"Ikaw?!" kunot noong tanong ni Clay nung magkaharap sila ni Myzel sa auditorium bandang 4pm. "Ikaw si Maria Clara?? Bakit ikaw?? Ilan ba kayong nag audition? Dalawa?? o ikaw lang?!" sarkastikong sabi ni Clay kaya napabuntong hininga nalang si Myzel."I was chosen by the jurors dahil nagalingan sila sa'ken!" pagdidiin ni Myzel, "Ikaw, you are chosen dahil lang sa maimpluwensya ka! Kung hindi ka Trinidad, sure akong hindi ka papasa sa kahit na anong role!"
"Wow! So you are under-estamating my capabality?! How dare you!" inis na sabi ni Clay. "Hindi ako papayag na ikaw ang maging Maria Clara ko! And since idinidiin mong ma-impluwensya ako, gagawin ko ang lahat, maalis lang sa'yo ang role!" biglang kinabahan si Myzel sa sinabi ni Clay. Alam niyang kayang gawin ni Clay ang alisin sa kanya ang role niya at ayaw niyang mangyari 'yon. "Gusto mo ba 'kong subukan?!"
Napahinga nalang ng malalim si Myzel,
"Hindi! Ayokong subukan ka dahil subok ka na! Subok na 'yang kasamaan mo kaya hindi na muna kita papatulan sa ngayon." mahinang sabi ni Myzel."Tsk! Ang tigas mo pa rin no?" nakangising sabi ni Clay. "Tingnan natin kung gaano ka katigas! Aalisin kita sa pagiging Maria Clara mo!"
"Hoy! Tumigil ka nga dyan! Inaano ba kita?" parang batang angal ni Myzel sa pagbabanta ni Clay. "Oo na sige na! Napili ka dahil magaling ka at hindi dahil sa impluwensya mo! Okay na ba 'yon?"
"Ano 'ko uto-uto?!" inis na tanong ni Clay.
"Oh e anong gusto mong gawin ko?!" nayayamot na tanong ni Myzel sabay kamot sa ulo.
"Kneel on my knees, right now! at sabihin mong.. I'M SORRY FOR EVERYTHING CLAY TRINIDAD! I'M JUST A SLAVE AND YOU'RE A KING! SORRY BECAUDE I WAS BORN STUPID! Yon, sabihin mo 'yon!" command ni Clay at napalunok si Myzel. Napaka siraulo talaga ni Clay!
"Kailangan talaga lumuhod ako?" napangiwing tanong ni Myzel.
"Yeah!"
Napahawak sa noo si Myzel, babawi nalang siya after ng play. Saka nalang niya papatulan si Clay kapag tapos na. Kahit gigil na gigil siya ay kailangan niyang sundin si King Clay!! Muntik pang maging King Kong!
"Dito ba talaga dapat?" sabay linga niya sa paligid.
May mga estudyante din sa loob ng auditorium at may mga Prof din.
"Yeah!!"
Unti-unting lumuluhod si Myzel sa harapan ni Clay. Mahirap man itong gawin ay kailangan niyang magtiis alang-alang sa role na Maria Clara! Kailangan niya ng mataas na grade sa Literature.
"WAG!" nagulat si Myzel nung may humawak sa braso niya at pinigilan siya sa pagluhod. Nakita niya ang maamong mukha ni Chad. "Hindi mo 'to kailangang gawin."
"Pero Chad....ano eh... para 'to sa role ko..." nanginginig na sabi niya kay Chad dahil bigla siyang nakaramdam ng awa para sa sarili niya.
Sabay na tumingin sina Chad at Myzel kay Clay..
"Clay, kelan ka ba magtitino?" tanong ni Chad, "Kelan ka ba magiging considerate? Try mong gawan ng masama ngayon si Myzel, gagawa ako ng paraan para mawala ang lahat ng pera sa account mo!"
"At bakit mo 'to ginagawa Chad?!" kunot noong tanong ni Clay. "Bakit lagi kang nagpapakabayani?! Gusto mo bang magpagawa ako ng monumento mo dito sa HOT U?"
Sasagot pa sana si Chad nung biglang napaupo si Myzel at namilipit sa sakit ng tiyan,
"Aray!!! aray ko!!! Ang sakit ng tiyan ko!!!" mahinang sabi ni Myzel pero namumutla na ito."Ano pang ginagawa mo Clay?! Buhatin mo siya at dalhin mo siya sa clinic!" utos ni Chad.
"Why me?! Ikaw nalang!" angal ni Clay pero naalala niyang kakaopera lang pala kay Chad last month at hindi ito pwedeng magbuhat. "Hoy babae! Tumayo ka dyan at dadalhin kita sa clinic!" inis na sabi ni Clay.
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...