Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ano kayang nagustuhan ni Anderson dyan eh ang gaslaw gaslaw naman kumilos"
"Yeah, look how she eat, so messy so unlady"
I mimicked them habang nakatalikod ako sa kanila.. natawa naman si Reese na nasa harapan ko na kumakain din ng Chichirya. Ang kaibahan lang namin ay mahinhin itong kumilos Unlike me na laking probinsya walang pakealam.
Nagbulungan pa talaga ang mga to sa likod ko. Ang aarte pa mag salita, mayayaman nga naman..
Kaya ang ginawa ko nilakasan ko talaga ang pag nguya ng chips, it makes an annoying sound. Pilya akong ngumiti sa harap ko na nagpipigil ng tawa. Malamang kita nya kasi ang mga disgust faces ng mga clown sa likod ko.
"She's gross, why is she even here in this school"
"She don't belong here"
Di ko sila natiis at nilingon ko..
"And how about you? This school doesn't need some hypocrite critics like you. Lalo na at ang pag iinarte lang ang alam nyo" kala nyo huh! Palaban ata to..
"Excuse me? Baka ikaw ang ipokreta sa atin. Look at you? Asal lansangan kulang sa good manners" at tinaasan nya ako ng kilay.
Abat sibusubukan ako ng payasong to ah.. kaya tinaas ko pa ang kilay ko, yung tipong lumagpas na sa noo ko.. pero char lang yun tinaas ko lang talaga kaso dalawa dahil di ko kayang isang kilay lang.
"Excuse me ka rin, look who's talking about good manners.. tama ba yung mang lait ng tao? Tama ba yung mang apak porket di katulad nyong nakaangat sa amin? Saang GMRC book mo nakita na tama yan? Oh my God ganun naba ka busy ang magulang nyo sa pagpaparami ng pera nyo at nakalimutan na kayong turuan kung paano rumespeto ng kapwa? Huh?"
Napatingin sila sa paligid, nasa kanila kasi ang atensyon ng ibang nasa canteen. Marami din kasing may ayaw sa grupong to. Di sila naka imik na tila ba natamaan sa sinabi ko.
Poor them, di man kami mayaman sa pera mayaman naman kami sa pagmamahal.
"And correction girl di ako asal lansangan.. taga bukid ako Oo pero pinalaki ako ng maayos ng magulang ko. Anong pakialam mo kung messy ako kumain? Eh doon ako masaya, mamatay ba kayo dahil ganun ako? Diba hindi? Kaya AH-UM nalang kayo" and i gestured zipping my mouth.
Nang gagalaiti na sa akin yung isa yung naka kilay goals, pwede na gawan Ng bridge yung kilay sa sobrang lapit na ng guhit.
"May araw ka rin sakin" sabi nya.. pero bago sya naka talikod may pinahabol pa ako..
"Okay aantayin ko yan, pero sana sa susunod nating pag haharap ayusin mo na ang kilay mo.. piece of advice girl, manood ka ng tutorial sa youtube kung paano mag kilay. Na e-stress kasi akong tingnan yan, pwede na kasing gawing tulay"