Masayang natapos ang party at marami ring nanalo sa raffle. Pero sina Ana, Fate at Myzel ay wala talagang nakuha kahit isa. Pero meron naman silang nakuha eh, ang puso ng HOT Boys! Dun pa lang, jackpot na sila!Over all, naging sucessful ang gabing 'yon.
Nakapagtimpi si Stan kay Jau dahil wala namang ginawa si Ana kundi ang lambingin siya at maya't maya siya sinasabihan ng I love you! Kaya ayun, kahit medyo nabadtrip siya sa ginawang pagyakap ni Jau ay nakabawi naman ang mahal niyang girlfriend.
Sina Clay at Myzel naman ay nag-bond lang at naging sweet lang sila habang nagbibiruan at nagke-kwentuhan. Ayun nga 'yung naging pagkakataon kaya mas lalo pa nilang nakilala ang isa't isa.
Sina Fate at Migo naman ay nag desisyon na 'wag muna silang umamin sa mga magulang nila. Kukuha pa sila ng tiyempo. Alam nilang magagalit ang mga magulang nila lalo na ang mga magulang ni Fate. Masyado pa kase silang bata para sa pumasok sa ganung klaseng responsibilidad.
Natuwa din ang mga tao sa mga pa-raffle at sa napakaraming pagkain at alak sa Christmas Party na 'yon.
Christmas break na at mahaba haba din ang bakasyon kaya mas masusulit nila ang panahon nilang magkakasama.
+**+
IT'S CHRISTMAS EVE!
At si Ana, siyempre kina Stan siya nagpasko dahil wala naman siyang pamilya.
Nasa may garden ng malaking bahay na 'yon sina Stan at Ana at katapos lang nilang kumain.
Nakahiga sila sa bermuda grass na may saping kumot at nakatingin sila sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin.
Naka-unan pa si Ana sa braso ng boyfriend niya.
"Sana lagi lang tayong ganito." nakangiting sabi ni Stan.
"Laging nakahiga?" natatawang tanong ni Ana.
"Pwede!" natatawa ding sabi ni Stan na agad hinalikan ang ulo ng babae.
"Thank you nga pala Stan ah, ininvite mo 'ko na dito nalang magpasko."
"Ofcourse! E saan ka pa ba magpapasko diba? Ako na ang pamilya mo ngayon at pamilya mo na din ang pamilya ko."
"Salamat Stan ah! Hm.. Sobrang dami niyong handa! Sobra tuloy akong nabusog. May lechon, hamon, keso de bola! Grabe Stan! Feeling ko ang laki na ng tiyan ko! Ang dami kaseng laman na pagkain!"
Biglang tumagilid si Stan at ginawa niyang pangtukod ang siko niya at tumitig kay Ana.
"Gusto mo bang... lamanan din natin ng baby ang tiyan mo?"
"Stan ah! Ang naughty mo!" saway ni Ana.
"Biro lang!" nakangiting sabi ni Stan, "Akala ko lang lulusot!"
"Ikaw ah! Paskong pasko ang green mo! Naalala ko tuloy si Fate! Lagot siya sa parents niya kapag nalaman nito ang totoo. Sabagay, sa simula lang naman 'yon. Pasasaan ba't matatanggap din ng mga magulang niya na magkakaapo na sila."
"Si Migo kase, nagmamadali!" natatawang sabi ni Stan. "Nainggit tuloy ako! O_____O Joke!"
Natawa lang si Ana at napailing.
+**+
Naiilang pa din si Myzel habang nasa dining table at sabay-sabay silang kumakain nina Clay, Chad at ang mommy at daddy ng mga ito.
Kumuha siya ng keso de bola at una niyang kinain ang pulang parte ng keso pero hindi niya manguya!
"Mine, wax 'yan, hindi kinakain 'yan. Just the cheese." sabi ni Clay at nag-blush si Myzel sa pagkapahiya!
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Fiksi RemajaHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...