Pumasok si Stan sa University na naka shades. Feeling niya kase lumaki ang eyebags niya dahil hindi siya nakatulog kagabi dahil lang sa kakaisip kung bakit hindi siya nirereplayan ni Ana? Ilang taon din namang tahimik ang buhay niya and no one makes him bother. Pero bakit biglang dumating si Ana para lang isipan niya sa bawat pagkakataon na nag-iisa siya at nag-iisip. Hindi na tama ang nararamdaman niya. Maling mali na 'to! Isa siya sa HOT Boys at hindi sila ganito! Well maliban kay Migo noon nung panahong inlove na inlove kay Fate!So....
Inlove siya??
Nakita niyang papasok ng gate si Ana at napatitig nalang siya. Naka white shirt lang si Ana at faded jeans. Lumilipad pa ang lagpas balikat nitong buhok. Napasandal si Stan sa kotse niya at inantay niyang makalapit sa kanya si Ana.
"Magandang umaga Stan!" nakangiting bati ni Ana,
"Mas maganda ka sa umaga! Ah..ang luma no? hehe.. hayaan mo na, yun naman kase ang totoo eh." sabi naman ni Stan at napangiti nalang si Ana. Sabay na silang umakyat sa malawak na hagdan ng HOT U.
"Ah Stan.. sorry kagabi ah, hindi na ko nakapagtext sa'yo, maaga kase akong pinatulog ng Lola ko eh. Ah.. anyway, salamat sa load! Masyado naman atang malaki 'yon." sabi niya at nagulat siya nung kinuha ni Stan ang bag niya at sinukbit 'yon sa balikat. "Thanks!" nailang na sabi nalang ni Ana.
"Okay lang 'yon.. Maaga din naman akong nakatulog." pagsisinungaling ni Stan, maaga o umaga na?? "Ah nga pala Ana... Ahm.. may gusto sana 'kong sabihin sa'yo.."
"Ano 'yon?" tanong ni Ana at tumingin siya ng diretso sa gwapong mukha ni Stan.
"Ah kase.... Ano eh... ah..." napahawak pa siya sa batok, "Alam mo kase..."
"ANA!!!" natigilan si Stan nung biglang may tumawag ng malakas kay Ana! Hindi niya natuloy ang sasabihin niya.
"Nathan??" gulat na gulat na tanong ni Ana nung makita niyang papalapit sa kanya si Nathan.
Dahan dahang lumingon si Stan para makita niya ang mukha ni Nathan!
+**+
"Okay listen everyone!" paunang sabi ng Direktor ng play kina Myzel, Clay at iba pa. "Magsisimula ang kwento sa pagdating ng binatang si Crisostomo Ibarra sa Pilipinas, pupunta siya sa inihandang salu-salo ni Kapitan Tyago na ama ni Maria Clara."
Tahimik lang na nakikinig si Myzel at tinatandaan niya ang bawat salitang sinasabi ng Director. Well hindi na nga siya nahihirapan eh, pamilyar naman kase siya sa kwento. Sila ni Clay ang halos magkatabi sa line. Ang nasa kanan niya ay may isang inch lang silang pagitan, samantalang sa kanila ni Clay ay halos dalawang metro!!
Nagkatinginan sila ni Clay at inismidan siya ng lalaki. Naalala niyang dinala siya ni Clay sa clinic kahapon, gusto sana niyang magthank you pero nagbago ang isip niya! Sa dami ba naman ng atraso ni Clay ay hindi pa rin sapat 'yon para makabawi ito.
"Myzel and Clay! Bakit ganyang kalayo ang gap niyo?" nagulat pa si Myzel nung magsalita ang Direktor. "Kayong dalawa ang bida dito at dapat makitaan kayo ng chemistry. Kailangang makita ng mga audience na nagmamahalan kayo."
Natahimik nalang si Myzel, ang hirap naman pala!! Ang hirap kaya magpanggap na mahal niya si Clay!! Nakakasuka!
"Clay and Myzel, tingin ko... kailangan niyong magbond together. Try niyong kumain ng sabay tapos magkwentuhan kayo para naman hindi estranghero ang tingin niyo sa isa't isa. Dapat maging realistic ang pagganap niyo bilang Crisostomo at Maria Clara."
"Narinig mo 'yon?!" mahinang tanong ni Myzel kay Clay, "Kumain daw tayo ng sabay, nakakasuka mang gawin ay gawin na rin natin alang-alang sa play!"

BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Ficção AdolescenteHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...