Bente singko

1.2K 34 1
                                        

Nakatulala si Elle sa opisina nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakatulala si Elle sa opisina nya. Mabigat ang dibdib nya dahil sa pagiging official ni Sia and Thunder. Halos magwala pa ito sa saya at mabilis na lumipad sa Australia.

Pero bago ito nakalipad habang nasa party pa sila ay di nya makalimutan ang ngiti nito para sa kanya.

Thunder smiled at me. And i know it was a genuine one.

He was in victorious moment of his life that night. Kaya naisip ko na baka dahil sa sobrang saya nya lang yun kaya nginitian nya ako ng ganun.

Di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi na nginitian nya ako. Because i always thought na dahil sa sobrang inlove nya at saya kaya nya ako nginitian.

Bitter ba ako masyado? 😔 di pala talaga maiwasan kaya ngayon ramdam ko na kung bakit may mga bitter sa mundo. Sila kasi yung mga nasaktan at di nabigyan ng mga pagkakataon na sumaya sa bagay na nais nila.

Its a toxic feeling but unstoppable lalo na pag nasa mismong sitwasyon ka.

Kahit alam kung parte lang ng pananakit at panloloko nya sakin dati ang pag ngiti nya ng matamis sakin before ay hinahanap hanap ko parin ang ngiting yun. Pakiramdam ko kasi ng mga panahong yun ay totoo talaga ito.

The way he smiled and cared for me. We even shared a spur moment of intimacy. He was my first kiss and I didn't know if he knew about it or does it matter to him at all.

"Hey are you okay? You seem sullen this past few days. Where's the enthusiastic Elle we knew? Ganyan ba ang bungad mo sa bagong taon? Nako baka mag tuloy tuloy yan. " sabi ni Jay sa kanya.

Napakagat sya sa ibabang labi at ngumuso kay Jay.

Mabilis kaming nag ayos ng mga papel na pipirmahan ni Thunder dahil natambak ito kasi sa Australia nag celebrate ng pasko at bagong taon si Thunder.

Ngumiti ako ng mapait.

Basta ang importante masaya na sya. Kung wala lang sa kanya ang mga nangyari sa nakaraan pwes sakin importante yun. Kasi kahit saglit ay naiparamdam nya sakin ang saya. Kalimutan ko nalang ang sakit na idinulot noon sakin.

"KAYA MO TO ELLE" cheer ni Elle sa sarili habang nakataas ang isang kamay. Pumalakpak naman si Jay kaya napatinggin si Elle at napataas ang isang kilay.

"Yan ang Elle na kilala namin.. welcome back KULET!!" Duda na talaga ako dito kay Jay. May something kitang kita sa pilantik ng daliri.

Nung mapnsin nitong tinitigan ko sya ay tumikhim ito bigla at ibinalik sa pagka baritono ang boses. Akala nya huh di ko napansin yun.

"Balik na ako sa trabaho" sabay talikod sakin dahil nakita nyang naka bungis ngis na ako.

Break time na namin at nag sama sama kami dito sa Canteen. Tapos na kaming kumain ng tanghalian kaya nag kukwentuhan kaming lahat.

A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon