Chapter 35

246 12 0
                                    


"Buntis ka ba?" tanong ulit ni Migo.

"Ah..hindi ah! Hindi ako buntis!" kinakabahang sabi ni Fate habang nakatingin sa salamin na nasa may lababo. Pareho silang nakatingin don ni Migo. 

"Kumusta 'yung period mo? Nagkaron ka na ba?" tanong pa ni Migo at parang maiiyak na si Fate kase hindi pa talaga siya nagkakaroon. 

"Ah..ano.. Ah.. Actually wala pa! Pero malamang na parating na 'yon!" kinakabahan pa ring sabi ni Fate. 

"Baka nga buntis ka Fate." 

"NO!! Hindi pwede! Papatayin ako ni dad!" naiiyak na sabi ni Fate. 

"Mamaya, pumunta tayo sa OB-Gyne, kailangan mong magtest para malaman kung ano ba talaga." sabi ni Migo at napahawak sa noo si Fate.

"What if... What if buntis ako?" tanong ni Fate at nagkatitigan sila ni Migo. 

"Sino namang makakabuntis sa'yo? Wala akong alam dyan ah!" natatawang biro ni Migo at biglang napaluha si Fate.

"You're so bad!" umiiyak na sabi ni Fate.

"Wui! Joke lang naman!" natatawang sabi ni Migo sabay yakap kay Fate.
"Kung buntis ka nga, edi panindigan naten. Hindi kita papabayaan. Susuportahan ko kayo ni baby." 

"Susuportahan?!" kunot noong tanong ni Fate. 

SUSUPORTAHAN LANG?? 

HINDI BA SIYA PAKAKASALAN NI MIGO?? 

"Ayun lang?" tanong pa ni Fate. "Susuportahan mo lang ako?"

"Oo, ano bang gusto mo?" 

Biglang napaluha si Fate,
"Sana hindi ako buntis!" at agad na itong lumabas sa cr at mabilis siyang hinabol ni Migo. 

"Fate!!" tawag ni Migo pero mabilis na naglalakad si Fate at parang ayaw magpahabol. "Pwede 'wag kang tumakbo?? Pano kung buntis ka nga?? Baka mapaano yang anak ko!! Fate!!!" 

+**+

"Bakit ka naman nagpahabol?" inis na tanong ng hinihingal na si Migo nung abutan niya sa may bench si Fate. "Bakit ka nagalit? May nagawa ba 'ko?" 

"WALA!" mabilis na sagot ni Fate. 

"Mamaya sasamahan kitang magpa-check-up ah." 

"Wag na! Ako nalang! Kaya ko na!" cold na sabi ni Fate at napahawak sa noo si Migo. 

"Ano bang problema Fate? Bakit ka ba nagalit?" 

"Wala nga!! Hindi mo ba naiintindihan 'yung wala!??!" masungit na sabi ni Fate at napailing nalang si Migo. 

"Wala? E bakit ganyan ka?!"

"Pwede bang iwan mo na muna ko Migo?? Gusto kong mapag-isa!" 

Napahawak sa batok si Migo,
"Please Fate, speak it out! Kung may problema ka, sabihin mo. Please lang!" 

"Hindi mo siguro ako mahal no?!" maiiyak na tanong ni Fate. 

"Baliw ka ba?? Pano mo naman nasabi 'yan?!" kunot noong tanong ni Migo. 

"Sagutin mo Migo, hindi mo 'ko mahal no?? Ako lang naman ata 'tong nagmamahal sa'yo eh!!" 

"Para kang sira!" 

"Bakit di mo sagutin!!" inis na sabi ni Fate.

"Mahal na mahal kita! Bakit ba hanggang ngayon ay duda ka pa din tungkol sa bagay na 'yon??" 

"E bakit hindi mo ko papakasalan??!" 

Natawa bigla si Migo,
"So ayun lang 'yon? Ayun ang ikinagagalit mo? Fate, siyempre pakakasalan kita! Atat ka lang eh!" 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon