"Sagutin mo ang tanong ko Migo, MAHAL MO PA BA 'KO?" seryosong tanong ni Fate.Nagulat siya nung tumawa ng malakas si Migo, a fake and insulting laugh!
"What makes you think na mahal pa rin kita?!" sabay ngisi. "Siyempre hindi na! Oo minahal kita NOON! NOON 'yon! When i was so young and stupid! Tanga pa 'ko non eh! Nung minahal kita! Tanga ko.para isiping may forever! Tanga ko na akala ko kapag mahal ka ay tatanggapin ng buo ang pagkatao mo! Kase akala ko non, kapag nag a-i love you sa isa't isa ay okay na! A fool Migo!" sabay iling."May narealize din naman ako Migo eh, na kapag mahal mo pala, hindi mo kailangang baguhin ang pagkatao niya but instead, kailangan mong tanggapin 'yon. Hindi lang yung mga magagandang characteristics ang yayakapin mo kundi pati na rin 'yung negative side."
"So? I really don't care kung ano man yang na-realize mo! Ako tinatanong mo kung mahal pa rin kita?? Ibabalik ko sa'yo ang tanong Fate! MAHAL MO PA BA KO?"
Natulala bigla si Fate at napalunok. Hindi niya ini-expect na ibabalik ni Migo ang tanong sa kanya.
"Ano Fate? MAHAL MO PA BA 'KO?" tanong ulit ni Migo na mas madiin ang pagkakabigkas sa salitang MAHAL!
"OO!!" medyo malakas na sagot ni Fate. Kung wala ngang malakas na sound system sa bahay na 'yon ay maririnig ng lahat ang OO niya! Thankful siya at maingay ang crowd. Sila lang ni Migo ang nagkakaintindihan. "Alam ng Diyos kung paano ko sinusubukang kalimutan ka! But the more I try to forget you, the more my heart says I LOVE YOU!" at hindi niya napigilang pumatak ang luha niya at agad niyang pinunasan 'yon. "Buti ka pa nga eh, you were stupid when you were young! Ako nga oh, hanggang ngayon... STUPID pa rin ako! Tanga pa rin at umaasang one day ay magiging TAYO ulit! Ako yung mas fool, mas tanga! Ako yung mukhang desperada na panay ang lapit sa'yo! Na makita lang kita, okay na 'ko! What a pathetic me!"
Natulala lang si Migo at napalunok. Nakita ni Fate na nagblush ang pisngi nito pero baka dahil lang sa iniinom nitong alak. Hindi agad nakapagsalita si Migo, nakatitig lang ito kay Fate na nagpupunas ng luha.
"But it doesn't make sense! Hindi mo naman ako mahal eh, ako lang naman ang nagmamahal sa'yo Migo Olivarez!" sabi pa ni Fate.
"Fate..."mahinang sabi ni Migo, "Ah---------" napahinto ito sa sasabihin nung lumapit ang tatlong lalaki kay Fate. Tatlong gwapong lalaki, sina One, Jerold at Blue.
"Hi! Pwede bang makasayaw ang napakagandang prinsesang si Ms. Fate Rosales?" nakangiting tanong ni Blue.
Ngumiti si Fate kay Blue at mabilis na inayos ang sarili para hindi mahalatang umiyak siya,
"Sure!" at agad ng tumayo.Napailing nalang si Migo at bigla siyang nabadtrip! May sasabihin pa sana siya eh!
"Kinakausap ko pa si Fate!" inis niyang sabi kay Blue.Natigilan naman si Blue pero si Fate ang nagsalita.
"Wala na tayong dapat pag-usapan Migo," seryosong sabi nito, "Nasabi na natin ang dapat nating sabihin. Magsisimula na 'kong magmove on!" at agad ng umalis kasama nina Blue.Naiwang nakanganga si Migo.
MAHAL PA SIYA NI FATE??
Mga ilang minuto rin siyang tulala don at hindi maka get over sa nalaman niya. Mahal pa pala siya ni Fate! Hinanap ng mga mata niya ang babae sa dance floor at nakita niyang kasayaw pa rin ito ni Blue!
"'Wag kang tutulog-tulog dyan! Baka one day magising ka nalang, hindi na pwedeng maging kayo dahil meron na siya!" nagulat siya nung marinig niya ang boses ni Clay na katabi na pala niya.
+**+
Si Ana naman ay naka white gown na, hinalungkat niya pa 'yon sa pinaka ilalim ng malaking aparador ng lola niya. Ayun yung gown niya nung nag-abay siya last year. Mukhang nasa trend pa naman ito at mukhang bago pa.
Nakasakay siya sa taxi at papunta na siya sa address na binigay ni Chelsea. Mag aalas diyes na ng gabi at hanggang 12 lang siya. Hindi kase siya nagpaalam sa lola niya dahil alam niyang hindi naman siya papayagan nito. Kaya dapat ay makauwi din siya agad.
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...