Chapter 44: Mirrors' Deceit

503 22 2
                                        

Chapter 44

Mirrors' Deceit


ZIE


"Naks, buti pa itong kumpare ko! Palaging gawa na ang assignment! Kailan kaya ako mahahawaan ng kasipagan nito?" natatawang saad sa akin ni Nao habang binabasa at kinokopya ang mga laman ng notebook ko.

Ngumiti naman ako bago siya batukan "Sa susunod kasi, huwag ka nang mag-adik adik dyan sa kaka-mobile legends saka kaka-league of legends mo. Lagi ka tuloy puyat, hindi ka tuloy nakakagawa ng mga assignments natin. Sa susunod, hindi na kita pakokopyahin niyan."

Ngumisi naman siya habang kinakamot ang ulo niya "Grabe ka naman sa'kin, hayaan mo hindi naman na ako palaging nag lolol at naglalaro ng ml. Binawas-bawasan ko na. Oo na po, sa susunod gagawa na ako ng mga assignments natin." natatawa na lamang niyang sagot sa akin.

Tumango na na lamang ako at ngumiti sa kanya. Siya ang nag-iisa kong kaibigan sa eskwelahan na ito. Tatlong taon na ako sa aking highschool ngunit siya lang ang tumanggap sa buong pagkatao ko. Siya lamang ang tinuturing kong kaibigan dito. Kaya naman hindi ako makatanggi sa mga hinihingi siya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Siya ang nagtatanggol sa akin lalo na sa mga kalalakihan na malalakas mambully dahil na nga sa malaking peklat sa mukha na iniwan sa akin ng tiyahin ko nakakulong pa rin hanggang ngayon. Siya ang nag-iisang taong hindi tumingin sa panlabas kong anyo. Lahat nilalayuan ako, karamihan iniiwasan ang presensya ko.

Buong akala nila ay isa akong basagulero at tambay lamang sa kanto ng dahil sa lamat sa mukha ko. Maraming nang-alipusta sa pangalan ng mga namayapa kong mga magulang na hindi ako pinalaki ng tama. Lahat sinabihan ako ng ganyan, liban lamang sa kanya. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng tao sa kanya lalo na kapag magkasama kaming dalawa.

Si Nao ang nag-iisang taong tumanggap sa buong pagkatao ko. Si Nao ang nag-iisang taong hindi humusga sa aking pisikal na kaanyuan. Si Nao ang nag-iisang kaibigan na itinuturing ko.

Wala akong narinig na pagrereklamo sa kanya, siya pa ang nagpapalakas ng loob ko upang mas tumaas ang aking self-confidence at self-esteem. Kakaibang impact ang binigay niya sa akin. Akala ko buong highschool life ko ay wala na akong magiging kaibigan pa.

Ilang sandali pa habang nagsusulat siya sa kanyang notebook ng lapitan pa siya ng iba pa naming kaklase.

"Uy Pare! Sama ka muna sa amin ngayon, may mahalaga akong sasabihin sa'yo." rinig kong bulong sa kanya ng isa kong kaklase habang pinagmamasdan ako.

Hindi na lamang ako umimik at nanatiling walang napansin sa pagbubulungan nila. Wala pang isang segundo ng agad tumayo si Nao at mabilis na ibinalik sa akin ang aking notebook at ang notebook niya na hindi pa siya nangangalahati sa pagkopya ng aking assignment.

Akmang magsasalita pa sana ako nang agad magsalita si Nao nang makatayo habang pinapagpag ang kanyang pantalon na nadikitan ng mga damo.

"Zie ano kasi, may kailangan kasi kaming asikasuhin sa groupwork namin sa Science alam mo naman na bumagsak 'tong mga kumag na 'to kaya pati ako nadamay. Pwede bang ikaw na ang magtuloy niyan? Hindi ko pa kasi natatapos eh. Ikaw na bahala magpasa niyan kay Sir mamaya. Please?" nakangiting saad sa akin ni Nao habang nakatakip ang magkabila niyang palad na para bang nagmamakaawa sa akin.

Tumawa naman ako ng mahina saka tumango "Ano ka ba, walang problema. Basta asikasuhin niyo ng maayos 'yang groupwork niyo. Ako ng bahala dito sa assignment mo. Ako na rin magpapasa nito kay Sir mamaya. O siya't humayo ka na." nakangiting sagot koh habang naghahand-gesture na lumayas na siya sa harap ko.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon