"As if naman may pake ako sa Fate Rosales na 'yon!" inis na sabi ni Migo kay Clay habang naglalakad pa rin sila sa campus."E bakit mukha kang affected kanina? Nakakunot kaya ang noo mo." seryosong sabi ni Clay kahit nang-aasar.
"Malamang! Sinong hindi kukunot ang noo sa ka-cheapan na 'yon?!" sabi nalang ni Migo. "Hindi ako affected at kahit kailan,hindi ako magiging affected! Alam mo naman diba? Hindi talaga ko mahilig sa Math! Kaya para sa'ken, hindi na dapat hinahanap ang value ang X."
+**+
"Hi!" nakangiting bati ni Fate kay Migo na nasa headquarters at kumakain ng watermelon. "Mukhang matamis 'yan ah! Ang pula kase eh!"
"Ang alin?" tanong pa ni Migo, "Are you refering to my lips? Oh well, thanks for the compliment! Pero matagal ko ng alam na matamis ang lips ko!" sarkastikong sabi ni Migo sabay ngisi.
"Im talking about WATERMELON, medyo assuming ka rin." nakangiting sabi ni Fate, "Pero sabagay, tama ka naman! Mukhang matamis ang lips mo."
"If you're trying to seduce me, sorry Fate,hindi ka magtatagumpay. Hindi mo matitikman ang lips ko! Never in your wildest dream!"
"Whew!" napangising react ni Fate, "Ang tindi talaga ng self confidence mo no? Well sorry din Migo, dahil never in my wildest dream na inimagine ko yang lips mo! Never!"
Pero nagsisinungaling si Fate! Madalas niyang maimagine ang lips ni Migo! Si Migo, ang pinaka weird na lalaking nakilala niya. Kung ang iba ay sobrang gandang ganda sa kanya at kung ituring siya ay parang prinsesa, pwes iba si Migo. Pag ito ang kasama niya,feeling niya nagiging ordinary girl lang siya. Feeling niya hindi siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga Rosales.
"Fine!" sagot nalang ni Migo habang kumakain pa rin ng watermelon.
Nakita niya pang kinuha ni Fate ang phone mula sa bulsa at agad itong may kinausap sa phone.
"Hello Tristan? Ah....napatawag ka? Ha?----- Ah------ Date???? Ah---pag-iisipan ko."
Agad napatingin si Fate kay Migo na biglang nag-iwas naman ng tingin! Tama! Nahuli niyang nakatingin sa kanya si Migo!!!
"Ah...si Tristan lang, nag-aaya ng date." nasabi nalang niya bigla at nalimutan niyang hindi pala sila close!!"So what? Wala akong pake!" masungit na sabi ni Migo.
"Ah..sige.. I have to go, akala ko kase may iuutos ako sa'yo.Bukas nalang! Pupuntahan ko muna si Tristan." pagpapaalam niya kay Migo na salubong ang kilay.
"Siya ba 'yung lalaking nagprupose sa'yo kanina?" tanong ni Migo kaya nakaramdam ng saya si Fate,parang may inis kase sa tono ng lalaki. Parang may tono ng pagseselos.
"Yeah! Siya nga!"
"Pakisabi ang baduy niya!" seryosong sabi nito, "And infairness....BAGAY KAYO!"
Ewan ni Fate kung bakit feeling niya ay nagseselos talaga si Migo pero nagpipigil lang!
"Makakarating!" nakangiting sabi nalang ni Fate at agad na siyang tumalikod kay Migo.
Nung makalabas na sa headquarters si Fate ay inis na inihagis ng malakas ni Migo ang ballpen niya sa pintuan. Yung hagis na parang galit na galit!
"MAGSAMA KAYO MGA BULLSHIT!"
+**+
Nasa may monkey bars ng campus nakatali si Myzel. Inis na inis niyang hinihila ang tali sa likuran niya pero hindi niya magawa. Para siyang kinidnap dahil sa pagkakatali niya, kulang nalang ay lagyan siya ng masking tape sa bibig!
Nagkalat pa ang mga notebooks niya sa bermuda grass at parang maiiyak na siya sa galit. Naiiyak siya kase wala siyang magawa!! Kahit anong pwersang gawin niya ay hindi siya makawala!
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...