CHAPTER 20 (StanAnaChapter)Pumasok sa HOT house sina Ana at Stan at talagang kinakabahan si Ana. Hindi pa sila ni Stan pero... mahal nila ang isa't isa kaya feeling niya awkward pa rin ang paghaharap nila nina Irish.
"Okay ka lang ba?" tanong pa ni Stan at ngumiti nalang siya.
Huminga muna siya ng malalim at pumwesto na sila sa couch na malapit sa hagdan. Katabi nila don sina Migo, Fate at Clay!
"Stan, kanina ka pa hinihitay ni Irish ah. Ayun oh, nakakarami na yata ng naiinom." natatawang sabi ni Migo na agad siniko ni Fate para tumigil sa pagsasalita ang lalaki!
"Wala naman akong pakialam sa babaeng 'yon." sabi pa ni Stan at napalunok nalang si Ana.
"Ang kapal ng mukha diba? Matapos kang gaguhin, babalik bigla!" nakangising sabi ni Clay.
"Teka Stan, yung sa inyo ba ni Ana ay.. for real?" tanong bigla ni Fate.
Binulungan lang siya ni Migo,
"Hindi! Kunwari lang na sila Fate.""Pero bakit?" nagtatakang tanong ni Fate. "Bakit hindi nalang maging kayo talaga?"
"Ayaw pa ni Ana eh," sagot ni Stan.
Lumapit sa kanila ang lalaking may dalang mga beers. Inilagay 'yun sa mga tapat nila at pati si Ana ay binigyan din.
Agad namang kinuha ni Stan ang beer na nasa tapat ni Ana,
"You don't need to drink."Napanganga nalang si Ana nung makita niyang may babaeng lumapit kay Stan,
"Hi Stan! Can we talk?" mahinahong sabi nito. At nahulaan na ni Ana na si Irish 'yon base sa reaksyon ng mga lalaki at ni Stan."If my girlfriend allows me!" seryosong sabi ni Stan sabay akbay kay Ana.
Nakita ni Ana kung paano siya titigan ni Irish mula ulo hanggang paa kahit na nga nakaupo siya. Parang ang mga mata nito ay nagsasabing... "SO? SIYA PALA ANG BAGO MO?!"
"Miss.. ah.. can I talk to Stan?" tanong ni Irish at parang namutla nalang bigla si Ana.
"Okay sige...basta mabilis lang!" nagulat si Ana sa sinabi niyang... MABILIS LANG!! Parang girlfriend lang talaga ang peg na nagde-demand!
"Promise, mabilis lang." sabi pa ni Irish at tumayo na si Stan, tumingin muna ito kay Ana bago tuluyang umalis.
"Babalik agad ako," tango nalang ang isinagot ni Ana kay Stan.
+**+
"Anong sasabihin mo? Sabihin mo na agad okay? In 10 minutes, dapat makabalik na 'ko kay Ana." seryosong sabi ni Stan nung makarating sila sa terrace ni Irish.
"Stan...ah.. ano eh...you know....ah..." hindi malaman ni Irish kung paano siya magsisimula.
"Ano nga?" naiiritang tanong ni Stan. "Tumatakbo ang oras!"
"Stan kase... MAHAL PA RIN KITA!" sabi ni Irish at mabilis na pumatak ang luha nito. "I STILL LOVE YOU STAN! IKAW PA RIN!"
"Yan lang ba ang sasabihin mo?"
"Hindi mo na ba 'ko mahal Stan? Kahit konti ba wala na?" umiiyak na sabi ni Irish at napangisi si Stan.
"Gusto mo talagang marinig ang sagot ko?! Irish, matagal na tayong tapos. Matagal na! Minahal kita, hindi na mabubura ang katotohanang minahal kita! Pero wala na 'yon ngayon. Inubos na ng galit ko ang pagmamahal ko sa'yo."
"Yung girlfriend mo, mahal mo ba talaga siya? Hindi ba siya panakip butas lang?" umiiyak pa ring tanong ni Irish na halatang may tama na ng alak.
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...