"Nawawala? Panong nawawala?!" kunot noong tanong ni Migo."Kanina lang po kase ay natanaw pa namin ang bangka tapos biglang nawala." paliwanag ng matanda.
"Kailangang mahanap natin kung nasan sila!" inis na sabi ni Clay.
"Sana lang ay safe silang tatlo." sabi naman ni Stan.
Napahawak nalang sa noo si Clay,galit pa naman si Myzel sa kanya. Ganun din si Migo na naalala rin niya ang pag-aaway nila ni Fate bago sila matulog. Sana naman ay walang masamang mangyari sa mga babaeng mahal nila. Mas nag-aalala si Stan, kasal na nila ni Ana kinabukasan, wala naman sanang mangyaring hindi maganda.
+**+
"Girls, tama ba tong gagawin natin?" tanong ni Ana nung naglalakad na sila papasok sa ibang resort. Inutusan nila 'yung bangkero na ihatid sila don, sa lugar kung saan malayo sa resort. "Mag-aalala sila sa'tin."
"I-text mo nalang si Stan, basta sabihin mo, wag sabihin ang nalaman niya kina Migo!" sabi naman ni Fate. "Ayoko munang makita si Migo, dito nalang muna 'ko."
"Tama ka Fate! Hayaan na muna natin sina Clay don! Masyado silang mahilig sa babae! Hindi pa ba tayo sapat??" inis din na sabi ni Myzel.
Napabuntong hininga nalang si Ana, ayaw naman niyang kontrahin ang dalawa. Agad nalang niyang kinuha ang phone niya para tawagan si Stan pero walang signal!
"Ano ba yan! Walang signal!" inis niyang sabi at muling ibinalik ang phone sa bulsa. "Pano ba yan? Pano ko matatawagan si Stan?? Siguradong mag-aalala 'yon!"
"Hayaan mo Ana, uuwi din naman tayo mamayang hapon. Relax." sabi ni Fate at napailing nalang si Ana.
"Tama si Fate, babalik din naman tayo mamaya. Hayaan na muna natin sila." pagsang-ayon naman ni Myzel kaya wala na siyang nagawa sa dalawa.
Nagpunta agad sila sa loob ng isang restaurant at naghanap ng pinaka magandang pwesto. Mas pinili nila 'yung sa 2nd floor dahil mas kitang-kita nila 'yong asul na dagat.
"Perfect view!" nakangiting sabi ni Fate at agad niyang pinicturan gamit ang phone niya.
Malayo ang resort na 'yon sa resort na venue ng kasal kaya hindi madaling hanapin sila don. Lalo na at itinago nila ang bangkang ginamit at ang bangkero ay binayaran nila ng doble para hindi magsalita.
Nasa table na nila ang mga inorder nila na inihaw na tilapya at ginataang sugpo at masaya na nilang pinagsaluhan ang pagkain na 'yon.
"Girls???" nagulat silang tatlo at napatingala nung marinig nilang may tumawag sa kanila. Mas nagulat pa sila nung makita nilang si Chad 'yon!
"Chad?? Bakit ka nandito??" gulat na tanong ni Myzel.
"Actually hindi lang ako, kasama ko din sila." sabay turo sa isang table at kumaway sa kanila ang mga lalaking nandon, sina Ronnie at Iñigo, si Iñigo ay pinsan ni Stan.
"Bakit kayo nandito?" tanong naman ni Fate.
"Wala, naghahanap-hanap lang din kase kami ng magandang restau at saktong nagustuhan namin 'to." sagot ni Chad at lumapit na rin sa kanila sina Ronnie at Iñigo.
Tumabi si Chad kay Myzel,
"Kayo ba ni Clay? Kelan ba kayo ikakasal?""Ewan ko don!" sabay nguso ni Myzel.
"Infairness, ang laki na ng pinagbago ni Clay mula nung dumating ka sa buhay niya.Nakikita na namin siyang nakangiti at tumatawa hindi katulad ng dati, and our family owe it all to you!"
"Asus! Wala 'yon! Hanggang ngayon naman, pilyo yung Clay na 'yon!" napailing na sabi ni Myzel at natawa lang si Chad.
"Atleast, kaya mo siyang i-control."

BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...