Chapter 39

228 10 0
                                    


10 pm na, nasa isang bar si Migo at mag-isang umiinom don. Iniisip niya pa rin ang kinahinatnan ng relasyon nila ni Fate. Ayaw naman niyang abalahin pa sina Clay at Stan dahil mukhang may problema din ang dalawa. 

Agad niyang tinungga ang beer at napakarami ng empty bottles ang nasa table niya. Kailangan niyang magpakalasing para 'pag uwi niya sa bahay ay makatulog na agad siya. Ayaw niya ng free time, ayaw niyang magkaroon ng pagkakataon na makapasok ang kalungkutan sa utak niya. 

Naramdaman niyang may tumabi sa kanya at pinulupot nito ang braso sa braso niya. 
"Malamig ba ang gabi mo? Maybe i can help you." nakangiting sabi nito at napangiti si Migo. 

"Fate?" lasing niyang tanong. "Sabi na nga ba eh, hindi mo 'ko matitiis!" sabay ngiti at agad niya itong hinawakan sa batok at binigyan ito ng madiing halik. Yung halik na sabik na sabik. Napapasinghap si Migo sa bawat galaw ng labi nila at bahagya niya pang kinagat ang upper lip nito kaya napasinghap ang babae. "I love you Fate!" bulong niya pa nung saglit siyang bumitaw. 

"Hindi ako si Fate!" sabi nung babae pero parang walang narinig si Migo! Muli niyang hinalikan ang babae at dinama niya ang lambot at tamis ng labi nito. 

+**+

Sa kabilang banda ng bar ay napapailing lang si Cheena habang nakikita niya si Migo na nakikipaghalikan sa isang babae. Agad niyang kinuha ang phone niya at nag-chat siya sa pinsang si Fate. 

@Cheena: Tama na ang pag-da-drama couz! Mag move on ka nalang dyan. Tingin ko nakakapag-move on na si Migo. 

Kanina kase ay magka-chat sila ng pinsan niya at sobrang lungkot at depressed nito! Kinwento nito na bi-nlocked nga daw siya ng lalaki sa lahat ng social media accounts nito. 

@FateRosales: What do you mean couz? 

@Cheena: Nandito siya sa bar ngayon, may kahalikang babae! Alam kong masasaktan ka pero mas okay na 'yon para mas madali kang makapag-move on! 

Hindi nakasagot si Fate sa chat ni Cheena dahil malamang na umiiyak na ito ngayon. 

@Cheena: Sorry kung sinabi ko pa 'to pero mas makakatulong 'yon sa'yo. Mas madali mo siyang makakalimutan kapag nagalit ka at kapag nalaman mong wala na siyang pakialam sa'yo.

+**+

Biglang itinulak ni Migo ang babaeng kahalikan niya nung marealize niyang hindi pala si Fate 'yon.

"What's your problem???!" inis na tanong nung babae at inis na tumayo.

"Why are you kissing me bitch?!" sabay duro niya. 

"Ikaw ang humalik sa'kin!!" galit na sabi rin nung babae. "STUPID ASSHOLE!!" at agad nitong iniwan ang lasing na lasing na si Migo. 

Sayang lang na nung ginawa niya 'yon ay wala na si Cheena, nalaman sana nito na hindi nakikipaglandian si Migo sa bar, napagkamalan niya lang na si Fate ang babaeng hinalikan niya dahil na rin sa sobrang kalasingan. 

Nagulat nalang si Migo nung biglang may sumapak sa mukha niya. 

"That's for kissing my girlfriend!!" bulyaw ng lalaki at napangisi lang si Migo.

"Girlfriend?? That bitch!!" sabay ngisi at duro sa babaeng katabi ng lalaki. "Siya ang unang lumapit sa'kin! She teased me!" 

At muli siyang binigyan ng napakalakas na suntok ng lalaki at halos mawasak na ang panga niya sa sobrang lakas non! 

+**+

"Nathan??" gulat na tanong ni Ana sa lalaking nakatayo sa harapan niya habang nakatali ang mga kamay niya sa may headboard ng kama. "Nathan? Bakit mo 'to ginagawa? Pakawalan mo 'ko please?" pagmamakaawa niya at nakatingin lang sa kanya ang ex niya. 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon