Chapter 43: Breaking Out

419 16 1
                                    

Chapter 43

Breaking Out


ZIE


Dahan-dahan akong napamulat dahil bahagyang sumasakit at kumikirot ang kaliwang bahagi ng mukha. Pagdilat ko ay agad akong nangamba dahil isang mata ko lamang ang nakakakita. Napalunok ako ng mariin at pinakiramdaman ang sarili ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Agad akong napaupo ng maayos mula sa aking pagkakahiga. Puti pintura ng buong paligid. Suot ko naman ang isang hospital gown at may nakasaksak na dextrose sa aking kaliwang kamay. Napatakip na lamang ako ng aking bibig ng maalala ko ang nangyari kagabi. Kaya naman wala sa sarili kong hinawakan ang aking kaliwang mukha.

"B-bakit kailangan mangyari nito?" nanginginig na saad ko sa aking sarili dahil sa aking nakapa.

Nakabalot ng benda ang kaliwang bahagi ng mata ko. Hindi maaaring mangyari 'to! Bakit kailangan kong mabulag?! Anong kasalanan ko sa mundong ito at pinarurusahan ako ng ganito? Ito na ba ang karma ko sa lahat ng pangungupit ko sa tindahan ng hayop kong tiyahin na bumulag sa akin ngayon? Marami pa akong pangarap sa buhay! Paano ko na lamang matutupad ang mga pangarap na 'yun kung bulag na ang isang mata ko?!

Napakagat na lamang ako ng aking pang-ibabang labi dahil dahan-dahan na bumabagsak sa kanan kong mata ang mainit na likido na parang binuksan na gripo. Hindi ko matanggap itong tadhana ko, bakit kailangan iparanas sa akin lahat ng hirap na 'to? Unang-una, maagang nawala ang mga magulang ko. Pangalawa, ginawa na akong alila ng hayop na 'yun at panghuli itong pagkakabulag ng mata ko?

Ang sakit-sakit lang sa dibdib, pakiramdam ko hindi na ako makakahinga pa ng maayos dahil naninikip ito. Sa dinadami-rami ng taong may malalalang kasalanan sa mundo ako ang nakakaranas lahat ng hirap na ito? Naging masama ba akong tao? Naging masama ba akong anak sa mga magulang ko? Hindi ka makuha ang punto! Ang sarap isumpa ng mundong ibabaw na 'to!

Hindi pa ako nakakarecover sa aking nadatnan ay may dumating na doktor at nurse upang tignan ang kalagayan ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, matapos nilang suriin ang aking kondisyon ay agad ko silang tinanong.

"B-bulag na po ba ang kaliwang mata ko?" nanginginig na saad ko sa kanila na mukhang ikinagulat ng doktor dahil hindi niya inaasahan ang tanong ko.

"Tatapatin na kita Hijo tungkol sa kalagayan mo ngayon. Hanggang ngayon wala ka pa rin na kamag-anak na pumupunta rito sa ospital upang tignan man lang ang kondisyon mo. Naging matindi ang damage na tinamo ng cornea mo mula sa pagkakahiwa kutsilyo dyan." mahinahon na sagot sa akin ng doktor.

Pakiramdam ko tuyung-tuyo ang buong lalamunan ko at hindi ako makasagot dahil parang walang boses na lumalabas sa bibig ko. Patuloy rin ang pagkabog ng malakas ng dibdib ko na para walang katapusan. Nanginginig pa rin ang nanlalamig kong mga kamay.

Napatakip na lamang ako ng aking bibig sa narinig na balita. Hindi ko matanggap 'tong nangyayari sa buhay ko ngayon. Pakiramdam ko tuluyang nang kakawala sa katawan ko ang kaluluwa ko. Para akong buhay na walang puso ngunit patuloy na humihinga. Alam ko na ang kahihinatnan ng kondisyon ko. Pagbabayarin ko ang hayop na 'yun mula sa ginawa niyang 'to. Hindi ako makakapayag na hindi niya padusahan ang ilang taon niyang pangmamaltrato sa akin.

"P-permante na po ba ang pagkabulag ko? H-hindi na po ba madadaan ito sa operasyon?" muli kong pagtatanong sa doktor.

Huminga ng malalim ang doktor "Tatapatin na kita at ikinalulungkot kong sabihin sa'yo na permanente na ang pagkakabulag ng kaliwang mata mo. Mabilis na kumalat ang impeksyon sa loob ng mata mo kaya hindi na ito madadaan pa sa operasyon." pagtatapat nito sa akin.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon