Chapter 19

252 14 0
                                    


"Ikaw ang katulong na nirekomenda ni Dorothy?!" hindi makapaniwalang tanong ni Clay. 

"Ah..ano---- ah...hehe... Actually last day ko na din ngayon at.... at magreresign na 'ko bukas ng umaga. Mga 1am palang, magre-resign na 'ko!" mabilis na sabi ni Myzel at natawa bigla si Clay. As in humalakhak ito!! Yung halakhak na akala mo ay wala ng bukas! Yung halakhak na halatang pinagtatawanan si Myzel. 

"Akala ko ba nagta-trabaho ka sa Makati? Sa office ang sabi mo diba? Office na pala ngayon ang cr! haha" 

"ALAM MO ANG YABANG MO!" pikong sabi ni Myzel kay Clay.

"Teka, wag kang pikon! Wala namang masama sa trabaho mo eh, ang masama... yung magpanggap kang nasa office ka!" sabay tawa ulit. 

"TSE!!!! NAPAKAYABANG MO CLAY! I RESIGN!!!!" malakas na sabi niya at biglang sumeryoso si Clay.

"NO!" diin ni Clay. "Pwede ka lang umalis kapag nakahanap ka na ng kapalit mo. But for the mean while, katulong ka namin! And as your boss! Inuutusan kitang maligo dahil ayoko ng mukhang pulubi dito sa bahay na 'to!" nakangising sabi ni Clay at napanganga nalang si Myzel.

"Magre-resign ako kung kelan ko gusto!!" pagdidiin din ni Myzel. 

"Go! Umalis ka! And i'll make sure na magbabayad ka ng malaking halaga kapag ginawa mo 'yon. Sasampahan kita ng kaso dahil may kontrata kang pinirmahan mula kay Dorothy. Kaya sige, go! Maghanap ka nalang din ng magaling na abogado." mayabang na sabi ni Clay at lalong umusok ang ilong ni Myzel. "Mga 50 thousand ang pinakamababang pwede mong bayaran! So now, sige na Myzel Torez, you can leave."

"GGGGRRRRRRR!!!!" badtrip na sabi ni Myzel sabay alis sa kwarto ni Clay. Si Clay naman ay naiwang natatawa at sumigaw pa ng pahabol kay Myzel. "Sasampahan din kita ng kaso dahil sa pamboboso mo sa'ken!" 

+**+

"Pumunta na tayo sa HOT House Fate!" asar na sabi ni Migo habang nasa mall pa sila. "Diba ang usapan naten ay sa HOT house na ang diretso?? O ano 'to? Bakit ngayon mo pa naisipang mag shopping!"

"Migo relax ka lang okay! May kailangan lang kase akong bilhin!" sabi ni Fate at hila-hila niya ang kamay ni Migo na tamad na tamad sa paglalakad. 

"Kaya ayoko na sanang mag-girlfriend eh! Kailangan kase laging nasa mall at nag-sh-shopping!" bulong ni Migo at agad siyang binitawan ni Fate at inis na humarap sa kanya. 

"Mauna ka na sa HOT House kung gusto mo. Susunod nalang ako." seryosong sabi ni Fate at agad siyang niyakap ni Migo.

"Joke lang! Hindi ka naman mabiro! I love you!" natatawang sabi ni Migo. "Tara na, shopping ka na, kahit abutin pa tayo ng 10 hours." 

Napangiti at napailing nalang si Fate, hawak kamay na silang naglakad ulit ni Migo at pumasok sila sa isang foot wear store. 

Dumiretso sila sa mga sapatos na panlalaki kaya napakunot ang noo ni Migo,
"Bibili ka ng sapatos na panglalaki? Para saan?" nagtatakang tanong ni Migo. 

"Para kay Ronnie!" sagot ni Fate sabay hawak sa isang pares ng sapatos. Biglang nabitawan ni Migo ang kamay ni Fate. 

"Para kay Ronnie? Bakit?!" kunot noong tanong ni Migo. 

"Wag ka ng magtanong okay?" kunot noong tanong ni Fate. "Tingin mo, kasya ba sa kanya 'to?" sabi niya pa habang nakahawak sa sapatos. 

"Malay ko ba sa size ng paa non!" inis na tanong ni Migo. "Sana ininform mo 'ko na bibilhan mo pala siya para sinukatan ko siya ng paa kanina!" nakasimangot na sabi ni Migo at natawa nalang si Fate.

"Bakit ang sungit mo na naman?"

"Ewan ko sa'yo!" inis na sabi ni Migo at iniwan niya na si Fate!

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon