Chapter 49
Truth Seeker
ZIE
"This is our Royal Palace named Shendelzare Mansion. It was built a thousands of years ago by our descendants. This is where our Great-grandfather Aldan Lassic Louisenbarnn and our Great-grandmother Siluca Cornello-Louisenbarnn lived. This is where our Lola Maeiv Louisenbarnn-Shendelzare and our Lolo Alastor Cornello Louisenbarnn was born." malumanay ngunit walang emosyong pagpapaliwanag sa akin ni Shun habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng Palasyo.
So basically, this is the ancestral house of the Royal Family. Talagang masasabi kong luma na ang Palasyong ito ngunit mapapansin na maganda ang pangangalaga nila dito. Sa mga pasilyong dinadaan namin may mga lumang paintings ng mga naging Hari ng bansang Silkwood noong hindi pa ito nagkakawatak-watak. Sa bawat painting ay may mga description kung anong taon sila namuno.
Mayroon 113 na naging Hari ang bansang Silkwood. I remember this because it was tackled in our History class and the last King of Silkwood is our Great-grandfather Aldan. Namuno ang aming lolo sa tuhod halos mag-iisang daang taon na ang lumipas. The 70th year aniversarry ng kanyang crowning ay ngayong taon.
Habang pinagmamasdan ko ang larawan ng lolo ko sa tuhod na si Aldan, mapapansin ang pagiging hawig nila ng aking lolo na si Alastor. They shared the same prominent bluish-white colored eyes with authority. The shape of their faces is also the same. Ganito ang kasalukuyang istura ng aking lolo.
Ilang sandali pa nakarating kami ni Shun sa isang magarang pinto na may kakaibang ukit ng mga old and classical french and italian symbols. Maya-maya pa ay inilabas niya ang isang susi at binuksan ang malaking pinto na maganda ang pagkakabarnis at mukhang gawa sa isang matibay na kahoy.
"Pumasok ka, dito ko ipapaliwanag ang lahat-lahat. Huwag ka sanang antukin. Malalaman mo na ang tunay na nangyari." walang ganang wika sa akin ni Shun habang nakasunod akong sa kanyang pumasok sa kwartong iyon.
Agad na bumukas ag ilaw ng malalaking chandelier na gawa sa mamahaling mga kristal. Mabilis na dumaan sa aking ilong ang amoy ng mga lumang libro. Nanlaki na lamang ang mga mata ko sa pagkamangha sa nakita. Nagtataasan ang mga book shelves na maraming lamang mga libro. Mayroon din malalaking bintana sa labas kung saan pumapasok ang mataas na sinag ng pang-umagang araw. Nakahawi kasi ang makakapal nitong kurtina.
"Huwag kang mag-alala mahilig ako sa history, hinding-hindi ako aantukin dyan."
"Maupo ka,"
Tumango ako at dali-daling umpo sa isang may kahabaang sofa na may red-layered foam with golden linings. I will take this golden opportunity para makahuthot ng mga impormasyon. Malakas ang pakiramdam ko na nagsasabi sila ng totoo ngunit hindi ko pa rin inaalis ang pagiging skeptical ko sa mga nangyayari. I felt that this was all planned.
Mula doon sa the way nila akong tratuhin at sa pagbibigay sa akin ng mga impormasyon.
Pinagmasdan ko ang isang makalumang libro na halos hindi ko na mabasa ang pamagat dahil nangingitim na ang balat nito. Bahagyang may kakapalan ito at naninilaw na rin ang puting bahagi ng mga pahina. Kakaibang lumang amoy na rin ang nilalabas nito at medyo maalikabok na aakalin mong galing sa isang lumang baul.
Ilang sandali pa ay umupo na rin sa katapat na upuan si Shun. Tahimik siyang pinagmamasdan ako na para bang sinusuri ang ikinikilos ko. Huminga na lamang ako ng malalim at pekeng ngumiti sa kanyang harap. There is a certain feeling that I'm eager to know the realest truth. The history books in New Silkwood that failed me to get the real information.
