Chapter 33

265 12 2
                                    


Pag-open ni Ana sa facebook ay nagulat siya dahil isinali siya sa isang group chat at HOT Girls ang pangalan nung group! 

3 members lang, sila nina Fate at Myzel. 

Ana: Sinong gumawa nitong gc? 

Fate: Me ;-) 

Myzel: Teka, bakit ako nasali dito? Kayo lang naman dapat ni Ana ah? 

Fate: Ikaw ang kay Clay!

Myzel: Oy hindi ah!! 

Ana: ;-) Mag-aminan na kayo Myzel. 

Myzel: Wala talaga! 

Fate: Clay likes you! Like mo din naman siya diba? Please Myzel, wag mo ng pahirapan ni Clay, hirap na hirap nga 'yun umamin eh, buti nga umamin sa'yo. Bihira lang magkaganon yung taong 'yon! Biruin mo, inaya ka ng date! God Myz, hindi ganun si Clay! Kaya bongga ka! Tinamaan talaga siya sa'yo. 

Ana: Gusto mo din naman si Clay diba Myz? 

Myzel: Hindi! Ayoko! 

Fate: Yung totoo?? Kahit magkapigsa ka sa ilong?! 

Myzel: Okay fine! Like ko siya! Sino bang hindi magkakagusto don sa kumag na 'yon! Kaya lang...ayoko talaga...

Fate: Anong pwede niyang gawin para mapasagot ka niya? 

Myzel: Kapag pumuti na ang uwak! 

Ana: Pahirapan talaga Myz? ;-) 

+**+

Lumabas si Myzel sa kwarto para uminom ng tubig. Nag-log-out na siya at iniwan niya na 'yung dalawang babaeng nangungulit sa kanya sa chat, sina Ana at Fate! 

"Why are you still awake?" nagulat si Myzel sa boses na 'yon at muntik na niyang maibuga ang iniinom niyang tubig. 

"Nauhaw ako eh!" mataray niyang tanong kay Clay. "E ikaw? Bakit gising ka pa?" 

"Iniisip kita eh!" diretsong sagot ni Clay at muntik na namang maibuga ni Myzel ang iniinom niya. 

"Ah okay!" kunwaring balewalang sabi ni Myzel. "O pano, tulog na 'ko! Goodnight!" nakangiti niya pang sabi at agad niya ng iniwan si Clay pero bago pa man siya makalayo ay hinawakan nito ang braso niya. 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon