Chapter 17

255 10 2
                                    


Nasolo ni Fate si Migo nung iwan na sila nina Stan at Clay.

Tahimik si Migo habang nakaupo at kumakain ng peras samantalang si Fate naman ay nakatayo malapit sa may maliit cabinet.

"Okay ka na ba talaga?" tanong ni Fate, "Wala bang masakit sa'yo?" 

"Okay lang ako!" cold na sagot ni Migo na ni hindi nga tumitingin sa babae. 

"Para kang yelo, ang tigas mo na, ang lamig mo pa." mahinang sabi ni Fate. "And it's ironic dahil para lang akong halo-halo, hindi kumpleto kapag walang yelo." 

"Ano bang pinagsasasabi mo?! May pa-yelo yelo ka pang nalalaman!" inis na sabi ni Migo na patuloy sa pagkain ng peras. 

"Sabi ni Alice, sinugod mo daw ang building 2 sa pag-aakalang natrap ako sa loob. Bakit mo ginawa 'yon? Dahil ba mahal mo pa rin ako?" napaluhang tanong ni Fate. 

"HINDI! Nagi-guilty lang kase ako! Akala ko, mamamatay ka na hindi man lang tayo nagkaka-ayos! Naging tayo din naman diba? Naging parte ka rin ng buhay ko kaya natural lang na mag-alala ko sa'yo! Pero kung dahil sa mahal kita?? OFCOURSE NOT!!" madiing sabi niya kay Fate. 

"While I'm trying to be close to you, you're consistently pushing me away." seryosong sabi ni Fate. "Pagod na 'ko Migo! Pagod na pagod na 'ko!!" umiiyak niyang sabi at napatingin sa kanya si Migo. "I'm tired Migo!" 

"Edi umalis ka na! Leave me alone! Umalis ka na sa kwartong 'to at umalis ka na sa buhay ko!" medyo malakas na sabi ni Migo. 

"HOW DARE YOU TO THROW ME OUT OF YOUR LIFE!! BAKIT MO 'KO PINAPAALIS SA BUHAY MO E KAHIT KAILAN HINDI MO NAMAN AKO BINIGYAN NG CHANCE NA MAKAPASOK! YES MIGO!! I'M TIRED!! I'M VERY TIRED! PAGOD NA 'KO, PERO HINDI KO NAMAN SINABING SUSUKO AKO! Winner are not the one who never failed, but the one who never quit!" nagulat si Migo sa sinabing 'yon ni Fate. "Pero sa ngayon, kailangan ko munang umalis at magpakalayu-layo." 

Napakunot naman ang noo ni Migo,
"Akala ko ba hindi ka susuko??! E bakit ka aalis??!" 

"Hindi naman ibig sabihin non na sumusuko na 'ko eh! Gusto ko lang na ma-miss mo 'ko at marealize mong mahalaga pala 'ko." 

Natahimik nalang si Migo at hindi niya na sinagot si Fate. 

"Alis na 'ko Migo Olivarez, magpagaling ka ng mabuti ah." nakangiting pagpapaalam ni Fate kahit may luha pa siya sa mata. 

Bagsak ang balikat niyang tumalikod kay Migo bitbit ang bigat ng dibdib! 

Siguro nga tama ang naisip niya, kailangang bigyan niya ng katahimikan si Migo, kailangan niya munang magpakalayu-layo. Malay mo, isang araw,biglang tawagan nalang siya ni Migo para sabihing.... "I LOVE YOU FATE!". Malay mo lang naman diba? 

Palabas na siya ng pintuan nung.....

"FATE!" tawag ni Migo at nilingon naman niya ito. "Gusto mo bang mapatawad na kita?" 

Marahang tumango si Fate,
"Siyempre!" 

"Kung gusto mong mapatawad kita, STAY!" nagulat si Fate sa sinabi ni Migo. "I want you to stay and never go away!" 

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Fate. 

"Oo! Kase kanina, habang napapaligiran ako ng apoy sa 2nd floor, hindi ako natatakot mamatay. Kung may kinatatakutan man ako kanina.... Ayun ay ang mawala ka!" 

Napaluha si Fate sa narinig niya, hindi siya makapaniwalang sinasabi ni Migo ang mga salitang 'yon. 
"So... meaning ba non... mahal mo na ulit ako? Bumalik ba 'yung pagmamahal mo sa'ken?" nakangiting tanong ni Fate. 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon