"Sure ka? Nagpunta si Migo?" hindi makapaniwalang tanong ni Fate."Opo mam Fate, kaso umalis din agad." sabi pa ni Nimfa kaya nakaramdaman ng saya si Fate, kahit naman pala papaano ay naalala siya ni Migo, pero kung bakit ito umalis agad ay hindi niya alam. But the fact na pumunta pala ito ay sapat na!
+**+
Magaan na ang pakiramdam ni Fate nung umagang 'yon sa HOT U! Nung nalaman niya kaseng pumunta si Migo ay biglang umokey ang pakiramdam niya. Iba talaga ang magic ng love!
Pumunta agad siya sa HOT Boys Headquarters para magkunwareng nagugutom siya at magpapabili siya ng pagkain kay Migo! Hindi na siya kumatok dahil medyo nakabukas na naman 'yung pinto. Pumasok nalang siya kaagad dahil alam naman niyang bilang QUEEN ay welcome siya don anytime!
Pagpasok niya ay natigilan siya bigla, nanlambot ang dalawa niyang tuhod at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman! Nasa couch si Migo at... nakikipaghalikan ito kay Alice!!! As in halikan talaga! Nakakandong pa si Alice kay Migo. Bigla nalang pumatak ang luha niya at nagulat din siya nung biglang humarap sa kanya si Alice.
"Fate?!" gulat na tanong ni Alice. "Ah...ano...ah...kase.."
Tahimik na tumayo nalang si Migo at kumuha ng tubig sa maliit na ref. Si Alice naman ay pinamulahan ng mukha dahil nakita ni Fate ang ginagawa nila ni Migo.
"Seems like you both are having a good times. Okay 'yan." nakangiting sabi ni Fate at agad umalis sa headquarters na may mabigat na nararamdaman! Yung bestfriend mo, nakikipaghalikan sa lalaking mahal mo! Oo nga, wala na naman sila ni Migo, pero alam naman ni Alice na may nararamdaman pa rin siya para sa lalaki! At si Migo naman, ang daming babaeng pwede niyang landiin! Bakit bestfriend pa ni Fate!!
Umiiyak pa din si Fate habang naglalakad sa hallway papunta sa restroom.
+**+
"Umiyak si Fate.." malungkot na sabi ni Alice kay Migo. "Hindi mo ko dapat hinalikan eh, hindi rin dapat kita hinalikan."
"Pero tapos na! We kissed!" sabi ni Migo na nag-aayos ng gamit niya sa bag. "Sinisisi mo ba 'ko? Ikaw naman 'yung nagpunta dito diba?" mayabang na sabi ni Migo.
"Nagpunta lang ako para magtanong sa'yo tungkol sa nararamdaman mo para kay Fate! Mahal mo pa ba siya?"
"Hindi! Hindi ko na siya mahal! Sige na umalis ka na! Marami pa 'kong gagawin!" inis na sabi ni Migo.
"E ako, bakit mo 'ko hinalikan? Bakit mo 'ko inayang lumabas? Anong intensyon mo?" napipikong tanong ni Alice.
"For FUN!" nakangising sabi ni Migo. "Bakit? Ano bang ine-expect mo?"
Napanganga nalang si Alice at hindi makapaniwalang nangyayari ang mga bagay na 'to! Masisira ang pagkakaibigan nila ni Fate para lang sa wala! Akala pa naman niya ay nagugustuhan siya ni Migo!
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...