A/N: yay!!!! Rank #1 po tayo sa #lettinggo..
nakakatuwa kaya ito mag uupdate agad ako. Happy lang ako kasi after kong mag update may higit 10 votes nako. Maliit na bagay pero nagpapasaya na po sakin. Please don't forget to vote if you liked this chapter and recommend my story mga ka babe.. this one will be heavy kaya e-ready ang mga puso jan.Thunder was in a middle of important meeting when his phone vibrated. Hinayaan niya lang ito pero vibrate ng vibrate at ng makita na galing kay Bong ang tawag ay tumayo sya at nag excuse sa lahat.
Pagkatapos niyang matanggap ang tawag ay nagmadali siyang umalis sa building at halos paliparin na ang kotse papuntang hospital. His heart was hammering inside his chest. He was dead scared and worried. Wala na siyang pakialam sa naiwang meeting niya at sa traffic light na nakapula pa.
At nang makarating ang binata sa hospital ay dumeretso ito sa kinaroroonan ng anak. Parang piniga ang puso niya ng makita ang maraming pantal sa mukha nito pati sa buong katawan. His eyes and his lips were swollen too. Hinang hina ang anak na naka higa sa hospital bed nito. Di mapigilan ni Thunder na mapa iyak habang nakatitig sa anak. Hinawakan niya ang maliit niton kamay at hinaplos ang mga namamagang pantal doon.
Pumasok naman ang doctor at agad siyang kinausap.
His son suffered from severe allergy. Buti na nga lang daw at naitakbo agad ito sa hospital dahil kung hindi baka maging sanhi ito ng pagkamatay ni Aya.
Even just thinking about it ay di niya kaya. Umabot na sa puso ang allergic reaction ni Aya na sanhi ng pamamaga ng mga lagusan nito sa dugo.
Naikuyum ni Thunder ang kamay sa galit. Galit siya sa sarili dahil hinayaan niya na mangyari ito sa anak. He's the father he should protect his son, Something that he oath the day he was born. And now he failed again.
"Mr. Sarmiento you're very much aware that your son was allergic with sesame right? (He nod). What happened right now was very close to ending your son's life. He got it from the food he consumed. The reaction was quick because of the large intake of sesame. I already had told you that even a few portions of it were prohibited. Let's be careful next time Mr. Sarmiento, let me remind you that even oils or flavored food are not allowed for Your son." Sabi ng doctor ng anak.
His son already have a record in the hospital dahil sa unang atake sa anak nung napakain niya ito ng Chinese chicken na may sesame seeds. Kaya mula noon ay maingat siya sa kinakain ng anak. Mas naging hands on siya sa pag peprepare ng pagkain ni Aya at pag nag order naman ay sa piling restaurant lang na alam ang kondisyon ng anak.
Pagkatapos mag usap ni Thunder at ng Doctor ay tinawag niya si Bong at tinanong ang nangyari. Bong told him that Elle called him at dumeretso na sila ng hospital dahil inatake na ang anak.
"Where is she?" Tiim bagang na tanong ni Thunder. Di naman maiwasan ni Bong na matakot sa nagbabagang mata ni Thunder na sa tingin niya ay sasabog na maya maya.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster (Thunder Elliott Sarmiento) Completed
Romance"It's a beautiful aftermath of a disaster" #1 lettinggo 2019-2020 #1 generalfiction April 2020