Chapter 6

280 15 0
                                    


"Oh ano na? Bakit hindi niyo magawa? Kase hindi naman kayo diba?!" nakangising sabi ni Clay. "You can't fool us Stan! Alam naming hindi kayo! Simpleng kiss sa lips nga ay hindi niyo magawa diba??" 

"Excuse me Clay!" inis na sabi ni Stan, "Tingin ko hindi ko naman siya dapat halikan sa harap niyo ni Migo diba? Gusto naming gawin 'yon in a private place kung saan kaming dalawa lang! Hindi namin kailangan ng audience kapag nagkiss kami para lang mapatunayan kung kami nga o hindi!" 

"Kase hindi nga kayo!" sabay ngisi ni Clay. 

"Kami nga sabi!" si Ana na ang sumagot kaya nagulat si Stan. "Ayun ba talaga ang magpapatunay para malaman niyong kami nga? Fine!" sabay tingin kay Stan na napatulala. "Kiss me Stan!" 

Ang mga mata ni Stan ay tumitig ng malalim kay Ana na parang nagtatanong ng----- ARE YOU SURE??----- 

Hinawakan ni Stan ang kamay ni Ana,
"Hindi natin 'yon kailangang gawin Ana, wala tayong dapat patunayan sa kanila." 

--Ow! Bakit ayaw niya 'kong i-kiss?-- 
Nanlaki ang mga mata ni Ana sa naisip niyang 'yon!!! Iniisip niyang gusto niyang mahalikan si Stan???
--Naku po!! Kasalanan 'to Lord! Sorry po!--- 

Napailing nalang sina Clay at Migo,
"Bahala ka nga sa buhay mo Stan! Matanda ka na eh!" sabi ni Clay na agad ng tumayo at binitbit ang bag. "Tara? Umuwi na tayo." 

"Mamaya pa 'ko," sabi ni Migo, "May meeting kami ngayon sa Dance Club at maraming mag a-audition. Overtime na naman ako mga bro!" 

"Dadaan muna kami ng mall ni Ana, ikaw nalang ang magsaing Clay, luto ka na rin ng ulam." sabi ni Stan na nakahawak pa rin sa kamay ni Ana. 

"Tsk! Wala pa nga pala tayong katulong! Akala ko ba may irerekomenda si Doray? Nakalimutan na ata tayo! At Stan! asa ka namang magluluto ako diba?? Kumain na kayo sa labas bago kayo umuwi. Mag nu-noodles nalang ako!" badtrip na sabi ni Clay. 

"Fine!" sabi ni Stan sabay tingin kay Ana. "Tara?" 

"Tara saan?" tanong ni Ana, "Sa bahay niyo??" 

Natawa bigla si Stan,
"Sa mall! sinabi ko diba?" 

"Ah..hehe..okay!" nakangiting sabi ni Ana. 

+**+

Nasa loob pa rin ng cubicle si Myzel at parang nawawalan na siya ng pag-asa! Paano siya makakaalis kung wala siyang suot na damit! 

"TULUNGAN NIYO NAMAN AKO DITO OH!!!!! TULONG!!!!!" malakas niyang sigaw pero ramdam niyang walang ibang tao sa CR, baka nag-uwian na ang mga estudyante. "MANONG GUARD!!!!! ANA!!!!! TULUNGAN NIYO 'KO!!!!!!!" napahinga nalang siya ng malalim. "Ana nasan ka na ba? Ang laki kase ng University na 'to, hindi tuloy kami nagtatagpo ni Ana." 

Maya maya pa ay may naramdaman siyang mahihinang yabag na papasok sa CR.

"TULONG KUNG SINO KA MAN!!" sigaw niya at nakita niyang may isang paper bag na ipinasok mula sa ilalim ng pinto ng cubicle. Nakita niyang kamay ng isang lalaki ang naglagay non. Pagkuha niya ng paper bag ay nakita niyang isang simpleng dress at underwear ang laman non kaya napaluha siya sa saya! 
"Thank you ah! Thank you!" sigaw niya sa labas at nagmadali na siyang magbihis.

Parang sinukat sa kanya ang dress na 'yon dahil kasyang kasya lang. Matapos niyang suotin ay agad na siyang lumabas sa cubicle. Magpapasalamat sana siya sa nagbigay sa kanya ng damit pero nawala na ito, hindi niya na inabot. 
"Kung sino ka man, thank you!" 

Paglabas niya ay naglakad na siya sa hallway at konti nalang ang mga tao, siguro naman ay umuwi na ang mga bwiset na nanggugulo sa kanya! 

Punong puno ang araw niya ng kamalasan at kabwisitan pero at the end of the day, meron pa rin naman palang mabait. Nagulat siya nung may humawak sa balikat niya, isa na naman siguro sa mambu-bully kaya mabilis siyang nagkarate pose!! 
"KIYAAAHHHHH!!!?" sigaw niya pero natigilan siya! Naaalala niya ang lalaking 'yon, ayun yung kapatid ata ni Clay! 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon