Chapter 10

267 13 3
                                    


Nasa HOT house na sina Stan, Migo at Clay. Nakaupo na sila sa couch at pare-pareho silang tahimik at walang imik. Mga ilang minuto na silang ganon. Nagising lang sila nung hinulog ni Allen ang kaldero sa harapan nila sabay tawa ng malakas.
"Gulat kayo no?" natatawang tanong nito.

"Ano ba kaseng ginagawa mo dito Allen? Baka hinahanap ka na nina Mommy, umuwi ka na." seryosong sabi ni Stan. 

"No! Hindi pa 'ko uuwi hanggang hindi mo nililinaw kuya.."

"Nililinaw ang alin?" kunot noong tanong ni Stan samantalang tahimik lang na nakikinig sina Migo at Clay. 

"Nagpapanggap lang kayo ni Ana diba? Hindi talaga kayo!" nakangiting sabi nito kaya nagulat si Stan at napatingin siya sa pailing iling na sina Migo at Clay.

"Hindi ah!" pagtanggi niya pa sabay iling.

"Aminin mo na, alam din naman namin eh!" sabi nalang ni Migo. "Hindi yung tipo nung Ana ang sasagot agad sa manliligaw! Alam naming gusto mo lang siyang iligtas." 

"Okay, hindi talaga kame.." pag-amin ni Stan at nakita niyang tuwang tuwa si Allen. 

"Hindi niyo na kailangang magpanggap.. Hindi na naman si Ana ang KILL." sabi ni Clay kaya natahimik si Stan. Ayaw pa sana niyang tapusin ang pagpapanggap nila ni Ana, ayun kase ang nagiging dahilan para magsama sila. 

"At dahil hindi naman pala talaga kayo! Pwede ng maging kame!" makulit na sabi ni Allen at napailing lang si Clay. 

"Hindi rin pwedeng maging kayo..." malungkot na sabi ni Stan, "May Nathan na siya!" 

Nalungkot din si Allen sa nalaman niya at saglit natulala. 

Napailing nalang si Clay,
"Ano Stan? Tinamaan ka don sa Ana na 'yon no?" 

"Hindi ah!" deny niya sabay hawak sa noo. 

"E ikaw Migo, anong iniisip mo?' tanong ni Clay sa kunot noong si Migo. 

"Wala!" seryosong sabi niya dahil hindi mawala sa isip niya ang pakikipag-date ni Fate kay Ronnie! "Ahm... Stan, diba ka-team mo si Ronnie Monreal?" 

"Oo, baket?" 

"Ah..ano..okay ba siya?" 

"Okay naman! Magaling makisama tsaka magaling maglaro. Shooting guard nga siya diba?" 

"I mean sa babae? Totoo ba 'yung chismis na maloko si Ronnie pagdating sa mga babae?" sana lang ay hindi siya mabisto sa tunay niyang intensyon sa mga pagtatanong niya. 

"Oo naman!" natatawang sabi ni Stan, "Magaling sa chicks 'yon! Linggo linggo nga, iba ka-date non eh! At ibang klase 'yon ah! Kiss or more siya sa first date!" 

Natulala lang si Migo at napalunok, delikado pala si Fate kay Ronnie ah!

"Teka kuya Migo, bakit ka interesado dun sa Ronnie? Type mo no??" natatawang tanong ni Allen at binato siya ng unan ni Migo.

"Manahimik ka nga! Hindi ka naman kasale sa usapan namin ah!" inis na sabi ni Migo at natawa lang si Allen. 

+**+

"What?? Ininvite ka ni Ronnie out on a date?!" inis na tanong ni Alice habang nasa cafeteria sila ng HOT U para magbreakfast. 

"Oo," mahinang sagot ni Fate habang umiinom lang ng milk tea. 

Alice just rolled her eyes,
"Hindi mo naman siya type diba? So bakit ka makikipagdate kay Ronnie?? Ano? Makikiuso lang?!" 

"Relax Alice, date lang naman 'yon, friendly date." 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon