Chapter 42
Malice Exposed
ZIE
Sa halos anim na taon kong pamamalagi sa impyernong lugar na ito, wala nang nangyaring maganda pa sa buhay ko. Talagang kinarir ng sugo ng diablo kong Tiyahin ang pang-aalipin sa akin. Halos hindi na ako makatulog sa sobrang dami niyang pinag-uutos. Wala naman akong magawa dahil kailangan ko ng tapusin ang aking huling quarter sa elementary. Grade 6 na ako at graduating na.
"Hoy! Bumangon ka na dyan at pagsilbihan mo kami sa baba! Ang aga-aga na! Mas nauna pa akong magising hayop ka!" rinig kong talak sa akin ng demonyita kong Tiyahin habang malakas na tinatadyakan ang kanang binti.
Napaimpit ako ng hiyaw dahil napakagat na lamang ako ng aking pang-ibabang labi dahil sa sakit. Iyong parteng malakas niyang tinatadyakan ay 'yung parteng may haplit sa akin ng sanga ng bayabas. Iika-ika akong tumayo at dali-daling inayos ang aking hinigaang karton at inilagay malapit sa CR. Anim na taon na akong nagtitiis na matulog sa karton na talaga sa tabi ng kubeta.
Imbes na magreklamo ako ay napabuntong hininga na lamang ako at wala nang nagawa kundi ang kumilos. Agad kong pinagtimpalahan ng kape ang mga batugan, mula sa aking Tiyahin at sa asawa nito na iba kung makatingin sa akin na para bang may something. Habang ang panganay nitong lalaki at ang asawa nanaman nitong buntis na nanaman na talagang naging hobby ito dahil wala pa ngang isang taon ang anak may kasunod nanaman. Pati na rin ang dalawa pang anak na may sa demonyo rin.
Gustong-gusto kong ibuhos sa pagmumukha nilang lahat ang mainit na tubig mula sa heater nang makaganti man lang ako sa anim na taon nilang pang-aalipin sa akin. Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo kapag nagawa ko iyon. Nang inalalagyan ko na ng tubig ang kanilang mga pipitsuging tasa, agad akong napabalikwas dahil naramdaman ko ang kamay ng aking bigotilyong tiyuhin na himipo sa aking pang-upo at bahagyang pinisil ito.
"S-sorry!" gulat kong saad dahil napahiyaw ng malakas ang asawa ng anak nilang pangayan na lalaki dahil bahagya itong nadaplisan ng mainit na tubig na tumalsik mula sa nguso ng heater.
Agad akong sinamaan ng tingin ng lalaki akmang papatulan sana ako nito ng umentrada nanaman ang halimaw kong tiyahin. Mabilis itong tumayo at agad na piningot ang aking patilyo. Napahiyaw naman ako dahil pakiramdam ko matatanggal na ang buong patilyo. Dapat pala nung nakaraan na pa ako nagpagupit ng walang mapingot sa akin itong demonyong 'to.
"Tatanga-tanga ka kasi! Ano na lang ang gagawin mo kapag may nangyaring masama sa apo ko! Mababayaran mo ba ng sorry 'yun?!" nanggagalaiti niyang sigaw sa akin habang malakas na pinikiot-pikot ang patilyo ko.
Napatawa naman ako sa aking isipan. Ang bobobo talaga ng mga tao sa bahay na'to, liban sa akin. Parang nadaplisan lang ng mainit na tubig ng kaunti 'yung babae may mangyayari kaagad sa anak nitong nasa tiyan pa? Hindi ko alam kung saan lupalop ng Pilipinas niya nakuha ang impormasyon na 'yan. Nasobrahan na sa kabobohan itong tiyahin ko. Kailangan ata nitong bumalik sa pagiging grade 1.
Habang pinipingot niya ang patilyo ko ay agad kong tinitigan ang bigotilyo kong tiyahin na pumisil ng aking puwet. Bahagyang nakangisi ito ngunit hindi nila mahahalata dahil nagpapanggap itong walang alam sa nangyari. Hindi niya ako mauuto ng ganyan dahil ganyan ang ugali ko. Malakas ang pakiramdam ko na sinadya niya talaga iyon. May hindi rin akong magandang pakiramdam sa mga susunod niyang gagawin.
Hindi ako ipinanganak kahapon. Dalawa lamang ang dahilan ng batugang 'yan. Una, wala lang siyang magawa at pinagtitripan niya ako sa harap ng aking tiyahin upang mapagalitan nanaman. Pangalawa, kursunada niya ako at mukhang may hindi ata naibibigay na kakaibang ligaya ang tiyahin kong sugo ng diablo kaya naghahanap ng kapalit.
