Chapter 4

304 16 7
                                    


"Wedding?!" gulat na tanong ni Migo kay Fate. "Ikakasal ka na?!".Hindi malaman ni Migo kung bakit bigla siyang naapektuhan sa sinabi ni Fate. 

"Yup! Sana pumunta ka!" nakangiting sabi ni Fate at napansin niyang napaismid ang lalaki. "Sa Sunday na kase ang kasal namin ni Justin Beiber eh!" sabay tawa at iling.

"Luka-loka!" biglang nasabi ni Migo pero gumaan ang pakiramdam niya dahil joke lang pala 'yon! 

"Hm... sure ka bang hindi na effective ang pagiging Queen ko? Gusto ko lang kase talaga sana ng milk tea eh." pa-cute na sabi ni Fate. 

"Edi bumili ka mag-isa mo!" masungit na sabi ni Migo na agad ng tumayo. "May klase pa 'ko,maiwan ka na dito." 

"Okay sige..." mahinang sabi ni Fate at nakita niyang tumalikod na ang lalaki at naglalakad na ito palayo. "Ah... Migo!" pahabol niya at nilingon naman siya nito with question mark look! "Pwede mo ba 'kong samahan sa Sunday? Kase ano eh.. alam kong close mo 'yung may-ari ng Prinsesa Flower Shop, baka maka-discount lang." 

"Tsk!" napangiwi si Migo, "Ang yaman yaman mo ang kuripot mo! Pumunta kang mag-isa don, 'wag mo 'kong idamay!" at muling tumalikod si Migo. 

"Hihintayin kita ng 4pm sa labas ng University sa Sunday Migo, aasahan kita." pahabol ni Fate pero tuluyan ng umalis ang lalaki at hindi na siya pinansin nito. Napangiti nalang siya nung maiwan siya dung mag-isa. 

Sana maging okay din sila ni Migo ulit...

Sana... 

+**+ 

"Bakit hindi maipinta ang mukha mo Chelsea?" tanong ni Melinda sa kaibigan habang nasa may oval sila. 

"Pano! Nakakainis ang HOT Boys! Naglagay lagay sila ng KILL tapos po-protektahan naman pala ni Stan!! Type kaya siya ni Stan?? Tapos 'yung Myzel naman, ang kapal ng mukha para pagsalitaan ng kung anu-ano sina Clay! Mga letcheng babae!! At yung Fate na 'yon! Papansin din eh! Hindi matanggap na ayaw na sa kanya ni Migo!!" galit na sabi ni Chelsea na parang ang tindi ng pinaglalaban! 

"Oh, ano namang nakakagalit don?! HOT Boys naman ang may gusto non!" sabi naman ni Iza. "Tsk! Ang swerte talaga nung Ana! Nasuot na niya ang jacket ni Stan!."

"That Fate, Myzel and Ana! Mananagot talaga sila sa'ken! Maybe mahihirapan ako kay Fate pero..." napangising sabi ni Chelsea, "Yung Ana at Myzel na 'yon.. i know i can do something for them!" 

Ngumisi nalang silang tatlo at nagkakasundo sundo na ang utak nila sa masamang plano nila para kina Ana at Myzel. 

+**+

Medyo malaki ang black shirt na pinahiram ni Stan kay Ana pero okay lang,iba sa pakiramdam niya ang pagsuot ng damit ng isang Hernandez, parang nakaka-proud! Hindi niya nga alam kung paano niya pasasalamatan ang lalaki sa pagiging mabait nito sa kanya. 

Naglalakad na siya papunta sa lab nung may tatlong babaeng humarang sa dadaanan niya kaya napalunok siya bigla.
"Ah..anong kailangan niyo? Ah.. diba sabi ni Stan...ah...ano.. wag niyo daw akong galawin." 

"Ano ka ba, hindi ka naman talaga namin gagalawin." plastic na sabi ni Chelsea. "Actually, we're here to invite you tsaka si Myzel na rin. Hm.. every Friday kase ay may party sa HOT House. Sana pumunta kayo, matutuwa si Stan kapag nakita ka niya don tsaka.. diba he is soooo nice to you? So dapat pumunta ka." 

"Ah.. Friday?" napalunok si Ana, hindi siya pwedeng lumabas at umattend sa party kapag Friday dahil sabay silang nagsisimba ng lola niya at nag-no-novena sila. "Hindi ako pwede ng Friday eh.." 

"Tsk! Ikaw ang bahala.." nakangiwing sabi ni Chelsea, "After ng tulong sa'yo ni Stan...Ano ba naman 'yung pumunta ka diba? Kahit saglit lang.." 

Hindi na nakaimik si Ana dahil hindi niya alam kung ano bang gagawin niya. 
"Ah...anong oras ba 'yung party?" 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon