Chapter 45
Blind Choices
ZIE
"Iba talaga kapag may girlfriend na, nagiging blooming ahh... Nakss sana magkagirlfriend na rin ako para ganyan din ako ka-fresh. Hagardness na hagardness na ang kagwapuhan ko." natatawang saad sa akin ni Nao habang sabay kaming nagsasagot ng aming mga assignments.
Ito na ang huli naming assignment kasi patapos na ang aming highschool. Sa susunod na dalawang linggo ay graduation na. Nagpapasa na lamang kami ng mga huling requirements para maka-graduate na. Saka sa isang araw ay umpisa na ng aming graduation practice.
Napag-usapan na namin ni Nao kung saan kami mag-cocollege at kung anong course ang kukunin namin. Nagdesisyon siya na Civil Engineering ang kukunin kurso sa college habang ako naman ay Psychology. I really want to study Psychology to help myself to cope from my past experiences.
Habang mag-iisang taon na rin kami ni Rin. Oo, sa susunod na dalawang linggo sa araw ng aming graduation ay gaganapin namin ang aming first anniversary. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat. Basta isang araw, na-realize ko na hindi lamang bilang isang kaibigan ang tingin ko sa kanya, mas higit pa. Nauntog na lamang ako at nagising isang araw na mahal ko na pala siya.
Siguro dahil na rin na siya ang nag-iisang babaeng hindi humusga sa buong pagkatao at sa pisikal na itsura ko. Siguro kaya ako naging mas malapit sa kanya. Muli niyang ipinaranas ang pagmamahal na matagal ko ng huling naramdaman mula sa aking mga namayapang mga magulang.
"Grabe ka naman... Hayaan mo kapag nag-college tayo magkaka-girlfriend ka na. Saka huwag ka ngang tigang, linggo-linggo ka namang may putahe. May mga pagpipilian ka pa nga." natatawa kong pang-aasar sa kanya habang mahinang sinuntok ang kanyang braso.
Umatungal naman siya "Huhuhu... Ang mean mean mo talaga sa akin. Grabe ka naman na linggo-linggo, buwan-Buena lang naman. Ang oa rin talaga ng imagination mo eh no?" tatawa-tawa niyang pagpapaliwanag sa akin.
Tumawa ako ng mahina bago muling magsalita "Bakit? Totoo naman ahh? Parang nasasaktan ka ata? Kulang na lang ata magka-HIV at AIDS ka para tumugil ka sa hobby mong 'yan. Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend eh, kinakarma ka tuloy. Pakboy ka raw kasi." pang-aasar pang sagot sa kanya.
Marahan niyang ginulo ang buhok "Naku... Mag-ingat ka dyan sa sinasabi mo baka bumalik sa'yo 'yan sige ka. Nag pala maiba tayo, ano nang balak niyong dalawa ni Rin? Nakapag-usap na ba kayo na kung saan siya papasok sa college?" nagtataka niyang tanong sa akin.
Umiling ako dahil sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ako.makakapag-aral dun sa University na gusto niya dahil may kataasan ang tuition fee nito at saka hindi ito kaya ng benefits na nakukuha sa mga life insurances na mga magulang ko pati na rin ang monthly allowance na ibinibigay sa akin ni Atty. Alegria.
Nahihiya ako kasi hindi ko siya makakasama sa aking college life. Gusto niyang makapag-aral sa prestihiyosong Unibersidad na iyon dahil nandoon ang kanyang kurso at maganda raw ang pamamalakad doon. Gustuhin ko man na mag-aral dun ay hindi maaari. Kaya humahanap ako ng tiyempo kung paano ko sasabihin sa kanya. Dahil sa pagkakaalam niya ay doon rin ako papasok at mag-aaral.
Humahanap lamang ako ng tamang pagkakataon upang sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko rin kasi naikukuwento kay Nao na hindi ko pa nasasabi kay Rin ang totoo. Alam kong maiintindihan ni Rin ang desisyon.
