Sa chapel ibinurol ang katawan ng lola niya at tulala pa rin si Ana.
"Kumain ka na Ana," sabi ni Stan sabay abot niya ng burger kay Ana.
"Sige, mamaya nalang.." malungkot na sagot ni Ana. "Ah.. Stan, pumasok ka na sa University. Okay lang naman ako dito. Hindi naman pwedeng hindi ka na umattend sa klase mo. Okay lang ako dito."
"Mas kailangan mo 'ko dito Ana, hindi kita iiwan."
"Hindi! Kailangan mong pumasok! Bumalik ka nalang after ng class mo. Sige ka, magagalit ako sa'yo! Sige na Stan, pumasok ka na."
Napakamot nalang sa batok si Stan,
"E pano ka?""Okay nga lang ako, basta after ng class mo, dumiretso ka na dito."
"Okay sige, babalik agad ako." at agad hinalikan ni Stan ang pisngi ni Ana. "May gusto ka bang pagkain?"
"Wala.. Sige na, baka ma-late ka pa."
Tumango nalang si Stan at ayaw man niyang iwan si Ana ay kailangan niyang pumasok dahil ayaw niyang magalit ang girlfriend niya.
May binayaran nalang siyang dalawang lalaki at sila ang naging mata niya para tumingin-tingin kay Ana. Para kahit wala siya, masisigurado niyang safe ang mahal niya!
+**+
1 week later..
Nailibing na ang lola ni Ana at nasa bahay siya at umiiyak don. Paano na siya? Wala ang lola niya, wala na ang kasama niya sa bawat araw. Nilapitan siya ni Stan at inalo,
"Hindi ko yata kaya na maiwan ka dito mag-isa." sabi ni Stan. "Ah.. Ana... gusto mo bang... sa HOT house ka nalang tumira? Tutal naman, wala na 'ko don, ikaw na lang ang mag-occupy ng kwarto. Kesa naman, mag-isa ka dito." seryosong sabi ni Stan."Nakakahiya naman kina Migo at Clay, okay lang ako dito Stan, kailangang masanay akong mag-isa." sabay luha niya nung maalala niya ang lola niya sa mga gamit nilang may takip na gawa sa gantsilyo, yung ibabaw ng TV, ng cabinet at kung anu-ano pa. Lahat ng bagay sa loob ng bahay na 'yon ay may alala sa lola niya.
"Hindi mo kailangang masanay mag-isa Ana, nandito lang ako lagi." seryosong sabi ni Stan at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Ana. "Nandito lang ako Ana, Hindi ko hahayaang mag-isa ka. Tsaka ang HOT boys, nandito kami para sa'yo. Kelan ka ba lilipat sa HOT House?"
"Ah...okay lang ba talaga?"
"Oo Ana, may parte ako don at lahat ng sa'ken, sa'yo na din. Yung kwarto ko don, gamitin mo nalang. Tsaka si Myzel, diba kasama din naman namin 'yon. Atleast meron kang makakasama don at magkakaroon na ng kasamang babae si Myzel."
Gusto nga talaga ni Ana na umalis muna sa bahay na 'yon ng lola niya. Kase sa bawat bagay at pagkakataon ay lagi niya lang naiisip ang lola niya, nung mga panahong magkasama sila... nung bata pa siya...
Kinahapunan ay nagpunta agad sina Ana at Stan sa HOT House, saktong Sabado kaya wala sina Clay at Migo don. Si Myzel lang ang inabutan nila.
"Eto 'yung kwarto ko." sabi ni Stan nung pumasok sila sa loob ng kwarto. "You can stay here as long as you want."
"Salamat Stan ah!" nakangiting sabi ni Ana.
"Sa wakas, nakita ko yang ngiti mo kahit medyo pilit. Kaya mo yan Ana okay? Tutulungan naman kita." nilagay ni Stan ang bag ni Ana sa may couch. "Medyo magulo nga lang 'tong kwarto ko pero don't worry, walang ipis dito."
Tumango nalang si Ana at pinagmasdan niya ang buong kwarto na may white na pintura at black ang ilang gamit.
"Tsaka kapag may party o kaya may inuman dito, lock mo nalang 'tong pinto." tango ulit ang isinagot ni Ana.
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Ficção AdolescenteHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...