Chapter 22

264 13 0
                                    


Sa game practice ay nakaupo lang si Ana katabi ni Mia, girlfriend ni Diego na ka-team din nina Stan.

"Kumusta namang boyfriend si Stan sa'yo?" nakangiting tanong nito. "Friend ako ni Irish, ex niya! Kilala mo ba si Irish?" 

"Ah... Actually, na-meet ko na siya sa HOT house last friday at... mukhang okay naman siya." walang ganang sagot ni Ana dahil ayaw talaga niyang pag-usapan si Irish at ramdam niyang gusto talaga ni Mia na pag-usapan nila si Irish.

"Si Irish at Stan noon, sobrang sweet nila! Ayan si Stan? grabe 'yan magmahal, she treated Irish like a Queen! Akala ko nga, sila na forever." kwento nito at talagang hindi kumportable si Ana don! Wala naman siyang pakialam kay Irish at hindi siya interesadong malaman ang kahit na anong bagay tungkol dito. Sapat na 'yung nalaman niyang ex ito ni Stan. 

"Hindi lang talaga sila ang nakatakda para sa isa't isa." sagot nalang ni Ana. "Lahat ng nangyayare ay may dahilan. Maybe they part ways para makapasok ako sa buhay at sa puso ni Stan. Gusto kong mag-thank you kay Irish, i wanna thank her for breakings Stans heart. She broke it...then i fixed it!" seryosong sabi ni Ana at hindi nalang umimik si Mia, nagfocus nalang ito sa panunuod sa practice. 

Maya maya pa ay nagulat sina Ana at Mia nung biglang namatay ang lahat ng ilaw sa indoor court na 'yon kaya naman dumilim talaga ang paligid. Bubuksan na sana ni Ana ang flashlight ng phone niya nung biglang magbukas ang isang ilaw at tumapat ang ilaw na 'yon sa center ng court kung saan nakatayo si Stan. Nagulat din si Ana nung may isa pang ilaw na nabuhay at tumapat naman sa kanya! 

She and Stan on the spotlight at walang idea si Ana kung ano ang nangyayare. Biglang nagsalita si Stan at saka lang napansin ni Ana na naka-lapel pala ito. 

"Ana Mercado, I love you! Sobrang mahal kita at hindi ko alam kung paano na 'ko kapag nawala ka. I want us to be official, ayoko ng magkunware, gusto ko ng totohanin natin 'to. I'm yours Ana... Now I'm asking you, CAN YOU BE MINE?" 

Matapos non ay nagtilian ang mga babaeng nasa court at ang mga co-players ni Stan ay nagpalakpakan! 

Si Ana naman ay hindi na makakilos sa sobrang nerbyos na nararamdaman. Biruin mo 'yon? Ginawa 'yon ni Stan sa court kaharap ng mga ka-team mate niya at sa lahat ng nanunuod sa practice na 'yon. Lalo siyang natensyon nung makita niyang palapit sa kanya si Stan at lalong nagtilian ang mga babae. Napaluha na si Ana dahil hindi niya talaga maipaliwanag ang nararamdaman niya. 

Alam niyang mahal niya na si Stan, pero handa na ba siya? Willing ba siyang sumugal? Hindi madali ang maging karelasyon ng isang tulad ni Stan Hernandez na nagmula sa napakayamang pamilya. 

Tinanggal na ni Stan ang lapel niya nung nakaharap na niya si Ana. 
"Kahit ano Ana, gagawin ko, maging tayo lang!" 

"Stan hindi mo naman kailangang gawin 'to-----" 

"Pero gusto kong gawin. Just tell me Ana, how can you be mine?" sincere na tanong ni Stan. 

"Lahat talaga gagawin mo?" seryosong tanong ni Ana. 

"LAHAT," sagot nito at napalunok si Ana. 

"Gusto kong bumalik ka sa totoo mong bahay at iwan mo na ang HOT House." sabi niya at napanganga lang si Stan. 

"Ayun ang gusto mo?" tanong ni Stan na nakatitig kay Ana. "Okay! Uuwi na 'ko sa'min as soon as posible. Maybe later, nandun na 'ko." seryosong sabi ni Stan at napalunok si Ana. 

"Ah hindi! Ah... Ano.. Ah... Joke lang Stan! Ayoko namang mag-demand sa'yo ng ganon. You can stay where you want to stay. Rerespetuhin ko ang gusto mo. Sinubukan ko lang naman kung papayag ka talaga. I never want to interfere Stan." 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon