Chapter 31

225 11 1
                                    


Inihatid ni Migo si Fate sa bahay nito bandang alas siyete na ng umaga. Hindi na sila naka-attend sa klase nila. 

"Goodbye Migo.." malungkot na sabi ni Fate habang nasa kotse pa siya ng lalaking namumugto ang mata dahil pagkatapos ng ligayang pinagsaluhan nila ay nagdrama at nag-emote naman ito.

"Someday, hindi na natin sasabihin ang salitang GOODBYE, only GOOD NIGHT. Pero sa ngayon Fate, goodbye na nga lang talaga muna." napaluha na namang sabi ni Migo at napaluha na din si Fate. 

"Magkikita pa rin naman tayo Migo, uuwi ako every summer at every christmas break. Magkikita pa rin tayo. Hindi nga lang madalas pero magkikita pa rin tayo. Kaya natin 'to Migo." 

Tumango nalang si Migo at nagpunas ng luha,
"Okay... Sige na, kanina ka pa nila hinihintay. I-update mo nalang ako kung ano ng nangyayari sa'yo."

Tumango na din si Fate at binuksan na niya ang pintuan ng kotse ni Migo. 

Pero bago pa man siya makalabas ay biglang hinawakan ni Migo ang kamay niya. 

"Malapit ng magpasko Fate, saka pa tayo magkalalayo. Pero ayos lang, tiwala lang, magkakasama din tayo ulit." 

"Oo Migo, pangako!" 

Idinikit ni Migo ang mukha niya kay Fate at binigyan niya ito ng isang matamis na halik!

GOODBYE KISS na ba? 

+**+

Nagulat si Ana nung umagang 'yon dahil hindi si Stan ang nagsundo sa kanya para ihatid siya sa HOT U. Bumaba sa kotse ang driver at nakangiti itong bumati kay Ana at gumanti naman ng ngiti ang babae.

"Manong? Asan po si Stan?" 

"Wala siya eh, may pinuntahan sila kagabi ng family niya. Nagbilin na ako daw ang maghatid sa'yo sa University." paliwanag ng medyo may edad ng driver.

"Ah ganun po ba?" nanghihinang tanong ni Ana dahil hindi man lang kase nagtext si Stan tungkol sa pag-alis nito. "Ah..sige po..tara na.." 

Sumakay na siya sa kotse at laman pa rin ng utak niya si Stan! 

Agad niyang kinuha ang phone at agad nag type...

ANA: Hi Stan! Hm.. Nasan ka? 

Pero 10 minutes na ang nakalipas ay wala pang reply mula kay Stan. Hindi ganun si Stan! Sobrang hindi ganon! Usually, lagi itong nauuna magtext at kapag nag-re-reply naman ay halos 3 seconds lang! Naguguluhan tuloy siya. Hindi siya sanay na ganon ang boyfriend niya. 

Hanggang sa University ay si Stan pa din ang gumugulo sa utak ni Ana. 

+**+

"CLAY!!! CLAY!!!" malakas na sigaw ni Myzel at agad siyang tumakbo palapit sa dining area kung saan nakasubsob si Clay sa mesa at may dugo sa ulo! "CLAY!!! CLAY ANONG NANGYARE SA'YO??" takot na takot na tanong ni Myzel. "TULONG!!!!! TULUNGAN NIYO KO!!!!! TULUNGAN NIYO KAMI!!" malakas niyang sigaw as if naman ay makakarinig sa kanya! Soundproof ang HOT House dahil madalas don ang party at ayaw nilang maka-istorbo sa mga kapitbahay!
"Clay!!!" naiiyak na sabi niya at agad niyang inakay si Clay para makatayo pero napakabigat nito. "Kailangang dalhin ka sa ospital Clay! Clay wag kang susuko!!" mangiyak ngiyak niyang sabi. Kumalat ang dugo sa buong mukha ni Clay na umaagos mula sa sentido. "Hold on Clay! Kaya mo 'yan!" 

Dahan dahan niyang iniangat si Clay at inakay niya ito, kailangan nilang makarating sa garahe at sumakay sa kotse para masugod si Clay sa ospital bago pa ito nawalan ng hininga at bago pa man maubusan ng dugo.Kailangan niyang iligtas si Clay! Hindi pa ito pwedeng mawala! 

"Clay, ano ba kasing nangyari sa'yo?!" umiiyak na si Myzel this time dahil hindi pa rin umiimik si Clay. Nakapikit pa rin ito at parang lantang gulay! 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon