Nakatingin si Stan sa apat na sulok ng kwartong 'yon. Malungkot at walang buhay, masyadong malinis at ni walang iniwan na bakas. Wala na si Ana sa kwartong yon. Iniwan na siya ni Ana.
It was all his fault.
He is stupid, damn stupid!Alam niyang wala na siyang ginawa kundi awayin ng awayin ang babae, alam niyang naging malaki ang pagbabago niya.
Napahawak nalang siya sa ulo niya at napaupo sa kama, sa kamang puno ng alaala nila ni Ana.
Nasabihan niya ng mga masasakit na salita ni Ana at ang mga salitang 'yon ay hindi niya na mababawi. Nasabi niya na eh, nasaktan niya na yung babaeng pinakamamahal niya.
Napatingin siya sa unang ginagamit ni Ana at agad niya 'yong kinuha at dahan-dahang niyakap. Napapikit siya habang niyayakap niya ng mahigpit ang malambot na unang 'yon. Saka niya lang napansin ang isang puting papel na naka-fold sa ilalim ng unan.
Dahan dahan niya 'yung binuksan at binasa...
Stan,
Mahal na mahal kita Stan, alam ng Diyos kung gaano kita kamahal. Pero kahit yata anong gawin ko ay hindi ka na naniniwala sa pagmamahal na 'yon. Masakit sakin ang iwan ka, pero ayun na ang pinakatamang paraan para kahit papano ay matahimik tayo. Masyado na nating nasasaktan ang isa't isa at nakakatakot na kung saan pa humantong 'yon.
Siguro kailangan lang natin ng space, ng panahon para makapag-isip-isip tayo. Kailangan muna nating pumreno pansamantala habang may respeto pa tayo sa isa't isa.
Aalis lang ako, pero nandito lang ako para sa'yo. Hihinga lang muna 'ko Stan.
Pwedeng ma-miss mo 'ko..
Pwede ring maghanap ka na ng iba..
Pwede kang maghintay..
Pwede ring hindi..Malay mo, sa pagbalik ko, mahal mo pa rin ako. Baka pwedeng maging okay na tayo ulit.. Baka lang..
Ingat ka lagi Stan,
I love you <3Ana
Napaluha si Stan matapos niyang basahin ang sulat na iniwan ni Ana. Nagpapaalam na ba sa kanya ang babae? Pakikipag-break na ba ang ibig sabihin non?
Kanina niya pa tinatawagan si Ana pero out of coverage area ito, marami na rin siyang text pero walang kahit na isang reply. Hindi rin naka-online si Ana at mukhang ayaw talagang magpa-contact. Iniwan na talaga siya ni Ana, at wala siyang idea kung paano sila magkikita ulit. Wala siyang ibang magagawa kundi ang maghintay sa pagbabalik ng babae.
Pumasok sa kwarto niya sina Clay at Migo at tumabi sa pagkaka-upo niya sa kama.
Inakbayan siya ni Migo,
"Kain na Stan, masarap yung nilutong tulingan ni Myzel.""Diba may outing kayo? Bakit di pa kayo umaalis? Susunod na lang ako." sabi ni Stan sabay punas ng luha.
"Hindi tuloy ang outing Stan, marami pa namang ibang araw." sabi ni Clay dahil hindi naman nila maku-kunsensya na magsaya habang si Stan ay nalulungkot at namu-mroblema.
"Ikaw kase Stan eh!" sabi ni Migo. "Ang pangit na ng trato mo minsan kay Ana, madalas mo siyang awayin at kahit maliit na bagay ay pinapalaki mo. Siyemre maririndi rin 'yung tao."
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...