Chapter 48: Cage of Bones

523 24 3
                                        

Chapter 48

Cage of Bones


ZIE


Ang napakaliwanag na sikat ng araw ang agad na bumungad sa aking mata ng magising ako. Ang malambot na unan sa aking ulo at ang malambot na kama na komportableng-komportable ang aking buong katawan. Ang mataas na sinag ng araw na pumapasok mula sa napakalaking bintana sa aking harapan.

"Nasaan ako?" nagtataka kong tanong sa aking sarili at dali-daling tumayo upang bumangon mula sa kama.

Bahagya naman akong nahilo at kamuntikan pang matumba dahil sa aking biglaang pagtayo. Mabuti na lamang at agad akong nakahawak sa kanto ng nightstand na nasa gilid ng kama. Nang mahimasmasan ako ay pinagmasdan ko ang aking sarili mula sa isang malaking salamin sa hindi kalayuan.

Nakasuot na lamang ako ng isang manipis na puting roba na ang tela ay parang silk. Pakiramdam ko ay wala akong ibang suot liban lamang sa isang puting boxer briefs ko. Dahan-dahan akong umupo sa kama at nag-isip kung nasaan ako ngayon. Ang tanging naaalala ko lamang ay unti-unting kinain ng itim na rift o portal ang aking katawan.

Napahawak ako sa aking baba at dali-daling tumayo upang tignan ang tanawin sa labas ng bintana. Iisang lugar lamang ang nasa isip ko ngayon at malakas ang pakiramdam ko na wala ako sa aming bayan, ang bansang New Silkwood. Ang malaking hardin na punong-puno ng pulang mga rosas at iba't-ibang uri ng bulaklak sa aking harap ang sumalubong sa akin kung saan may nakita akong mga batang naglalaro.

Ngunit mapapansin ang kakaibang kasuotan ng mga bata. Para bang napaka-oldish ng style ng pananamit nila. Ang mga batang babae ay nakasuot ng baloon dress habang ang mga lalaki naman ay nakasuot ng magarang damit.

"Walang duda, mukhang nasa bansa ako ng Old Silkwood." mahinang wika ko sa aking sarili.

Habang pinagmamasdan at inoobserbahan ko ang buong palagid ng makarinig ako ng marahan na katok mula sa kahoy na pinto ng kwarto.

"Anong kailangan mo? Buksan mo ang pinto at pumasok ka." mahinahon ngunit may tono ng otoridad na sagot ko habang nanatiling tinatanaw ang paligid.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang marahan na pagbukas ng pinto na gawa sa kahoy. Nang lumingon ako ay iniluwa nito ang isang may edad na babae na nakasuot ng isang uniporme na ng isang alipin na akala mo galing ilang centuries ago. Bahagya nitong iniyuko ang kanyang ulo bago magsalita.

"Mahal na Prinsipe Zie, ipinapatawag po kayo ng ating Mahal na Prinsipe Shureii sa hapag-kainan upang sabay kayong makapag-almusal. Kabilin-bilinan niya po na isuot niyo ang damit na nakalagay sa inyong kabinet. Inaasahan ka po niya na bababa sa loob ng trenta minutos." magalang pagpapaliwanag niya.

Napatabingi ang aking ulo sa kanyang sinabi. Ako Mahal na Prinsipe? Hindi ko maiwasan na matawa dahil nakalimutan kong isa nga rin pala akong Prinsipe dahil ang aking lolo sa tuhod na si Aldan Lassic Louisenbarnn ay ang pinakahuling namunong hari ng Silkwood bago ito magkawatak-watak.

Tumango na lamang ako at ikinumpas na lumabas na siya ng kwarto. Nakakatawa at nakapa-feeling ko talaga. Ang kapal ng mukha ko na maging mataas sa kaninang matanda. Galing lang din naman ako sa isang burak. At kung tutuusin ay iyon naman talaga ang social-economic status ko.

Sino kaya itong Prinsipe Shureii na ito? Marami akong itatanong sa kanya kaya kailangan ko siyang makita ngayon. Inikot ko na lamang ang kwarto upang sundin ang iniutos sa akin. Muli kong pinagmasdan ang buong kwarto. Kakaiba ito ng disensyo na para bang may pagka-classical. Matataas ang pillar at column nito habang may engrandeng gintong chandelier din sa pinakagitna. Ang kamang hinigaan ko kanina ay parang gawa sa puno ng narra. May magandang wallpaper din ang kwarto na may mga design ng mga old french symbols.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon