Pagbukas ni Clay ng pintuan ng HOT house ay nakasunod lang sa kanya si Myzel.Nagkagulatan pa sila ni Migo dahil nasa salas pala ito habang nakapatong kay Fate!
Mabilis na tinulak ni Fate ang asawa at nag-ayos ng sarili.
"Migo naman, meron namang kwarto ah?" natatawang sabi ni Clay sa biglang pagtayo ni Migo.
"Bat di ka kase kumakatok!" balik ni Migo kay Clay.
Namula naman sa pagkapahiya si Fate at agad na lang nagbago ng usapan.
"Teka Clay, birthday mo na bukas ah. Wala ka bang pa-party diyan?""May pa-outing ako bukas, Batangas tayo." nakangiting sagot ni Clay.
"Yan! Gusto ko yan, kaso..wala pa 'kong pangregalo sa'yo! Next year nalang!" biro ni Migo.
"Try mo! Hindi kita papakainin ng cake!" sagot niya sabay akbay kay Myzel. "Mine, ipaghanda mo nga 'ko ng dalawang kiss at isang mahigpit na hug!"
"Birthday mo?? Bukas pa naman ah!" mataray na sabi ni Myzel.
"Teka, asan nga pala sina Stan?" tanong ni Clay kay Migo.
"Nandun sa kwarto! San pa ba?" natatawang sabi ni Migo.
+**+
"HOY STAN!! TAPOS NA ANG NEW YEAR!! WAG KA NG MAGPAPUTOK!!!" sigaw ni Clay habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Stan.
Nagising naman ang natutulog sina Ana at Stan at natawa nalang sila pareho sa pagsigaw ni Clay! Akala yata ay may ginagawa sila e natulog lang naman silang magkatabi.
"Tara na nga Stan, ang ingay ni Clay!" natatawang sabi ni Ana.
"Siraulo talaga 'yung kumag na 'yon!" nakasimangot na sabi ni Stan dahil nasira ang tulog niya.
+**+
Nasa dining table silang anim at kumakain sila ng buko salad.
"Basta bukas, aagahan natin ang alis naten para mas masulit naten ang outing." sabi ni Clay sabay subo ng salad kay Myzel. "3 days and 2 nights tayo don. Nakapag-pa-reserve na ko ng tatlong kwarto."
"Tatlong kwarto???" mabubulunang tanong ni Myzel. "Bakit tatlo??"
"Siyempre para sa'min ni Fate 'yung isa." sagot ni Migo na napapangiwi dahil pinipisil ni Fate ang tenga niya. "Ano ba Fate nakikiliti ako!" natatawa niyang sabi.
"Asus! Gusto mo rin!" sabi naman ni Fate.
"Tayo 'yung magkasama sa isang room Myzel," sabi ni Ana,"Sina Stan at Clay naman dun sa isa."
Napatingin lang si Stan kay Ana..
"Ayaw mo 'kong kasama sa room?""Basta Stan! Kami ni Myzel ang magkasama dapat!"
Napakibit balikat nalang si Stan.
"Tayo ang magkasama sa isang room Mine! Sasampalin kita dyan eh!!" pagbibiro ni Clay at natawa lang si Myzel.
"Hoy hindi pwede!! kami ni Ana dapat!! Baka ikaw ang sampalin ko dyan eh!" sagot naman ni Myzel at natawa nalang si Clay.
+**+
"Uwi na 'ko Ana, goodnight!" pagpapaalam ni Stan sabay halik sa pisngi ni Ana.
Alas diyes na ng gabi kaya uuwi na si Stan at para makatulog na rin si Ana.
"Sige Stan, ingat sa pag da-drive! I love you!"
"I love you too!" nakangiting sabi ni Stan at patalikod na siya nung may mahulog sa bulsa ni Ana. Tablet 'yon! "Ana ano yan? Gamot yan saan? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Stan.
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...