Chapter 50: The Fallen

463 16 1
                                    

Chapter 50

The Fallen


ZIE


"Itong mga susunod na clips na mapapanood mo ay tungkol naman sa pagpapalayas ng Amang Hari sa ating Lola Maeiv at pagpatay ng ating Lolo Alastor sa kanyang mga magulang." dagdag niya pa.

Tumango na lamang at hindi na sumagot. Ayaw kong may lumabas na kung anong salita sa bibig ko baka biglang ma-triggered. Ayaw kong makita niya hindi ako kumbinsido sa mga ebidensyang ipinapakita niya sa akin ngayon. I want him to believe that they slowly getting on their sides. Mahirap na at lalo na't nasa teritoryo nila ako at maaari nila akong patumbahin anumang oras. I'm going to play their mindless game.

Ilang segundo ang lumipas at dali-daling nagpalit ang scene sa holographic screen na nilalabas ng isang mahiwagang lumang libro ng kasaysayan kuno. Ang scene ng flashback ngayon ay magkaharap sa isang podium ang magkakambal na sina Alastor at Maeiv. Alastor is emitting a flare or fire from his left hand while on the other was a gushing waves of water. Ilang sandali pa itinutok nito ang kanyang mga palad sa walang kamuwang-muwang na Meaiv, wearing an enigmatic grin in his blank face.

"Ano Maiev? Hanggang dyan na lang ba ang kaya mo? Huwag ka ngang lalampa-lampa dyan! Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kayang kalabanin! Wala ka talagang silbe! You're such a disgrace in this royal family. I am ashamed that I am your other half. Ughh, I wished it could be an another person." nakangisi wika ni Alastor habang dahan-dahan na lumalapit sa kanyang walang kalaban-laban na kakambal na Maeiv na nakasalampak sa sahig ng malamig na podium.

Hinang-hinang pinagmamasdan ni Maeiv ang kanyang sarili. Punong-puno na ng pinaghalong malalalim sugat at mabababaw na galos ang kanyang buong katawan. Habol na rin ang kanyang hininga at pilit na humihinga sa bibig dahil nga nahihirapan huminga sa ilong na napuno na rin ng namumuong dugo. Bahagya na rin na masakit ang kanyang ulo at unti-unting nahihilo dahil makailang beses siyang nabagok.

Naluluha nitong hinarap si Alastor "Ano bang ginawa kong mali sa'yo? Buong buhay ko wala akong ginawang masama sa'yo! Wala kang narinig na reklamo sa bibig ko kapag sinasaktan mo ako. W-wala akong magawa sa mga pasaring mo sa kakayahan ko. B-bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito?" nangmamakaawang tanong ni Maiev kay Alastor.

Ngumisi lamang ito at mas lamang nagtagis ang kanyang mga bagang sa binaggit ng kakambal. Makikita sa kanyang mukha na hindi siya naawa sa kalagayan ng kanyang kapatid. Ang reaksyon sa kanyang mukha ang magpapatunay na may satispaksyon siyang nakukuha kapag nakikita niyang nahihirapan ang kanyang itinuturing na kaaway.

Ang nasa isip lamang ni Alastor ay tuluyang sumakabilang buhay ang kanyang nakatatandang kapatid dahil narinig niyang pinag-uusapan g mga opisyales ng bansa na bubuwagin na nila ang batas ng Royal Family na tanging mga lalaki lamang ang maaaring maging pinuno o Hari ng bansa. Kung maisasakatuparan ito, maisasantabi ang nalalapit na pagbibigay ng kanyang Amang Hari ng trono sa kanya.

Ayaw niyang mangyari ito dahil naniniwala si Alastor na siya lamang ang karapat-dapat na maging Hari ng buong kaharian n Silkwood. Naniniwala siya ay mas magaling laban sa kanyang kapatid at may mas magandang uri siya ng mahika kaysa rito. Naniniwala siya na siya ang pinakamagaling sa lahat ng bagay, na siya ay isang superior sa lahat ng aspeto ng buhay.

Kinakailangan nitong mawala o mabura sa kanilang buhay dahil si Maeiv ang pinakahadlang sa kanyang inanais na posisyon.

"A-ano bang kailangan kong gawin upang mapatawad mo ako? S-sawang sawa na akong Alastor! P-pagod na pagod na ako..." naiiyak na pagsusumamo ni Maeiv sa kanya.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon