2 pm na at naglilinis na si Myzel sa buong kabahayan. Sabi ni Dorothy, baka daw mga 5pm ay umuwi na ang mga amo niya dahil nga It's Friday!! And it's Party Night! Lahat ng basura ay inilabas niya sa may gate at matiyaga niyang nilinis ang bahay.
Habang naglilinis ay naalala niya si Clay at ang pink rose na binigay nito! Bigla siyang napangiti at kinilig.
"Ano ka ba Myzel!? Para kang SHIRAAAAA!" pabebe niyang sabi sabay tawa. Okay lang magmukhang baliw, siya lang naman ang tao don! "Wag ka ng kiligin don! Bad 'yon!"Maya maya pa ay tumunog ang phone niya at nakita niyang anonymous number 'yon kaya sinagot nalang niya.
Clay: Si Clay 'to! Nasan ka?!
Bigla nalang napanganga si Myzel nung marinig niya ang boses ni Clay! Bigla na naman ay parang nanginig ang tuhod niya!
Myzel: Busy ako! Nasa work ako ngayon! Bakit ka ba tumawag?? At saka pano mo nakuha ang number ko??
Clay: Kinuha ko kay Stan na kinuha naman kay Ana! Nasan ka nga? Tsaka work? At ano namang work mo?
Myzel: Sa office! Ah.. ano! Taga encode lang! Bakit ka ba nagtatanong?? E yung tanong ko, bakit ka napatawag??
Clay: Remind ko lang sa'yo yung party mamaya! Isesend ko sa'yo ang address at kapag hindi ka pumunta, alam mo na!! Teka... sang office ka naman nagta-trabaho?!
Myzel: Dito lang sa Makati! Sa isang sikat na telecom company!! Sige na, baka biglang dumating ang boss ko!
Agad nalang niyang ibinababa ang tawag at natawa nalang siya! Office talaga?? Ibinaba nalang din niya bago mahalata ni Clay na kinikilig siya!
Mabilis na lang niyang nilinis ang buong kabahayan at baka sakaling makahabol pa siya sa party na sinasabi ni Clay!
After niyang matapos ay napahawak nalang siya sa noo at napangiti.
"Sa wakas! Natapos din!"Pagtingin niya sa wall clock ay saktong 5pm na! Anytime ay parating na ang mga amo niya at excited na siyang ma-meet ang mga ito! Pero biglang nanlaki ang mga mata niya nung maalala niya na hindi niya pa pala nalilinis ang isa pang kwarto!!
"Ay ano ba 'yan!!!" inis niyang sabi at agad na siyang tumakbo sa kwarto para maglinis!Minadali na niya ang paglilinis sa kwartong 'yon at napahinga siya ng malalim,
"CR na lang!"Mga ilang minuto rin siya sa CR at pawis na pawis siya nung matapos niya 'yon. Paglabas niya ng cr ay may nakita siyang hindi niya inaasahan!!!
Nanlaki ang mga mata niya at hindi na siya makakilos!!
Kitang kita niya ang isang hubad na lalaki na nagbibihis at walang kamalay malay sa presensya niya!! At ang lalaking 'yon ay si Clay!!!
Nung magkatinginan sila ay pareho silang napasigaw!!
"WWWAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!" malakas nilang sigaw at biglang nagtakip ng mata si Myzel gamit ang dalawang palad niya! At si Clay naman ay biglang nagtapis ng tuwalya!
"ANG KAPAL NG MUKHA MO CLAY!! ANG BASTOS MO!!! BAKIT KA NANDITO!!! MAGBIHIS KA NGA!!!" malakas na sigaw ni Myzel habang nakatakip ang mga mata.
"Malamang nandito 'ko!! E kwarto ko 'to eh!!!" inis na sabi ni Clay. "Ikaw ang dapat kong tanungin kung bakit ka nandito?! Sabi na nga ba eh! Simula pa lang, may pagnanasa ka na sa'ken! At talagang pumasok ka pa sa kwarto ko para makapangboso!! All this time nagpapanggap ka lang na ayaw mo sa'ken pero ang totoo!! Pinagpapantasyahan mo ang katawan ko! My God Myzel!"
Nagulat naman si Myzel sa narinig niya,
"Bahay mo 'to?!""OO! Bahay namin 'to nina Stan at Migo at ito ang tinatawag na HOT House! Kunwari ka pang ayaw mong pumunta dito, e nauna ka pa nga sa'min! Excited?!" sabay ngisi at napanganga nalang si Myzel. Tinitigan pa siya ni Clay mula ulo hanggang paa! "Tsk! Ganyan ka ba talaga kapag aattend ng party?! Dapat talaga madumi ka?! Mukha ka ng dugyot sa itsura mong 'yan!"natatawang sabi ni Clay at muli niyang tinitigan si Myzel na may dumi pa sa mukha. "Teka lang... nakita mo ba 'yung katulong dito?"

BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...