"Sure ba kayong, ayaw niyong magpasama?" tanong ni Stan kina Ana, Fate at Myzel."Wag na Stan, kaya na namin 'to." nakangiting sagot ni Ana, schedule kase ng pamimili ng gown para sa mga brides maid.
"I can drive for you girls." offer naman ni Clay. "Wala naman akong gagawin ngayon."
"Wag na mine, parang bonding na din naman natin 'tong mga girls eh. Tsaka carry na namin 'to no! Mag bond nalang din kayong mga boys."
"At ikaw naman Fate? Kailangan bang sumama ka pa? E hindi ka naman brides maid. Makikigulo ka lang eh." sabi naman ng natatawang si Migo.
"Ano ka ba?? I'll help them to choose the best gown ever! Ako kaya ang fashion police nila! So dapat lang na kasama ako!"
"Fine! Ingat kayo ah!" sabi nalang ni Migo.
"Kuya, ingat sa pagmamaneho ah." bilin ni Stan sa driver nung sumakay na sa kotse ang mga babae. "Sakay mo ang mga reyna namin."
"Yes boss! Wag po kayong mag-alala." sagot naman ng driver at tumango nalang si Stan.
"Bye Migo!" nakangiting kaway pa ni Fate sa asawa. Magkakatabing nakatayo sa may doorway ang tatlong lalaki.
"Sige, ingat!" sabay kaway din ni Migo.
"Text ka kapag nandun na kayo." bilin naman ni Stan kay Ana.
"Opo!" nakangiting sagot naman ni Ana.
Nag-flying kiss lang si Myzel kay Clay at sinalo naman 'yon ng lalaki.
Nakatingin nalang ang tatlong lalaki habang palabas ng gate ang kotse.
+**+
"Kayo ba ni Clay? Kelan ba ang plano niyo?" tanong ni Fate, nasa back seat sila ni Myzel at si Ana naman na nasa drive seat ay lumingon sa kanila.
"Oo nga, kelan ba kayo?" nakangiting tanong ni Ana.
"Ewan ko ba don kay Clay! Pero hindi naman kami nagmamadali eh. Sa ngayon kase, iniisip muna namin 'yung issue kay Alessandra. May nagbabanta kase eh, at pinapa-trace na ni Clay kung sino 'yung nagpapadala ng mga masasamang message sa kanya."
"Nako, nakakatakot naman!" napailing na sabi ni Fate. "Masyado namang naghahabol 'yung Alessandra na 'yon. So pathetic!"
"Pero naiintindihan ko din naman si Alessandra, buntis siya tapos hindi siya pananagutan." sincere na sabi ni Myzel.
"Kasalanan niya 'yon! Nagpakama siya sa lalaking hindi naman siya mahal. Just lust, walang love! Hindi niya dapat 'yung ginawa." napailing na sabi ni Fate at napatango nalang si Ana bilang pagsang-ayon.
Nagulat nalang si Ana nung makita niyang may tatlong armadong lalaki na naka bonet ang mga mukha na humarang sa dadaanan nila kaya naman napahinto ang driver sa pagmamaneho.
"Oh my God!" nabulalas nalang na sabi ni Ana at hindi niya malaman kung totoo ba ang nakikita niya o panaginip lang!
Napayakap si Fate kay Myzel sa sobrang takot.
"What's that Myz!" natatakot na sabi ni Fate.
"Carnapper?" natatakot ding sabi ni Myzel na ang mga mata ay naka-focus sa tatlong lalaki.
Nakatutok ang baril nito sa driver,
"Buksan mo!" malakas na sigaw nito at takot na takot ang driver at agad nalang binuksan ang pinto."BABA!!!" malakas na sigaw nung isa sa driver at walang nagawa ang driver kundi bumaba nalang sa kotse.
"KUYA ANONG KAILANGAN NIYO SA'MIN??? WE CAN GIVE YOU MONEY IF YOU WANT! KAHIT GANO KALAKI!!" natatakot na sabi ni Fate.
"MANAHIMIK KAYO! WALANG KIKILOS NG MASAKA KUNG AYAW NIYONG PASABUGIN KO ANG MGA BUNGO NIYO!" banta nung isa at ito ang pumwesto sa driver seat. Yung dalawang lalaki naman ay pumwesto sa back seat at pinagitnaan nila sina Fate at Myzel.
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...