Chapter 23

263 10 1
                                    


Nasa auditorium ang cast ng "Crisostomo Ibarra and Maria Clara Lovestory". Ang eksena, nasa stage na sina Maria Clara at si Linarez, ang kastilang may gusto kay Maria Clara at si Marcus ang gumaganap bilang Linarez! 

"Okay Myzel, tuloy ka lang sa pagpaypay gamit 'yang abaniko." turo ng direktor nila, nasa stage ang mga actors at siya ay nasa ibaba. "Tahimik lang kayo dyan ni Marcus at biglang papasok si Clay!" 

Magkatapat ang upuan nina Myzel at Marcus habang nasa balkonahe sila kunware,nandun na 'yung props sa stage. 

Biglang pumasok si Clay sa eksena..

Matitigilan saglit...

Magugulat siya kase yung girlfriend niyang si Maria Clara (Myzel) ay may bisita sa balkonahe. Ang magiging reaksyon dapat ni Crisostomo ay casual lang! Hindi nagpapahalata ng selos! Pero iba ang ginawa ni Clay! 

Galit siyang lumapit kay Marcus at agad niya itong kinwelyuhan!! 

"HOW DARE YOU!! STAY AWAY FROM MY GIRLFRIEND! MAPAPATAY KITA!!" inis na sigaw ni Clay at agad sumigaw ang direktor!

"CLAY!!! STOP IT! HINDI GANYAN! HINDI GANYAN ANG REAKSYON NI CRISOSTOMO IBARRA AT SAKA, HINDI NAMAN 'YAN ANG SCRIPT!" 

Napailing lang si Clay,
"Kung ako ang nasa kalagayan ni Crisostomo, makakatikim talaga sa'kin yang Linarez na 'yan for flirting with my girlfriend!" 

"Pero hindi nga ikaw 'to Clay! Si Crisostomo Ibarra ka dito!! So you have to act like HIM! Okay guys! Ulit!!!" inis na sabi nito. 

Napailing nalang si Myzel, parang baliw talaga si Clay! Alam na ngang role play lang eh! Songa songa!

So inulit ulit nila...

Umenter ulit si Clay at nagulat siya nung makita niyang may bisita si Maria Clara sa balkon! 

"Kalmado ka lang dapat Clay, remember, hindi ikaw si Clay ngayon, ikaw si Crisostomo." paalala ng direktor. 

Binasag ni Crisostomo ang katahimikan, pinamulahan ng mukha si Maria Clara.. 

"Kadarating ko lamang at labis akong nag-alala sa iyong kalagayan. Magaling ka na pala." seryosong sabi ni Crisostomo. 

Tango lang ang isinagot ni Maria Clara (Myzel).

"Nawala lang ako, lumandi ka na agad!" inis na sabi ni Clay at sumigaw ulit ang direktor. 

"CLAY!! STOP!! ANO BA 'YAN? MAG FOCUS KA NAMAN CLAY!" 

Napailing nalang si Myzel,
"Ano ba Clay? Hindi mo ba talaga seseryosohin 'to?!" naiiritang tanong niya. 

"Break muna!" sigaw ng direktor at iiling iling na lumabas muna sa auditorium. 

"Eto kase si Clay eh!" inis pang sabi ni Myzel at agad nalang ding nagkibit-balikat ang nakangising si Clay. "Abnormal!" 

+**+

"Ano?!" gulat na tanong ni Migo kay Stan, nasa headquarters sila non at kumakain ng pinya. "Uuwi ka na sa inyo? Bakit?" 

"Yun ang gusto ni Ana eh." seryosong sabi ni Stan sabay subo ng slice ng pinya. 

"Holy shit!" inis na sabi ni Migo, "So ano?? Dahil lang sa gusto niya kaya ayun na 'yung susundin mo?! The hell Stan! Ano? Siya ang masusunod sa inyong dalawa?" 

"Oo! Bakit hindi! Kung anong gusto ni Ana, ayun nalang, so... next week, lilipat na 'ko." 

"I can't believe it!" napabuntong hiningang sabi ni Migo.

"Bakit ikaw? Kung sakaling sabihin sa'yo ni Fate na umuwi ka na sa inyo, hindi mo ba siya susundin?" tanong pa ni Stan. 

"Hindi!! Dahil sa aming dalawa ni Fate, ako ang BATAS! I'm the BOSS!" mayabang niyang sabi. 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon