Taas noong naglakad si Myzel sa hagdan papuntang 2nd floor pero bago pa man siya makaakyat ay biglang may isang baldeng slime na bumuhos sa ulo niya. Galit niyang tiningala ang sinet-up na balde at nakita niyang tawa ng tawa ang mga estudyante sa itsura niya."Wow! Slime!" ngisi niya, "So ano? Happy na kayo?!"
"Not yet!" ngisi rin nung isang babae sabay lapit kay Myzel. "Hm..nga pala, naenjoy mo ba 'yung mga langgam kahapon?"
"Oo naman! Buti pa nga 'yung langgam naka bonding ko eh! Mas may utak pa kase 'yon kesa sa inyo!"
Tumaas lang ang kilay ng babae at lumapit lalo kay Myzel,
"Mabuti naman at nagkasundo kayo ng langgam. Iba talaga ang luksong dugo. Anyway,may inihanda kaming surprise para sa'yo. Are you ready?""Oo! I'm always ready!" nakangising sagot ni Myzel, "Ikaw? ready ka ba? may surprise din kase ako sa inyong lahat eh! Ang lagay ba e ako nalang lagi ang ma-su-surprise?Siyempre dapat kayo din. Pantay pantay lang naman tayo dito diba? Pwedeng mas mayaman kayo pero pare-pareho lang tayo ng binabayarang Tuition! Teka, eto na 'yung surprise ko, wait lang!" nakangiting sabi niya at agad niya munang isinuot ang hawak niyang helmet na wala na siyang pake kung magkaroon ito ng slime.
Nakaabang ang lahat sa gagawin niya.
"Dapat talaga naka helmet ka?" natatawang tanong ng isa pang babae."Oo, dapat talaga!" ngiti niya sabay bukas sa dala niyang backpack.
Nagulat ang lahat sa pagbukas niya ng bag dahil sabay sabay na lumabas ang daan-daang mga bubuyog na sinugod silang lahat!
Nagkanya-kanyang takbuhan ang mga estudyante at natatawa lang ang naka helmet na si Myzel.
"SIGE MGA TROPANG BUBUYOG!!! LUSUBIN NIYO SILANG LAHAT!!!" natatawa niyang sigaw habang namemeste ang bubuyog at habang siya ay safe na safe sa suot niyang helmet.
+**+
"Hi Ana!" nakangiting bati ni Chelsea kay Ana na nasa lab.
"Hello!" bati rin niya sabay ngiti.
"Mamayang gabi na 'yung party sa HOT House ah! Punta ka! Punta kayo ni Myzel."
"Ah okay.. Try ko..Ah.. Teka, bakit hindi ata nababanggit sa'ken ni Stan 'yung HOT House Party?" nagtataka niyang tanong.
"Ganun naman talaga ang mga boys, hindi ka nila iimbitahan tapos kapag wala ka, magtatampo sila. Kulang lang talaga sila sa words.."
Napatango nalang si Ana,
"O pano Ana? See you later ah! And don't forget your best gown ever!"
+**+
Nasa HOT Boys headquarters si Fate at kumakain siya ng pizza na pinabili niya kay Migo.
"Migo, ang daming pizza oh." nakangiting alok ni Fate. "Favorite mo 'to diba?"
"Favorite ko 'yan... before! nagbabago ang tao." matipid na sagot ni Migo.
Tumahimik nalang muna si Fate at nagfocus nalang sa pagkain ng pizza. Natahimik din sila for 15 minutes at saka lang nagsalita ulit si Fate.
"May party sa HOT House mamaya diba? Pwede ba 'kong pumunta?""Ofcourse not! Bawal ka don! Hindi ka pwedeng uminom diba?! Yung last time na uminom ka ay namula ang katawan mo at nahirapan kang huminga."
Napangiti si Fate sa sinabi ni Migo,
"Naalala mo?""Malamang! Nag pa-function kase ng maayos ang memory ko!"
"Pwede namang hindi ako uminom, makikiparty lang."
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Fiksi RemajaHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...