Chapter 28

239 13 0
                                    

Umiiyak pa rin si Myzel habang panay ang ubo sa may terrace nung lumapit sa kanya si Clay.

"Pumasok ka na sa loob." mahinahong sabi ni Clay. 

"Wag na.. Dito nalang ako magpapalipas ng gabi. Hihintayin ko nalang na sumikat ang araw. Bukas na bukas aalis na 'ko." seryosong sabi ni Myzel at hindi muna umimik si Clay. 

Umupo din si Clay at nababasa na rin ito ng ulan, tumabi siya kay Myzel.
"Sorry!" mahinang sabi ni Clay. Ang hirap sabihin ng salitang 'yon pero pinilit niyang sabihin para kay Myzel. "Wala ka naman talagang kasalanan eh. Praning lang ako." 

Hindi umiimik si Myzel na mayat maya ay umuubo. 

"I was so stupid, sorry!" sabi pa ni Clay. "I did'nt mean it. Hindi ko sinasadyang masabihan ka ng masakit na salita kanina. Ano lang kase.. bigla lang.. nabigla lang ako." napahawak sa noo si Clay at hindi masabi ang gusto niyang sabihin! "Nag-wo-worry lang kase ako kanina nung wala ka pa at biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tinatawagan kita pero hindi mo naman sinasagot, susunduin sana kita. Pero kaya naman pala hindi mo sinasagot ang mga tawag ko ay dahil kay Markus. So, wala kang kasalanan don, ako lang talaga. Ako lang ang may problema. Ikaw nalang ang bahalang mag-interpret ng sinabi ko." at si Myzel naman ay napaisip. Siya pa talaga ang mag iinterpret!? E pano kung mali ang interpretation niya?! Kung sa pagkakaintindi niya, parang nagseselos yata si Clay! Pero hindi niya rin sure! 

"Ako pa ba talaga ang mag-iinterpret?" angal ni Myzel. 

"Tara na sa loob, basang basa na tayo ng ulan." sabi nalang ni Clay at agad ng tumayo. Inilahad niya ang kamay niya kay Myzel at kinuha naman 'yon ng babae at nakatayo na din. "Magpalit ka agad ng damit mo. Baka lumala ang ubo mo." 

Tumango nalang si Myzel at pumasok na sila ni Clay sa loob ng bahay. 
"Again Myzel, I'm really sorry." mahinang sabi ni Clay. 

"Papatawarin lang kita kung ipagtitimpla mo 'ko ng kalamansi juice." seryosong sabi ni Myzel sabay tawa. "Joke lang!!". Ang kapal din naman kase ng mukha niyang mag-utos sa amo no?? Haha. 

"Pero seryoso, ipagtitimpla kita ng calamansi juice kung gusto mo." seryosong sabi ni Clay at napanganga si Myzel dahil hindi siya makapaniwala sa narinig niya. 

"Ha? Ah..e..'wag na! Biro lang naman 'yon!" naiilang niyang sabi at hinawakan bigla ni Clay ang balikat niya. 

"Para makabawi naman ako kahit papano. Hayaan mo nalang ako.." seryosong sabi ni Clay. 

"Ah..ikaw ang bahala.." mahinang sabi ni Myzel.

Habang pinapanuod niya si Clay na magtimpla ng juice ay nagpipigil siya ng kilig! Parang biglang naging okay ang pakiramdam niya. Lakas makahaba ng hair 'yung feeling na pinagsisilbihan ka ng isang Clay Trinidad! 

"Don't look too much," nagulat siya sa sinabi ni Clay. "I'm warning you, don't look if your not ready to fall in love. Baka bigla kang mainlove sa'kin." natatawang sabi ni Clay.

"Hindi ah! Feeling mo naman!" nagpipigil sa kilig na sabi ni Myzel. 
---WAAAAHH!!! OXYGEN PLEASE!! I CAN'T BREATH!!

+**+

"Sabay tayong mag-review mamaya, okay lang ba?" tanong ni Ronnie kay Fate nung magkasalubong sila sa hallway ng HOT U. 

"Next time nalang Ronnie, 'wag muna ngayon, ano kase eh..ah..si..si Migo kase, nagseselos siya sa'yo. So..iwas muna ng konti. Sana maintindihan mo." pakiusap ni Fate at mahinang tumango si Ronnie.

"Okay." nakangiting sagot nito. "Basta kapag kailangan mo na 'ko ULIT, nandito lang ako." 

"Sorry Ronnie ah, ayoko lang kasi talaga na nag-aaway kami eh." 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon