"So ano? Tayo na ba?" tanong ni Clay nung iabot niya kay Myzel ang pinabili nitong mais!
"May isa pa 'kong utos Clay Trinidad!" nakangising sabi ni Myzel.
"Ano 'yon?! Sabihin mo na agad!" medyo pikong sabi ni Clay.
"Gusto kong mahalin mo 'ko ng sobra sobra!" seryosong sabi ni Myzel.
"Sobra sobra ba talaga?? Hindi ba pwedeng mahal lang?!" kunot noong tanong nito.
Nasa HOT House na sila non at malapit ng mag-gabi.
"Sobra sobra dapat!"
"Tsk! Makapag-demand ka wagas ah! E bakit ikaw ba? Mahal mo ba 'ko??!"
"Konte!" mabilis na sagot ni Myzel.
"Loko ka rin eh!" sabay ngisi ni Clay. "Gusto mo mahalin kita ng sobra sobra tapos ikaw mahal mo 'ko ng konte?? Aba magaling!"
"Edi 'wag! Hindi naman kita pinipilit eh!" mataray na sabi ni Myzel. "Kung hindi mo 'ko kayang mahalin ng sobra, ngayon palang tigilan mo na 'ko! Ano 'to? Pakikiligin mo lang ako tapos paiiyakin mo din sa dulo? Clay kung gusto mo lang ng laro! Magbasketball nalang tayo!"
"So akala mo pala gusto ko lang maglaro?" kunot noong tanong ni Clay.
"E anong gusto mo?!" matapang na tanong ni Myzel. "Paano mo naman kase ako mapapaniwala na talagang seryoso ka sa'ken? E kung ngayon pa lang, hindi mo pala kayang mahalin ako ng sobra! Tsaka nalimutan mo na ba? Ang dami mo kayang atraso sa'kin dati pa! Kailangan bang i-throwback ko pa? Yung mga kalokohang pinaggagagawa mo! Yung pagsagasa mo dati sa bike ko! Naaalala mo ba 'yon?"
"Oo! Naaalala ko!" sabi ni Clay. "Pero sana naaalala mo rin na may bagong bike kang nakuha after non, galing sa'kin 'yon. Yung damit sa cr, sa'kin din galing 'yon. Marami din akong nagawang kabutihan pero hindi mo alam 'yon. At dun palang, nagtaka na ko kung bakit ako naging ganung kabait sa'yo. Mahal pala kase kita! Ngayon, kung kulang pa 'yon, sabihin mo lang."
Hindi makapaniwala si Myzel sa mga narinig niya! Si Clay pala 'yung mabait na stranger na laging tumutulong sa kanya!
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" mahinahong tanong ni Myzel.
"Bakit ko naman kase kailangang sabihin pa diba?!"
Natahimik lang si Myzel at napalunok. Mabait din pala si Clay Trinidad!
"Thank you!" sabi ni Myzel.
"Thank you lang?!" kunot noong tanong ni Clay. "Wala man lang kiss?!""Kiss mo 'yang mukha mo!"
"So ano? Tayo na ba? Umoo ka na parang awa mo na!"
Natawa nalang si Myzel at napabuntong hininga.
"Ipangako mo muna na mamahalin mo 'ko ng sobra!"
"Okay, pinapangako ko na mamahalin kita ng sobra! So tayo na ba?"
"Sige na nga! Tayo na!"
"Napipilitan ka lang ata eh!" angal ni Clay.
"Hindi!"
"So tayo na ah! Walang bawian!" nakangiting sabi ni Clay.
"Okay!"
Mabilis na hinawakan ni Clay ang magkabilaang pisngi niya at madiin siya nitong hinalikan sa labi kaya nanlaki nalang ang mga mata niya.
"Ang bilis mo ah!" angal niya matapos ang maikling kiss na 'yon.
"Ganun talaga! Tayo na eh!" nakangiting sabi ni Clay at agad niyakap si Myzel.
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...