Chapter 16

244 10 0
                                    

Nasa may bench sina Myzel at Ana at dun sila kumakain ng burger.

"Buti nalang, may nagbigay sa'ken nitong damit." sabi pa ni Myzel matapos niyang ikwento ang pangyayari. 

"Swerte ka pa rin." nakangiting sabi ni Ana at muli niyang naisip ang dalawang lalaki..Mahal daw siya ni Stan, pero sila naman ni Nathan!! "Myzel, pwede bang humingi ng advice?" 

"Sure! Ano ba 'yon?"

"Yung ka M.U. ko kaseng si Nathan, ah...kami na!" mabilis niyang sabi.

"Oh, anong problema don?" nagtatakang tanong ni Myzel. 

"E kase, si Stan! Umaming mahal daw niya 'ko!" sabay hawak sa mukha at napayuko pero muli ding umangat at tumingin kay Myzel. "Anong gagawin ko Myzel? Naguguluhan na 'ko." 

"Wow! Ganda problem 'yan te ah!" natatawang sabi ni Myzel. "Pero seriuosly, etong advice ko sa'yo Ana... I-BREAK mo na si Nathan!" 

"I-break?? I-break talaga??" 

"Oo! I-break mo! Kase kung mahal mo talaga siya, hindi ka sana naguguluhan ngayon at hindi ka sana hihingi ng advice, tama? So ayun, yun ang advice ko, i-break mo na siya." 

Natulala lang si Ana, kaya ba niyang gawin 'yon kay Nathan? Hindi niya kayang saktan ang lalaki! 

"Pero hindi ko kaya..." mahinang sabi niya kay Myzel. 

Huminga ng malalim si Myzel,
"Hindi mo kaya? Hindi mo siya kayang saktan ganun ba? E ganun din naman 'yon eh! Hindi mo nga siya masasaktan ngayon pero masasaktan mo din siya later! Edi saktan mo na agad para tapos na!" seryosong sabi ni Myzel at natahimik nalang si Ana, tama naman kase ang kaibigan niya eh. May point talaga si Myzel!

+**+ 

Pagpasok ni Myzel sa classroom para kunin ang libro niya ay sabay sabay na nagsorry ang mga classmates niya. 

"Woah! Anong meron at nagso-sorry kayo?! Well anyway, sige na, pinapatawad ko na kayo!" seryoso niyang sabi at agad niya ng kinuha ang libro niya sa desk at mabilis na lumabas sa room na 'yon. 

Paglabas niya ay bigla siyang napanganga, nakatayo sa harapan niya si Clay Trinidad! 

"Kaya naman pala tinanong mo 'ko kanina kung anong next class ko ay dahil gagawan mo na naman ako ng katarantaduhan Clay Trinidad! Hindi ka ba talaga magbabago?!" 

"Miss old fashioned girl, ikaw? Kelan ka ba magbabago sa mga pamimintang mo sa'ken? Konting kibot ako agad?" tanong ni Clay at namewang lang si Myzel. 

"Kunwari ka pa dyan eh! Tsk! Mabuti nalang at merong mabait na stranger na nagbigay saken nitong suot ko!" 

"Ah... binigay lang pala sa'yo ang damit na 'yan." napatangong sabi ni Clay sabay tingin sa kabuuan ni Ana, "I see, kaya naman pala mukha kang tao!" sabay ngisi ni Clay at napaismid nalang si Myzel.

"Infairness din sa'yo Clay ah! Asal tao ka rin ngayon!" 

Kumunot bigla ang noo ni Clay sa sinabi ng natatawang si Myzel. 

"Bakit? Ano bang madalas na asal ko?!" inis na tanong pa niya sabay tingin ng matalim kay Myzel. 

"Asal alien! Yung nagkakaroon ng menthal telepathy ang mga estudyante na kahit hindi ka magsalita ay naiintindihan na nila ang ibig mong sabihin! Tapos parang madalas kang galit at laging may lumalabas na usok dyan sa ilong mo! Tapos kinakabog pa ng kilay mo ang kilay ng angry bird!!" seryosong pag-eexplain ni Myzel. 

"Alien? Angry bird? Whew! First time kong narinig ang mga ganyang bagay patungkol sa'ken!" 

"Kase hindi nila kayang sabihin dahil natatakot sila sa'yo!! Pero ako hindi ako matatakot! Hindi ako matatakot sabihin na okay ka sana eh! Gwapo, mayaman, hunk, kaso.. bagsak sa values at conduct kaya wala din! Pero siguro...kung mabait ka ng konti... Baka naging crush pa kita!" 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon