Chapter 47: Dark Sovereign

461 17 2
                                    

Chapter 47

Dark Sovereign


ZIE


"You can run but you can't hide." malalim at baritonong saad ng isang lalaki.

Nagtagis ang aking bagang sa narinig. Hindi pa kaya ng katawan ko na muling makipaglaban matapos ang pakikipagbuno ko sa tatlong nakalaban ko kanina. Huminga ako ng malalim dahil ramdam ko na ang aking hingal dahil sa kapaguran. I used most of my magic. Hindi ko alam kung makakalaban pa ako sa kanya.

Napalunok ako ng mariin habang napahinto na lamang sa aking akmang paggapang. Kakaibang enerhiya at presensya ang ipinaparamdam niya sa akin. Sa sobrang lakas ay nakakakilabot na. Literal na nagtataasan ang aking mga balahibo sa batok. Para bang otomatikong bumilis ang tibok ng puso ko at ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

I'm running out of mana. Sa aking pakiramdam ay hindi ko siya kayang kalabanin magically and physically. Muli akong napalunok sa aking naiisip. Paano ko kakaharapin ang isang nilalang na halos ilang beses ang lakas sa akin? Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi. I need to calm down. Panicking will lead me to my early grave. Maka-isip din ako ng paaran.

"Huwag ko nang balakin pang tumakbo dahil wala ka nang takas sa akin, Zirconium Zeitgeber Douchet-Louisenbarnn." malalim na dagdag niya pa.

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses sa akin likod kahit na wala akong makita sa sobrang dilim ng paligid. Muling dumaloy at gumapang ang malakas na kuryente sa aking likod ng banggitin niya ang aking pangalan. Paano niya nalaman na iyon ang aking biological name? Walang nakakaalam nito kung hindi ako at ang matandang hukluban na iyon ang sikretong ito.

Ilang sandali pa ay nalasahan ko ang tila bakal sa aking bibig dahil sa mariin kong pagkakakagat sa aking pang-ibabang labi. Hindi nga ako nagkakamali at ako talaga ang pinupuntirya niya. Hindi ito isang mistaken identity at kung nakikita niya ako ay malalaman niya ang body language ko. Hindi ko maipagkakaila ang matinding gulat sa aking katawan.

Anong kailangan sa akin ng lalaking ito? Napasinghap ako ng hangin dahil sa matinding pag-iisip. Kailangan kong makagawa ng paraan upang makalayo sa kanya. Kakaiba ang sinasabi ng aking gut feeling at intuition ko. May kakaibang pakiramdam ako sa kanya. Maaari siyang gumawa ng anumang bagay na makakasama sa akin lalo na't walang sense of sight ang mga taong nasa paligid ngayon.

Ano ba kasing ginagawa ng mga Propesor namin dito sa Academy? Palagi na lang silang nalulusutan ng mga kalaban nila. Ano bang pamamahala at seguridad ang pinapatakbo ng Tiyahin kong si Sushmita na Presidente ng Bloodstone Academy?

"Huwag kang matakot at hindi kita sasaktan kung gagawin mo ang mga ninanais ko." dagdag pa ng lalaking nasa aking likod.

Hindi naman ako umimik pa dahil pakiramdam ko ay nawalan na ako ng boses sa sobrang kaba. Namamawis ng malamig ang aking noo at mga palad habang nangangalos ang aking mga kalamnan. Kailangan mong mag-isip Zie. Kung hindi ako lalaban ay hindi pa ako mamamatay ng maaga ngunit kapag sinunod ko naman ang kagustuhan niya ay kahit papaano he will spare my life.

This is a life and death situation, one wrong decision and one mistake can lead me to my grave. What should I do? Muli ako ng huminga ng malalim. Pilit kong kinokondisyon ang aking isipan na maging kalmado sa mga oras at minuto na ito. Isang maling galaw lamang at madedeads talaga ako ng tuluyan.

Ano nanaman bang kalokohan ang ginawa ko at kinakarma talaga ako. Ano ba itong buhay na ito ako na lang palagi ang agrabyado. Kung alam ng lalaking ito ang aking buong buhay, malaman malaki ang tsansa na alam na rin niya kung sinu-sino ang mga kamag-anak ko at alam na niya rin na ako ang matagal na nawawalang apo ni Alastor Louisenbarnn.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon