niya pa at relax lang sa pagkakaupo si Stan. "Ah.. Stan.. Hindi mo ba 'ko pwedeng matulungan?"
Tumayo si Stan at agad na lumapit kay Ana, as in sobrang lapit! Naramdaman ni Ana na halos 2 inches nalang ang pagitan ng mga mukha nila ng lalaki. Nakayuko pa nga ito sa kanya kase ang tangkad nito! Napalunok nalang bigla si Ana dahil natensyon talaga siya sa pagkakalapit nilang 'yon ni Stan. Wala siyang ibang alam sa lalaki kundi ang pangalan lang nito at bukod pa don ay wala na talaga, pero hindi niya alam kung bakit nakakaramdam agad siya ng kuryente kahit hindi pa man nagdidikit ang mga katawan nila.
"Suotin mo 'to." sabi ni Stan sabay abot ng varsity jacket niyang color red na may Hernandez na print.
"Varsity jacket mo?" nawi-wirduhang tanong ni Ana. "Pano naman ako maliligtas niyang jacket mo? May super powers ba 'yan na kapag sinuot ko ay magiging invisible ako?" tiningnan niya ang print at nabasa niya ang Hernandez 06 kaya napatingin siya kay Stan. "Hernandez ka?" namanghang tanong niya at napatango lang ang lalaki.
"Yeah! At hindi ka nila gagalawin kapag sinuot mo 'yan." nakangiting sagot ni Stan kaya napangiti na din si Ana. Agad niyang isinuot ang red jacket at sinipat sipat niya pa kung bagay ba sa kanya. Medyo malaki pero okay lang.
"Bagay ba?" tanong niya pa sabay ngiti kay Stan.
"Oo naman!" sagot nito sabay ngiti din. "Sige na, baka ma-late ka pa sa class mo. Ingat ka!"
"Naku thank you ah!" masayang sabi niya sabay yakap niya kay Stan at natigilan naman ang lalaki. "Salamat Stan!"
"You're welcome!" sabi nalang ng lalaki at ngumiti ulit si Ana.
"Sige alis na 'ko ah. Salamat talaga! Ah..kelan ko ba ibabalik 'tong varsity jacket mo?"
"Saka nalang, may extra pa naman akong ganyan."
"Ah okay sige, alis na 'ko Stan. Nice meeting you!"
Magaan ang pakiramdam ni Ana nung lumabas siya sa room na 'yon at habang suot niya ang red jacket ni Stan Hernandez! Biruin mo 'yon! Nakilala niya agad ang isa sa influencial na estudyante ng HOT U! Hindi na siya magagalaw ng ibang estudyante at ng HOT boys dahil sa immunity na ibinigay ni Stan.
Habang naglalakad siya sa campus ay nakita niyang napapatingin sa kanya ang lahat. Nakita din niyang nagtitinginan ang mga ito sa suot niyang varsity jacket. Napangiti na lang siya dahil walang ni sino mang nagtangkang lapitan at awayin siya! Mukhang powerful talaga si Stan at nagpapasalamat siya dahil na meet niya ito.
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Novela JuvenilHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...