Chapter 32

281 10 2
                                    


Nanginginig pa rin ang tuhod ni Ana habang papasok siya sa loob ng restaurant na 'yon. Wala pa man siyang nakikita ay naiiyak na siya! 

May iba pa nga bang girlfriend si Stan bukod sa kanya? Pano kung OO! Anong gagawin niya? Papipiliin ba niya ang lalaki o siya nalang talaga ang kusang makikipaghiwalay? 

Pagpasok niya ay nakita niya agad si Stan at nagkatitigan sila! 

"Stan?" parang maiiyak niyang tanong. Tumayo si Stan at lumapit sa kanya. 

"Ana... may sasabihin ako sa'yo. May kailangan kang malaman.." seryosong sabi nito at bumilis sa pagtibok ang puso ni Ana. Eto na ba 'yon?? 
Aaminin na ni Stan na meron nga siyang iba?? 
Ngayon palang, nararamdaman na ni Ana ang unti-unting pagkawasak ng puso niya!! 

"Anong sasabihin mo?" at hindi napigilan ni Ana ang lumuha. 

Nilapitan siya ni Stan at niyakap...
"I'm sorry Ana.." 

Parang feeling ni Ana ay lumapit si Jhong Gong at malakas nitong pinalo ang gong!! Bakit nag-so-sorry si Stan?? Ayun na ba 'yon?

"Bakit ka nag-so-sorry Stan?" parang mauubusan na siya ng hangin sa katawan. She can't breath normally at parang hindi na tumitibok ng tama ang puso niya! 

Ganito pala ang sakit ng heartbreak! 

Walang kasing sakit!! 

"May iba kana Stan?" lakas loob niyang tanong. Hayaan ng masaktan basta maging malinaw lang ang lahat. Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa! "Hindi mo na ba 'ko mahal Stan?" 

Yumuko si Stan,
"Sorry Ana!" 

Napakagat labi si Ana at mabilis na pumatak ang luha niya. Basang basa na ng luha ang pisngi niya. Ganun nalang ba 'yon? Ganun nalang bang kadali? 

"Puro sorry nalang ba ang sasabihin mo Stan??" inis niyang tanong. "Sabihin mo kung ano ba talaga!! Hindi mo na ko mahal?! May iba ka na?? Bakit? May kulang pa ba sakin? Sabihin mo Stan!!!" umiiyak na sabi ni Ana at muli siyang niyakap ng lalaki. Mas mahigpit this time! 

"Please Ana, 'wag kang umiyak." pag-aalo ni Stan. 

Agad na kumawala si Ana sa pagkakayap ni Stan. 
"So may iba ka na nga?" 

Napangiti si Stan at napangisi naman si Ana. 

"Ano nga Stan!!? Bakit nagagawa mo pang ngumiti habang eto ako!! Sobrang nasasaktan dahil sa'yo!! Karma ko ba 'to?? Karma ko ba 'to sa ginawa kong pag-iwan kay Nathan para sa'yo!?" 

"Tama na Ana, sorry!" sabi ni Stan na niyakap ulit si Ana. "Sorry Ana, it's a PRANK! Patawarin mo 'ko!" 

Biglang nag-play ang music sa restau at namalayan ni Ana na silang dalawa nalang pala ni Stan ang nandun. Madilim sa loob ng restau at tanging mga scented candle lang ang nagbibigay ng liwanag at nagbibigay ng aroma sa atmosphere. 

"Stan?" naguguluhang tanong ni Ana. 

"Ako lang 'yung nagtext sa'yo Ana. It's a prank! Sorry talaga! Napaiyak pa tuloy kita."nakangiting sabi ni Stan. "Mahal na mahal kita! Hindi ko magagawang ipagpalit ka sa kahit na sino pang babae. Happy Monthsary Ana!" seryosong sabi ni Stan. 

Bigla namang napangiti si Ana,
"Akala ko nakalimutan mo.."

"Ofcourse not! Eto nga oh, naghanda pa 'ko ng surprise para sa'yo! Sorry ulit sa prank!" natatawang sabi nito. "Pero infairness ah! Kinilig ako sa'yo!" 

"Ikaw kase eh! Puro ka kalokohan! Natakot tuloy ako!"angal ni Ana. 

"Sorry na nga... I love you!" nakangiting sabi ni Stan at hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ni Ana. 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon