Chapter 47

239 9 0
                                    


Tatlong buwan na ang nakalipas at ilang araw nalang ay ikakasal na sina Stan at Ana. Sa isang private beach resort sa Batangas gaganapin ang wedding kaya naman ngayon pa lang ay byaheng Batangas na sila.

"Kelan daw sila susunod sa resort?" tanong ni Ana kay Stan habang nasa kotse na sila at on the way na sa Batangas.

"Mamaya, susunod na sila. Dadaan lang daw muna sa mall sina Fate at Migo then sina Clay at Myzel, maya-maya daw, aalis na rin sila." sagot ng nakangiting si Stan. "Excited ka na ba para sa wedding? 2 days nalang, magiging Hernandez ka na." 

"Sobrang excited na talaga ko Stan! Teka, diba malapit ng lumipat sina Fate dun sa bahay nila?" 

"Oo, at yung katabing bahay don ay binili ko na, dun tayo titira." nakangiting balita ni Stan at napangiti na din si Ana. Totoo na nga, malapit na silang ikasal ng protector niya. 

Pagdating nila sa Casa Lupe Resort ay agad na silang sinalubong ng mga tauhan don at inihatid pa sila sa magiging villa nila. Magkatabi lang 'yung kwarto nila na sakto lang ang laki. 

"Don't lock the door Ana! I'll come!" natatawang biro pa ni Stan na nakatayo sa tapat ng pintuan ng kwarto nito.

"Stan! Konting tiis na lang! Matitikman mo na ulit! 'Wag kang masyadong atat!" natatawang sabi nalang ni Ana. "Sige na, magbibihis na muna 'ko sa loob. Gusto kong mag-swimming!" 

"Talaga?" nakangiting tanong ni Stan. 

"Oo!" 

"Bawal ang hindi naka-swim wear!" sabi pa ni Stan.

"Okay lang, edi.. Mag-s-swim suit ako! May baon naman ako dito." nakangiting sabi ni Ana at biglang napakunot naman ang noo ni Stan. 

"Pwede bang patingin muna ng swim suit mo? Baka lang kase masyadong revealing." seryosong tanong ni Stan at lumapit siya kay Ana. "Patingin!" 

"Stan??" natatawang tanong ni Ana. "Mamaya makikita mo din naman kapag suot ko na." 

"No! I want to see it now!" ma-otorisadong sabi ni Stan at agad na itong pumasok sa loob ng kwarto ni Ana without asking permission.

"Hoy Stan! Tresspasing ka!" natatawa lang na sabi ni Ana. 

"Nasan 'yung swim suit mo?" 

Napailing nalang si Ana at agad binuksan ang lougage na dala niya. Kinuha niya mula don ang kulay pulang two piece. 

"Eto oh!" at agad niyang itinaas 'yon para makita ni Stan.

Napangiwi ang lalaki,
"Too vulgar! Ayoko niyan!"

"Stan?? E pano 'to? Sayang naman to kung hindi ko masusuot diba? Ang ganda pa naman oh! Ang mahal kaya ng bili ko dito!" angal ni Ana habang hawak pa rin niya ang swim suit. 

"Sabi ko, ayoko niyan!" diin pa rin ni Stan. 

"Hay nako Stan! Bumabalik ka na naman sa pagiging praning mo ah!" 

Natahimik lang si Stan at napahawak sa noo. 

"Fine! Suotin mo 'yan kung gusto mo." 

Napangiti nalang si Ana at agad siyang lumapit kay Stan,
"Sasamahan mo naman akong mag-swimming diba?" 

"Oo naman! Hahayaan ba naman kitang mag-isa don? Baka mamaya, may kumapit pa sa'yong linta, baka mapatay ko lang!" 

At natawa at napailing nalang si Ana. 

+**+

"Wow ang ganda dito Mine!!" tuwang tuwang sabi ni Myzel nung makarating na sila sa resort. "Asul na asul yung dagat tapos sobrang kintab pa! Tapos tong buhangin parang kumikinang. Teka, nasan na kaya sina Ana?" 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon