Chapter 9

247 15 0
                                    


Naglalakad si Fate sa campus pero parang wala siya sa sarili. Kahapon ay hinintay niya si Migo at nagbakasakalingsasamahan siya nito sa Prinsesa's Flower Shop pero bigo siya. E ano pa bang ine-expect niya? Narinig niya naman ang sinabi ni Migo nung Friday diba? Hindi na siya nito mahal! 

Huminga siya ng malalim,akala niya kase madali siyang makakapag move on. Ang hirap pala talaga magmahal sa taong hindi ka mahal. Sabi nga sa quotes..

ANG PAGMAMAHAL SA TAONG HINDI KA MAHAL AY PARANG PAMAMANGKA SA KALSADA,
HINDI KA NA NGA MAKAUSAD..
MUKHA KA PANG TANGA! 

"Seryoso ka ah!" nagulat si Fate nung may magsalita sa tabi niya, may sumasabay na pala sa paglalakad niya. Si Ronnie, co-basketball player ni Stan sa HOT University Jaguar. 

"Wala naman.." sagot ni Fate na napilitang ngumiti. "Wala ba kayong practice ngayon?" 

"Next week pa ang start." sagot nito na napatingin pa kay Fate. "Nagpunta ka raw sa HOT House nung Friday?" 

Tumango lang si Fate bilang sagot kay Ronnie, wala kasi talaga siya sa mood. 

"Hm.. Fate... Ah.. Pwede ba kitang iinvite?" tanong nito na biglang namulsa at parang humuhugot ng lakas ng loob. 

"Invite saan?" nagtatakang tanong naman ni Fate sabay tingin sa lalaki.

"For a dinner, yung... Yung tayong dalawa lang..." 

"Are you asking me out on a date?" 

"Hm.. well.. sort of.." sabay ngiti, "Kung pwede lang naman. Baka lang pumayag ka.." 

Napangiti nalang si Fate,
"Hoy Ronnie! Umamin ka nga! Type mo ba 'ko?" natatawang tanong niya, "Kung OO, tigilan mo 'ko okay? Crush ka ni Alice at hindi ko siya aagawan!" 

Napakamot sa ulo si Ronnie,
"Busted agad?! Saklap naman!" natawa nalang din na sabi nito. 

"Pero kung friendly date lang, why not!" 

"Sige okay na 'yon! Friendly date!" sabi ni Ronnie. "Basta makasama kita." bulong nito at napailing nalang si Fate. Alam niyang patay na patay si Alice kay Ronnie at number one fan ito ng lalaki! Hindi niya kayang saktan ang kaibigan niya, pero kapag nalaman nitong niyaya siyang makipagdate ni Ronnie, sure na maiingit ito! 

Ang daming lalaking gustong mapalapit sa kanya at madami ding gustong pumasok sa puso niya pero nahihirapan siya dahil si Migo pa rin ang nag-ooccupied ng puso niya.

+**+

Nagulat si Ana nung makita niyang hindi na picture niya ang nakalagay sa KILL na nasa bulletin board. Pinalitan na 'yon ng mukha ni Chelsea!! Naalala tuloy niya ang sinabi ni Stan na mananagot ang may pakana ng pagkapahiya niya sa Party nung Friday! 

Nakita niyang tumatakbo si Chelsea at hinahabol ito ng ilang kababaihan.. Malamang na pagti-tripan ito! 

Ayaw sana niyang apihin si Chelsea pero ayaw naman niyang kausapin si Stan tungkol don. Baka sabihin nito ay masyado na siyang "FEELING" para magrequest pa! 

Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad para pumunta na sa Social Science class niya nung maramdaman niyang may umakbay sa balikat niya. 

"Sabay tayo maglunch mamaya ah." sabi ni Stan at bigla siyang nagblush dahil sa napaka sweet na gesture ng lalaki. 

"Ah.. Hindi kase ako dito magla-lunch, halfday lang ang klase ko ngayon eh kaya uuwi ako agad." 

"Ganon?" nalungkot na sabi ni Stan, "Uuwi ka talaga agad?" 

"Oo eh, wala naman kase akong gagawin dito.." 

"Edi tumambay ka sa headquarters namin.. para sabay tayong umuwi mamayang hapon." 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon