Chapter 27

242 11 0
                                    


Umiiyak pa rin si Migo habang nasa kwarto niya at nakadapa sa kama. Sobra siyang nasasaktan at hindi niya talaga kayang pigilan ang umiyak. Kabaklaan mang tingnan pero wala siyang pakialam! Feeling niya, masyadong mahalaga si Ronnie para kay Fate. Tapos nung nag-walk out siya ay hindi man lang ito nag-abala na habulin siya! Ni hindi nga siya sinundan! 

Narinig niyang may kumatok sa pinto ng kwarto niya,
"Migo!! Nandito si Fate!" narinig niyang sigaw ni Myzel pero hindi siya bumabangon. 

+**+

"You don't want to talk to me?" malungkot na tanong ni Fate kay Migo. Pumasok na siya sa kwarto nito at umupo siya sa kama. Nakayuko si Migo pero halatang galing ito sa iyak. 

"Bakit ka nandito? You're supposed to be with Ronnie. Mas pinili mo siya diba? Makakalabas ka na sa kwarto ko!" inis na sabi ni Migo na namumugto ang mga mata. 

"Migo ano ka ba? Anong siya ang pinili ko? Wala naman akong kailangang piliin dahil magkaiba naman ang tingin ko sa inyo! He is just a friend at willing akong iwasan nalang talaga siya, maging okay lang tayo." seryosong sabi ni Fate. 

"Wag ka ng magkunware! Alam kong type mo si Ronnie diba? Naalala mo 'yung sa slumbook na pinasagutan sa'yo ni Irish dati? Sabi mo, gusto mo 'yung magaling magbasketball!! O di si Ronnie nga 'yon!" 

Natawa nalang bigla si Fate,
"Alam mo, walang ka-kwenta kwenta 'yang dahilan mo! Matagal na 'yung slumbook na 'yon. 1st year high school palang tayo non ano! Come on Migo, hindi ba pwedeng magbago? Kung dati, basketball player ang gusto ko.. ngayon hindi na. Hm... dancer naman ang gusto ko!" 

"Niloloko mo lang ako eh!" sabi pa ni Migo. 

"Hindi nga!" napailing na sabi ni Fate. "Kahit naman kase ang bilis magbago ng mood mo at kahit mabilis kang magalit. Mahal na mahal na mahal kita! Always remember that Migo, I love you!" 

Ngumiti nalang si Migo at inakbayan niya si Fate.
"Sorry Fate ah, sorry sa mga mood swing ko. Thank you din, kase kahit ang daming dahilan para iwan mo 'ko ay mas pinipili mong mag-stay." 

"Ganun naman talaga dapat diba? I'll stick with you no matter what!" 

"Talaga?" 

"Oo! Iiwasan ko nalang din muna si Ronnie para matahimik ka." 

"Pano, 'yung dating nagpahula ka, letter R daw ang initial ng lalaking ka-FOREVER mo. R, hindi M!" 

"Hindi naman totoo 'yon, kaya nga hula lang eh!" natatawang sabi nalang ni Fate at niyakap nalang niya ang nag-eemote na si Migo! "Tama na sa pagseselos okay? May pa-iyak-iyak ka pa dyan!" natatawang pang-aasar pa niya.

"Anong umiyak?! Hindi kaya 'ko umiyak! Ano lang, napuwing lang ako!" pagde-deny ni Migo pero natawa nalang si Fate. 

"Okay fine!" sabi nalang ni Fate at natigilan siya nung makita niyang nakatulala sa kanya si Migo. "What's wrong? May problema na naman ba?" 

"Wala, hindi ko lang kase maisip kung...kung paano ba kapag nagkahiwalay tayo ulit. Sure akong mas magiging masakit this time." seryosong sabi ni Migo.

"Hanggat mahal mo 'ko, nandito lang ako palagi Migo. Pinapangako ko 'yun sa'yo. Kahit nga nung mga panahon na feeling ko ay hindi mo na 'ko mahal, hindi pa rin naman ako sumuko diba? Sana 'wag mong kakalimutan 'yon Migo." 

"Promise, hindi ko talaga kakalimutan 'yon." nakangiting sabi ni Migo at dahan dahan niyang inilapit ang lips niya kay Fate. 

Si Fate ay napapikit nalang at hinintay nalang ang pagdampi ng labi ni Migo sa labi niya.

At nung maglapat 'yon ay hindi na sila nakakilos. 'Yung heartbeat nalang nila ang nag-iingay. 

Then naramdaman ni Fate na gumalaw ang labi ni Migo, naramdaman niya ang malambot na lips nito na gumagalaw at bahagyang sumipsip sa upper lip niya. Napasinghap si Fate sa sensasyong naramdaman niya. 
Sandaling humiwalay si Migo at tumitig kay Fate,
"Pwede ko bang gawin ang gusto kong gawin?" 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon